CHAPTER 7

16 3 0
                                    

ACE POV

“John Donne once said, no man is an island.”


TAPOS na ang aking morning class Kun kaya't dumiretso na ako sa school canteen sapagkat gusto ko ng kumain. Sakto namang 11:30 na ng tanghali at umaawit na rin ang aking sikmura.

Tahimik akong naglalakad sa pathway ngunit bigla na lamang akong ginulo ng mga group of students— dinumog nila ako ng mga hiyaw at tili at paglingon ko sa aking likod ay nasaksihan ko na lamang na nagsisitakbuhan na pala sila papunta sa akin.

“Shit.” malutong kong bulong habang nakatingin sa kanila at pagkaraan ay binilisan ko pa ang aking mga hakbang.

Sa totoo lang, biyaya talaga ang kagwapuhan. Pero kapag sobra-sobra na ang biyaya, nakakairita na rin.

Oo gwapo ako at masarap din naman sa pakiramdam ‘yong tipong may tumitili ng pangalan ko pero kapag ganito na sobra na, nakakairita na.

However, I didn't really considered myself na gwapo na sa pangkalahatan kasi diba nga, beauty is subjective.

Kunot-noot akong naglalakad at hindi na lamang pinansin ang mga umaaligid ngayon sa akin at habang humahakbang ako ay bigla na lamang may dalawang asong umakbay sa magkabila kong balikat.

Lumingon ako sa kanila and I witnessed kung pa'no sila ngumiti.

I smirked, mga hambog.

“Dre, kanina pa namin hinintay ah. Ang tagal mo naman.” maktol ni Jude.

Isang ngiti lamang ang isinagot ko sa kanya.

“Oo nga Dre. Alam mo bang nag-ditch kami sa klase—”

Hindi naipagpatuloy ni Hexian ang pagsasalita dahil sumingit naman agad si Jude.

“Anong kami? Ikaw lang kaya!” depensa naman ni Jude sa sarili.

I devilishly smiled, “Sino ba naman kasi ang nagsabi sa inyo na hintayin niyo ako? Mga ulol.”

Tumawa silang pareho habang nakabuntot pa rin sa amin ang mga students.

Well, kaya sigurong ang dami ng bumubuntot sa akin kanina dahil sa sa dalawang unggoy na kasama ko ngayon.

Well, meet my two best of friends— Jude and Hexian.

Sebastian Jude Herrera. Kaklase ko na siya simula Grade 7 at dati pa man ay hilig na niya talaga ang mag-ditch ng klase, ngunit in denial nga lang siya palagi.

Nabuo ang pagkakaibigan namin ni Jude ng minsan ko siyang tinulungan sa direksyon para makatago mula sa mga school guards na humuhuli sa kaniya dahil nahuli siyang nag-ditch ng klase.

Unsuccessful ang naging ditch niya no'n kasi umere ang katangahan niya habang tumatakbo, ayon at nadapa siya. Pagkatapos no’n ay kusa niyang inihandog ang kaniyang sarili na maging kaibigan ko raw.

Samantalang si Hexian Dave Pasco ay kaibigan ko na simula pa no'ng elementary years namin at hanggang ngayon ay matalik ko pa ring kaibigan itong dickhead na nilalang.

Nabuo ang samahan naming tatlo no'ng Grade 7 dahil dumagdag pa kasi si Jude. Kailanman ay hindi kami naghiwalay ng class section not until when we reached our Senior Years.
Nasa Room 1 pa rin ngunit si Hexian ay nasa Room 5 na samantalang si Jude naman ay sa Room 8.
Masyadong malayo ang paghihiwalay ng tadhana sa amin ngunit gayunpaman ay nanatili pa ring matatag ang aming samahan.

“Hi cutie.” saad ni Hexian at nag-wink sa nadaanan naming babae na tahimik na kumakain.

I smirked nang masaksihan kong ‘yong transferee pala sa section namin ang babeng tinawag na cutie ni Hexian.

HEY, MR. PERFECT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon