CHAPTER 26

13 2 0
                                    

ACE POV

“Oftentimes, love hits us in an unexpected way.”


KASALUKUYAN akong nasa teritoryo ko rito sa school ngayon kasama ang aking dalawang aso na sina Jude at Hexian.

Saturday ngayon at walang pasok pero dahil sa malakas ako rito sa school ay kahit weekend ay maari akong pumasok at magliwaliw dito.

“Sabi ko kasi sa inyo ay mas mainam na sa mall tayo.” dabog ni Hexian.

“ 'Edi mag-mall ka mag-isa mo.” sagot naman ni Jude.

Nagkasagutan silang dalawa hanggang sa nagbangayan at nagbantaan na ngunit hindi ko na lamang sila pinansin.

“Tangina mo ano!”

“Tangina mo rin, ano?!”

Lumipad sa bawat sulok dito sa tambayan namin ang mga mura mula sa bibig nina Jude at Hexian na siyang kinainis ko.

I shift my sight to their direction at nakita ko kung paano nila kwinelyo ang isa't-isa. Magsusuntukan na sana sila ngunit mabuti na lamang ay nag-responde ako agad.

Pumagitna ako sa kanila sabay sigaw ng nakakabinging, “Pendejada! Titigil kayo o titigil?!”

Kapwa naman silang natauhan matapos nilang marinig ang nakakasira ng eardrums ko na sigaw.

Sa awa ng Diyos ay bukal sa loob naman silang nagpa-awat at nag-shake hands pa nga pagkatapos.

Tss, mga baliw.

Napakaliit nga lang ng problema, pinapalaki pa nila. Mga tao nga naman oh.

“I have something to tell.” I confessed matapos ang isang dekadang pamamayagpag ng katahimikan na namamagitan sa aming tatlo.

Matapos nilang marinig ang boses ko ay agad naman nilang binitawan ang mga cellphones nila at lumingon sa akin. Tila nakikinig sa susunod ko pa na sasabihin.

I heavily sighed bilang pangpa-trigger nang intense nila.

Lumipas ang ilang minuto at wala pa ring nagsalita sa amin.

Isang nakakabinging katahimikan ang muling bumagabag sa pagitan namin at kasabay ay ang titigan naming tatlo sa isa't-isa.

Nanatiling gano'n ang eksena hanggang sa nagsalita na si Hexian, “So ano, magtititigan nalang tayo hanggang sa may ma-fall sa atin?”

I burst into laugher habang hindi naman maipinta ang mga mukha nila. Tila ba'y naiinis na sila sa akin at kalaunan ay napakamot na lamang sila ng ulo.

“Ganito kasi 'yon,” ani ko matapos makabawi mula sa eksena naming tatlo kanina.

Nanatili naman silang tahimik habang nakikinig sa susunod ko pa na sasabihin. “Kilala niyo naman si Shannaiah diba?” I cleared my throat at sabay-sabay naman silang tumango, parang mga trained dog performer sa isang circus.

Sinimulan ko ang aking kwento sa kanila sa kung paano kami nagkakilala ni Shannaiah, hanggang sa kung paano ko na lamang naramdaman ang kakaibang tibok nang aking puso.

May tatlong patutungahan ang pagiging magkaibigan ng isang babae at lalaki. Una, maaring ang tungo nila ay mananatili lamang sila sa pagiging magkaibigan. Pangalawa, maari ring ang kanilang pagkakaibigan ay mauwi sa isang ibigan. At ang panghuli, they may end up being strangers again but with memories.

Sa case namin ni Shannaiah, masasabi ko na nasa pangalawa kami, 'yong magkaibigan na ang uwi ay magka-ibigan.

Sana nga hanggang sa huli na 'to.

Matapos nilang marinig ang aking kwento ay nanatiling blanko ang kanilang mga mukha at tila ina-absorb nila ang mga nangyari sa kwento ko sa kanila.

Pagkaraan ng isang oras ay bigla na lamang humiyaw si Jude at pinagtatampal ako habang si Hexian naman ay nanatiling nakatitig sa kawalan, as his brows arched.

Tsk, napaka-slow naman talaga nitong mga taong 'to.

Pagkaraan ng dalawang oras ay saka pa lamang na gets ni Hexian ang lahat ng pangyayari at kagaya ni Jude ay humiyaw din siya sabay tampal sa akin ngunit sa pagkakataong 'to ay siya na lamang mag-isa ang humihiyaw sapagkat naka-idlip na si Jude.

Hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi.

Labis na galak ang namamayani sa buong pagkatao ko at pakiramdam ko ay nakalutang ako ngayon sa kawalan dahil sa hindi maipaliwanag na kasiyahan.

Hindi ko alam kung bakit.

“Tara, g?” hiyaw ni Hexian at pinaharurot na niya ang kaniyang motor at sumunod naman kami ni Jude.

Pagkatapos ng emotional moment kanina ay nag-aya sina Hexian na mag-long ride raw kami.

Nasabi kong emotional ang naging moment kanina sapagkat nang magising si Jude ay bigla na lamang umiyak ang dalawang hayop.

Akala ko nga ay hindi na sila titigil mula sa kakaiyak kanina sapagkat wagas sila kung maka-drama, kesyo raw 'di nila mapigilang umiyak dahil sa tuwa sapagkat finally daw, according to them, ang best friend daw nila na naturingang cold-hearted ay sa wakas, nakaramdam na rin ng pag-ibig.

Bagaman, tunay nga na walang malamig na pagkatao kapag ang puso na ang tumibok.

Kasalukuyan kaming nagda-drive habang ine-enjoy ang mga nakikita namin sa daan.

Hindi naman mawala-wala ang hiyaw ni Hexian na para bang nanalo sa casino, dahilan para tumingin sa amin ang mga nadadaanan namin.

Nagsimula ang aming byahe ng 1 P.M hanggang sa namalayan nalang namin ang lamig ng simoy ng hangin na dala ng gabi. Tumingin ako sa aking relo at napagtanto ko na 10 P.M na pala at hindi pa kami kumakain.

Dumiretso na kami sa aking restaurant at nang makarating na kami ay doon namin napagtanto na nalibot pala namin ang kabuuan ng lugar namin.

Ang saya.

HEY, MR. PERFECT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon