CHAPTER 35

9 1 0
                                    

SHANNAIAH POV

“Sometimes, happy memories inflicted pain at the present when reminisced.”


HANGGANG ngayon ay hindi ko pa rin pinapansin si Alas. Actually, isang buong linggo akong absent sa klase dahil ang bigat pa rin ng pakiramdam ko lalong-lalo na siguro kapag nakita ko pa si Alas.

I did not expect na ganito pala ka-venomous ang pain na sinasabi nila. Kung gaano kasarap magmahal, gano'n din kasakal masaktan.
Kung binubuhay ka ng pagmamahal, well pinapatay ka naman ng pain. Nonetheless, can we just love nang hindi nasasaktan?

Kasalukuyan akong nakatitig ngayon sa kawalan, “Anak kain na! Ilang araw ka ng hindi kumakain ng maayos.” pag-aalala ni Mommy habang kumakatok sa pinto ng aking kwarto.
Hindi ako umimik hanggang sa tumigil si Mommy mula sa pagkakatok at pagkaraan ay narinig ko nalang ang mga yapak ng papalayo niyang mga paa.

I sigh. It's true.... ilang araw na akong hindi kumakain ng maayos, ewan ko ba pero bigla na lamang akong nawalan ng gana sa lahat ng bagay eh. Bigla nalang nag-collapse lahat at hindi ko alam kung makakabangon pa ba ako nito.

Kasalukuyan na naman akong blangko na nakatitig sa kawalan at pagkaraan ay bigla na lang akong dinala ng aking isip sa mga ala-ala namin ni Alas.

Samo't-saring emosyon ang bumabalot ngayon sa akin, habang hindi maipaliwanag na pighati naman ang namamayani ngayon sa aking damdamin. Habang nalulunod ako sa aming mga ala-ala ay bigla na lamang akong umiyak muli. Hindi ko lubos akalain na ganito pala ang magiging epekto niya sa akin.

Sa katunayan ay puro happy memories lang naman ni Alas ang nasa isip ko ngayon pero ba't nasasaktan ako? Ba't umiiyak ako?
Supposedly, dapat masaya ako, dapat nakangiti ako kasi puro happy memories namin ni Alas ang laman ng isip ko ngayon eh pero tangina, ba't ganito? Ba't umiiyak ako? Ba't mas dama ko 'yong sakit?

“Alas.” I utter between my cry habang yakap-yakap ko ang aking mga tuhod.

Mas lalo akong humagulhol ng bumalik ako sa aming ala-ala no'ng gabing 'yon, no'ng gabi na sinagot ko siya... no'ng gabi na naging kami.

I couldn't help myself but to cry hard at mas lalo ko pa'ng hinigpitan ang pagkakayakap ko mula sa aking mga tuhod hanggang sa nakaramdam na lamang ako ng antok at pagkaraan ay humiga ako sa aking kama at nakatulog.

Nakaramdam ako ng mabigat na bagay na nakapatong sa aking braso at nagising na lamang ako ng may maramdaman akong init na nakabalot sa akin. Napabalikwas ako ngunit hindi ko kinaya ang pwersa na galing sa taong nakayakap ngayon sa akin. Kaya't bumalik pa rin ako mula sa pagkahiga.

“I'm sorry.” from the moment I heard his voice ay muling tumulo ang aking mga luha at sa kabilang dako naman ay mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin habang paulit-ulit na nagso-sorry at bakas sa tono ng pananalita niya na umiiyak na rin siya ngayon.

Suddenly, I felt na nanghina ang buong sistema ng aking katawan.

“I should've wait for you there at sana mas pinili kita no'ng gabing 'yon kaysa sa utos ni Dad sa akin.” he cried. “Masyado akong naging pabayang boyfriend mo.”

Humarap ako sa kaniya at sa totoo lang ay gusto ko siyang sampalin. Oo, gustong-gusto ko siyang sampalin ngunit hindi ko magawa. Kahit galit na galit ako sa kaniya, I still found myself wiping his tears by my very own thumbs. Pagkaraan ay tinitigan niya ako sa mga mata at hinalikan.

Tila nabuhayan ang kaluluwa ko mula sa mga halik niya ngunit hindi ko maipagkakaila na tumutulo pa rin ngayon ang aking mga luha.

Matapos ang ilang minuto namin na halikan, he then trail kisses to the pattern of my tears.

To be candid, what he did was magical.

Nang matapos na siya mula sa paghalik niya sa bawat sulok ng aking mukha at mga kamay ay binigyan ko siya ng pagkakataon na magpaliwanag sa akin at habang yakap-yakap ako ay nagsimula na siyang maglahad sa mga nangyari sa kaniya no'ng gabing din 'yon.

“Habang hinihintay kita sa parking lot ay biglang tumawag si Dad sa akin and nakiusap siya na kung maari raw ay ako na lang daw muna ang magbigay ng cash assistance sa kay Venus para sa Mom niya, sapagkat nasa Dubai kasi no'n si Daddy, nag-attend ng isang business meeting. Gusto kong pumalag pero wala rin akong nagawa at sinunod ko nalang ang sumamo sa akin ni Daddy.” he paused, “Actually, matapos kong ibigay ang cash kay Venus bilang tulong namin sa Mommy niya ay dapat babalikan na kita but I end up arguing with her, yelling at her. Galit na galit talaga ako sa kaniya to the extent na nakalimutan ko ang aking phone sa office ni Daddy do'n sa restaurant. No'ng makita kitang dumaan, do'n ko lang din na realized ang katangahan na nagawa ko. Napabayaan kita dahil mas inuna ko ang aking galit sa babaeng hindi ko na dapat binigyan ng pansin pa.” mahaba niyang lintaya.

Nanatili akong tahimik at nagsalita siyang muli, “Nang makita kita no'n ay sumunod agad ako sa inyo. Gusto kitang tawagan no'ng gabing 'yon, gusto kong humingi ng sorry but I end up sa aking akala na nawala ko ang aking phone kung kaya't no'ng gabi ring iyon ay pumunta ako rito sa inyo.”

I am in complete state of shockness ng marinig ko ang sinabi niya, “Tulog ka na no'n kaya mga magulang mo ang naging kausap ko no'ng gabing 'yon. Nag-explain ako sa kanila tungkol sa nangyari at lumuhod pa nga ako sa harap nila para humingi ng sorry.”

“Kaya ka ba nakapasok dito kasi kilala ka na nila?” wala sa isip kong turan. He nod, “Pinakilala ko ang sarili ko sa kanila bilang boyfriend mo and actually, 1 week na rin akong nakatira rito.”

My eyes widened, “What?” hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kaniya. Actually, hindi ko sinabi sa parents ko na may boyfriend na ako but I end up realizing na puno pala ng mga pictures namin ni Alas ang bawat sulok nitong aking kwarto. Gosh! Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin.

“Ako 'yong palaging naghahatid ng mga pagkain mo pero nakakapasok lamang ako sa kwarto mo kapag tulog ka.” he said, “Naririnig ko rin ang mga iyak mo, kasi behind your walls ay may ako na nakatayo habang luhaan na nakikinig sa'yong mga hagulhol at walang ibang magawa kun'di sisihin ang aking sarili.” pag-aamin niya.

Hindi ako makapagsalita matapos kong marinig ang mga sinabi niya at pagkaraan ay nahanap ko na lamang ang aking sarili na hinahalikan siya.

Kasalukuyan kaming nasa rooftop ngayon ni Alas sapagkat naghanda pala siya ng simpleng dinner para sa aming dalawa.

“Kumusta naman ang trato sa'yo nina Mommy?” I inquire. He smiled, “Ayos lang, parang anak na nga rin nila ako kung tratuhin.” I smiled as well at nagpatuloy na sa pagkain.

“Well, talagang magiging anak na rin nila ako soon, kapag kasal na tayo.” dagdag niya at bigla akong nasamid ng marinig ko ang sinabi niya.
Tiningnan ko siya thenceforward, he winked to me.

Nang matapos kaming kumain ay bigla na lamang niya akong inayang tumayo and afterward, I found myself lost between his arms habang dahan-dahan kaming sumasayaw sa ilalim ng mga bituin at napapalibutan ng city lights ang aming paligid.

Ang gaan at ang sarap sa pakiramdam lalo na ng dumampi sa aming balat ang malamig na simoy ng hangin.

“I love you Adie, always and forever.” saad ni Ace and I respond, Adie, the moon is beautiful isn't it?”

Habang nakatingin ako sa kawalan, kahit wala naman talagang moon, I can sense that he's smiling to me at this very moment at mas lalo niyang dinikit ang aming mga katawan, “I could die happy now.” He whispered in my ears.

HEY, MR. PERFECT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon