CHAPTER 9

12 3 1
                                    

SHANNAIAH POV

“What is love, anyway?”


FOUR pm ang uwian namin dito sa school at nasa kalagitnaan ako ngayon sa paglalakad palabas  nang campus ng bigla kong maalala ang pabilin ni Ma'am sa akin kanina na meeting namin ngayon kasama ang aming class vice president and secretary.

Left with no choice, I sighed and turned around at nagsimulang tunguhin muli ang aming classroom ngunit bago pa man ako makahakbang ay naramdaman ko nalang ang instant na pagkawala ng aking lakas. Parang hinigop yata ng alinmang entity ang kabuuan nito.

Bagaman, hindi ako nagpatinag, I compelled myself to walk pabalik sa classroom.

Habang naglalakad pabalik sa classroom ay nakaramdam ako ng pangangalay at matinding panghihina and so I decided na umupo muna sa bench na malapit sa building ng classroom namin.

I spared time para makapagpahinga muna.

I took a deep breath at kinapa ang aking bag and instantly out of luckiness, a scintilla of life suddenly spark within me at mas lalo akong nakaramdam ng saya nang makita kong may laman pa itong tubig. Dali-dali ko itong binuksan and I took a drink.

Habang umiinom ay bigla na lamang sumulpot si Ace sa aking harapan dahilan para mapatigil ako mula sa pag-absorb ng tubig at tinitigan ko siya mula sa kaniyang ulo hanggang sa kaniyang paa. Pagkatapos ay nilunok ko na ang na stock na tubig sa aking bunganga. Nang matapos na ako mula sa pag-inom ay sinarado ko na ang aking tumbler at pinunasan ko ang aking bibig.

“Ganiyan ka ba talaga uminom?” turan ni Ace out of nowhere, as an act of breaking the silence between us na na dahilan para maguluhan ako at napatanong na lamang sa kaniya kung bakit.

Ang weird lang din kasi habang umiinom ako kanina ay tahimik lamang siyang nakatayo sa aking harapan habang pinagmamasdan niya ako nang maigi.

He looked at me intently, “Ang lakas mo kasing uminom ng tubig, daig mo pa ang uhaw na kalabaw.”

What?

Ang bastos niya ah, hinalintulad ba naman ako sa kalabaw!

Hindi na ako umimik pa sa kaniya at saka mabilis pa sa alas kwatro akong tumayo mula sa aking pagkakaupo ngunit hindi ko inaasahan ang susunod na mangyayari... muntik na akong matumba.

Mabuti na lamang at nasa tabi ko sa Ace at sinalo niya ako. Hindi ko inaasahan ang pangyayari, masyadong mabilis ngunit isa itong sapat na dahilan para marinig ko ang karera nang aking puso.

Kasabay sa bilis ng tibok ng aking puso ay ang bilis din ng pagdaloy ng aking dugo patungo sa aking mga pisngi.

Nakahawak ang dalawang kamay ni Ace sa aking bewang habang ang kaliwang kamay ko naman ay nakahawak sa braso niya at ang kanan kong kamay ay hawak-hawak ang pinakamamahal kong tumbler.

Nagtama ang mga mata namin ni Ace at habang tumatagal ang titigan namin sa isa't-isa ay parang paunti-unti akong hinihigop nito.

Hindi ko alam pero sa mga oras na ‘to, ang tanging alam ko lang ay hindi ko maalis ang aking paningin sa mga mata niya.

Ang ganda ng mga niya.

Ang hazel brown eyes niyang mga mata ay perpekto para sa akin; nakakalunod, nakakabighani.

As we stare at each other’s eye ay naramdaman ko na para bang unti-unting tumitigil ang mundo mula sa pag-ikot nito. Unti-unting nawawalan ng lakas ang oras mula sa pagtakbo at parang kami lang dalawa ni Ace ang nage-exist ngayon dito sa mundo. Parang nilulunod ng kakaibang saya ang puso ko.

HEY, MR. PERFECT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon