SHANNAIAH POV
“We exist in the present but sometimes our heart lives on the past.”
HALOS hindi maipinta ang aking mukha ng mag-sink in sa akin ang mga nangyayari sa pagkakataong 'to.Kung tutuusin ay papasok lang naman sana ako ng 7/11 kanina para sana ay bumili ng mineral water.
Naubusan kasi kami ng maiinom na tubig sa bahay. Pipihit na sana ako nang pinto kanina ng bigla na lamang nag-ring ang cellphone ko at nag-flash sa screen na tumatawag si Alas at dahil sa mabait ako ay sinagot ko ang tawag niya.
Hindi ko alam kung dapat ko ba na ipagpasalamat ang pagdala ko ng cellphone.
Bwisit na bwisit talaga kasi ako kay Alas eh, magmula pa no'ng tumawag siya. Nakakainis, inagawan ba naman ako ng moment para ipahayag sana ng mga bagay na tumatakbo sa isip ko kanina.
Ang sarap niyang sakalin.
“Araaaay, nasasa—kal ako.” reklamo niya. Nagising na lamang ako sa reyalidad na nasa harap na pala kami ng bahay nila, nakatayo habang hinihigit ko ang necktie ni Alas at kay bongga na lamang ng reaksyon ng mga taong nakapalibot ngayon sa amin.
Tiningnan ko ng mabuti ang pagmumukha ni Alas at pansin na pansin ko ang matinding pamumula ng mukha niya at halatang hinahabol niya ang kaniyang hininga.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung kaya't ngumiti na lamang ako at mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak sa necktie niya.
“Please....” usal muli ni Alas. Nang marinig ko ang naghahabol hininga na boses ni Alas ay nataranta ako at inayos ko na kaagad ang mga bagay na dapat kong ayusin.
Hindi ako nakatingin sa kaniya at nakabusangot habang inaayos ko ngayon ang necktie niya.
“Ang ganda mo today.” puri niya sa akin ngunit hindi ko siya pinansin at ng matapos ko ng ayusin ang necktie niya ay lumisan na ako sa harap niya.
Nakakailang hakbang pa lamang ako ng bigla niya na lamang akong hinarang, as his arms are widely opened.
“Look, I'm sorry.” aniya habang pulang-pula ang kaniyang mukha, hindi na lamang ako umimik.
Tiningnan ko siya sa mga mata at walang ano-ano ay naramdaman ko na lamang ang biglaang pagkabuhay ng mga paru-paru sa aking t’yan.
“Tangina.” lutong kong bulong habang nakatitig sa kaniya at iniisip ang mga paru-paru na ngayon ay nagsisimula ng lumipad.
“What?” aniya na nagpapahayag na gusto niyang marinig muli ang boses ko.
“Ba't ba kasi umaapaw ang kagwapuhan mo ngayon.” reklamo ko as I throw my arms in order to make him sway away from me, ngunit hindi ito tumalab bagkus ay isang mahigpit na yakap ang sumalubong sa akin.
“I love you.” he whispered as he tightened his hug.
Bigla akong hindi nakagalaw maging makaimik. Parang may magic na nangyari sa akin at basta-basta na lamang akong nag-freeze sa harap niya.
Sa pagitan ng mga yakap niya ay namamayani ang tunog ng tumitibok naming mga puso.
At this very moment, I began to contemplate how our heart beats in unison.
Hindi ako nagkakamali na sabay ang pagtibok ng aming mga puso ngayon at tila ba'y iisa lamang ang pinapahiwatig nito.
My body is in complete induration yet my heart is animatedly beating, screaming his name.
He caress my hair at muli niyang ibinigkas ang tatlong mahiwagang salita, thus made the butterflies in my tummy gone wild.
“Let's go?” nang marinig ko ang sinabi niya ay napagtanto ko na lamang na kumalas na pala siya mula sa pagkakayap sa akin at ang mga kamay niya ay nakalahad na ngayon sa akin.
I right then accepted his hand para hindi ako magmukhang engot muli sa kaniyang harapan and we both paced inside habang ang puso at isipan ko naman ay naiwan doon sa moment na 'yon, sa moment na kung saan nangyari ang pagyakap niya sa akin kani-kanina lamang.
“Nandito ka lang pala.” hinihingal niyang ani. I smiled to him and he sat beside me.
“Pasensya na kung lumabas ako ha? Hindi ko kasi carry ang atmosphere sa loob eh.” I paused, “Actually, first time kong maka-attend ng ganito kagarang party. I mean, first time kong maka-attend sa party ng mga tycoon kung kaya't ganito na lamang ako kung umakto. I'm sorry.” pagtatapat ko sa kaniya.
Matapos kong bigkasin ang mga salitang 'yon ay bigla ko na lamang tuloy naalala kung gaano kagara at kaganda ang mga bisita nila.
Actually, habang papunta kami rito kanina ay nagpaliwanag na sa akin si Alas tungkol sa party ngayon ngunit, hindi ko inakala na ganito pala kabongga ang lahat.
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung anong brand ng mga gamit nila sapagkat ngayon ko lamang nakita ang mga bagay na 'yon.
Kasalukuyan naming nililibot ang kabuuan ng pamamahay nila Alas ngayon.
“Hindi ko alam kung bahay pa ba 'to or palasyo na, Alas. Ang laki at ang gara eh, tapos isa pa ang design ng bahay ay parang royal home lang tapos kanina, ang interior design ay talagang napakabongga.” mangha kong turan sa kaniya.
Tumawa lamang si Alas hanggang sa huminto na ako mula sa paglalakad at umupo sa mga damo sapagkat nakaramdam kasi ako ng biglaang pagngalay nang aking mga paa.
Nakaharap kami ngayon sa fountain ng bahay nila at ang gara lang kasi 'yong statue na nasa fountain ay nude na tao. Parang pinapahiwatig lang tayo na mga nilalang at masasabi ko na isang masterpiece talaga ang art na ito.
Hindi ko maialis ang aking tingin sa fountain ng biglang magsalita si Alas, “Pansin mo ba kung saan nakatingin ang art?”
I shrugged, “Hindi.” at sinundan ko na ng tingin kung saan naka-pwesto ang mukha ng art.
“Bakit ba naka-ganiyan siya?” inosente kong tanong ng mapansin ko na may kakaiba nga sa statue.
He sigh, “Alam mo ba na isa 'yan sa favorite ko rito sa bahay namin?”
Tumingin ako sa kaniya ng walang emosyon, “Hindi.” and he right then laugh insanely, “Saka isa pa, hindi naman 'yan 'yong tanong ko.” prangka ko sa kaniya at mas lalo pa siyang tumawa. Inalis ko na lamang ang tingin ko sa kaniya at tumititig muli sa art.
“Ganito kasi 'yon, kung susundan mo ang mga mata ng art ay dadalhin ka nito sa kabilang dako and right there,” he paused at tinuro ang kabilang dako na tinutukoy niya, “You will see the statue of a woman that is looking at the sky.” paliwanag niya.
“Oo nga ano.” sang-ayon ko habang nakatingin sa dalawang fountain.
Matapos ang paliwanag ni Alas ay napagtanto ko na sa left side pala ng male statue na ito ay may nakatayo rin na isang fountain na kung saan babae naman ang statue at nakatingala ito sa taas.
“Alam mo ba kung anong pinapahiwatig niyan?” tumingin ako kay Alas and his eyes right then attracted mine.
In a sudden, our worlds interlocked...
Lumapit siya sa akin at saka bumulong.
Sa paglapit niya sa akin ay hindi ko na maipinta ang naging reaksyon nang katawan ko. I'm starting lose my sanity.
“Pinapahiwatig niyan na sa mga pagkakataong nakatingala ka, may isang tao palang palihim na nakatitig sa'yo at habang lumilipad ang iyong isip sa kalawakan ay may tao na palang nahuhulog sa'yo ng hindi mo nalalaman.”
BINABASA MO ANG
HEY, MR. PERFECT
Romance"In a society that see me as the perfect person, who am really I when unnoticed?" [EDITING IN PROGRESS] Credits to Pinterest for the photo that is used on the cover.