ACE POV
“They say, love is not enough.”
DUMADATING talaga tayo sa point ng buhay na kung saan ay mapapatitig na lamang tayo sa kawalan.... walang laman ang isip ngunit hindi naman mawari ang bigat na pasan-pasan ng ating damdamin.Ang weird ano?
Weird ba talaga or sadyang part na ito ng natural life natin at hindi lamang tayo aware o 'di kaya ay hindi tayo sanay sa ganitong pakiramdam and actually, isa na ako doon.
Dati, takot ako sa dilim. I use to abhor darkness pero ngayon ay paunti-unti ko ng minamahal ito sapagkat sa dilim ay walang makakakita sa akin at sa dilim ay nakakaramdam ako ng kalayaan— kalayaang maipalabas ang mga dugo sa sugat ng aking damdamin ng walang naririnig na husga mula sa mundo.
Ewan pero may point talaga sa buhay na dadating nalang tayo sa kung saan ay 'yong mga bagay na hate natin noon pagbata ay ginagawa na natin sa pagtanda. Siguro kasi as we grow older, nare-realize natin kung gaano karahas ang mundo at 'yong mga bagay na kinamumuhian natin noon ay siya palang magsisilbing panandaliang gamot sa mga sugat na natamo ng ating puso.
Sa kabilang banda ay siguro, tama nga sila na magkaiba ang direksyon ng ating puso at isipan— parang sa situation ko lang ngayon. Walang laman ang isip ko pero ang bigat ng pakiramdam ko.
Kung ang utak ko ay sinasabing ayos lang ako, bagaman ang puso ko ay sumisigaw na durog na durog na ako.Pakiramdam ko ay parang naka-stock ang puso ko sa pusod ng pighati. Tunay nga naman na nasanay na ako sa kalungkutan pero sa pagkakataong ito ay ibang level ng sakit ang aking nararamdaman at isa lang ang kailangan ko ngayon.... kailangan ko ng oras para sa aking sarili. Anyway, deserve ko ba talaga ang ganito? Deserve ko ba talagang masaktan?
Masyadong malayo sa aking akala patungkol sa buhay ang nangyayari sa reyalidad.
Habang nasa kalagitnaan ako ng pagdadamdam sa nakakamatay na sakit ay bigla na lamang sumagi sa isip ko si Shannaiah at pagkaraan ay sumunod ang mga patak ng aking luha.
Ba't ganito? Ba't parang ang unfair? Bakit ganito na lamang kung paglaruan tayo ng buhay?
Hindi ba maaari ang magmahal na lamang kasabay ang hiling sa atin ng kawalan ng kasiyahan?Bakit kaya hindi nalang ako hayaan ng tadhana na magmahal ng malaya?
Ngayon ay naiintindihan ko na.... naiintindihan ko na kung bakit sinasabi nila minsan sa isang relasyon ang salitang, “pagod”. Hindi naman talaga nakakapagod magmahal eh, ang nakakapagod lang ay 'yong paulit-ulit ka ng nasasaktan.
Sa situation namin ni Shannaiah, wala namang problema sa aming dalawa pero ang buhay ay tila ba'y sinasabi sa akin na hindi kami maaring magsama.
Gusto ko siyang makapiling hanggang sa pagtanda pero parang ang gusto naman ng tadhana sa amin ay pagwalayin kami hanggang sa susunod na buhay.
Sa lahat nalang ba ay against ang tadhana sa mga gusto ko sa buhay?
Bagaman, kung tutuusin din ay paano ko naman siya mamahalin ng buo kung gayong durog na durog na durog na ako?
Halos hindi ko nga ma-absorb ang katotohanang nangyari at nangyayari ngayon sa pagitan ng pamilya namin.
My very own mother fed me lies. She made me believed na si Daddy ang nag-cheat pero taliwas pala ang katotohanan sa sinasabi niya noon sa akin.
Sabi nga nila na ang mga traydor ay nasa tabi mo lang.
Ang ina ko.... ang babaeng mahal ko ay siyang dumurog sa fragile kong puso.
Ang babaeng nagbigay buhay sa akin ay siya ring nagwasak sa buhay kong angkin.
Ang babaeng pinagkakatiwalaan ko ay isa palang ahas. Naniniwala ako na siya ay mabuti, bagaman ang lason niya pala ang sumira sa akin.Nagsinungaling at nag-cheat si Mommy kay Daddy at maging sa akin din. Sa kasalukuyang panahon ay wala na akong ideya kung pa'no bumangon at hindi ko na rin alam kung maaari pa ba na maging normal ang lahat.
Ayos lang sana kung sa ibang lalaki nag-cheat si Mommy pero hindi eh, sapagkat Daddy ni Shannaiah ang naging kabit niya. Sa lahat ng pwedeng maging kabit ni Mommy, ba't ang Daddy ni Shannaiah pa?
Ngayon ay may alam ako na hindi pa nalalaman nila Shannaiah at ng Mommy niya and I am thorn between telling it or keeping it as a secret.
Sapagkat kung sasabihin ko ang bagay na 'yon sa mommy ni Shannaiah, paano ko maipapaliwanag sa kaniya na Mommy ko ang kabit ng asawa niya?
Paano ko maipapaliwanag kay Shannaiah na Mommy ko ang kabit ng Daddy niya?Perhaps, kung gaano ko kinamumuhian si Mommy ay gano'n na lang din siguro ako kamuhian ni Shannaiah at ng Mommy niya kung sakali man.
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
I am like a lost and wounded soul, in search for his haven.
BINABASA MO ANG
HEY, MR. PERFECT
Romance"In a society that see me as the perfect person, who am really I when unnoticed?" [EDITING IN PROGRESS] Credits to Pinterest for the photo that is used on the cover.