CHAPTER 4

33 4 0
                                    

SHANNAIAH POV

"Sight is the prime influence to our cognition."


KARARATING ko lang ngayon sa amin. Finally, after the long irksome day ay makakapag-pahinga na rin ako.
"Ate!" bungad sa akin ng nakababata kong kapatid na nagngangalang Shawn.

Agad naman akong ngumiti bilang tugon sa kaniya as he drawing himself near to my spot. Isang mahigpit na yakap sa aking binti ang kaniyang iginawad sa akin to the point that I end up mirthful.

My brother, Shawn is a 4 year-old boy and just like every normal boys na makulit, palatawa at mapang-asar ay gan'yan din ang baby brother ko. Ewan ko ba, ke-bata bata pa pero mapang-asar na.

"Shawn Lucas!" rinig kong sigaw ni Mommy mula sa loob ng bahay dahilan para tumawa ng pagkalakas-lakas ang aking kapatid. Pagkaraan ay kumalas siya mula sa pagkakayakap sa akin at tumakbo patungong garage.

Nanatili lamang akong nakatayo ng aking mapansin na naglalakad pala si Mommy patungo sa aking kinaroroonan ng nakabusangot habang pulang-pula ang kaniyang mukha, marahil ay dahil ito sa inis o galit.

"Nasaan si Shawn?" galit na bungad sa akin ni Mommy. Hindi na lamang ako umimik, bagaman ay itinuro ko kung saan tumungo si Shawn.

She sigh.

"Teka, Mom." pagpipigil ko sa kaniya ng muntik na sana siyang maglakad patungong garage. Huminto siya at bumaling muli sa akin.

"Ano po bang kasalanan ni Shawn?" inosente kong tanong dahilan para mas lalong mamula ang mukha ni Mommy.

Galit ba siya? O, nahihiya? Ewan, hindi ko ma-determine kung ano ang cause ng pamumula niya. Hays, nagtatanong lang naman sana ako eh.

"Napansin mo ba 'yong red garment na nakalagay sa ulo ni Shawn?" tanong niya sa akin at pagkaraan ay tumalikod siya.

"Opo." I respond at saka hinawakan ang magkabilang dulo ng aking bag.

"That was my Victoria's Secret underwear, darling." aniya at kumaripas ng takbo papunta sa kinaroroonan ni Shawn.

Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko kung matatawa ba or magagalit din gaya ngayon kay Mommy ngunit ang kaloob-looban ko ay parang sasabog na yata dahil sa kakaibang tuwa na siyang naging dahilan para mapahalakhak ako.

May nakita akong red na garment na ulo ni Shawn kanina ngunit hindi ko na 'yon pinansin pa sapagkat akala ko ay wala lamang iyon. Hindi ko talaga inaasahan na undergarment pala iyon ni Mommy. Hindi ako lubos na maka-get over sa thought na isang red Victoria's Secret na underwear ang siyang ginagawang cap ngayon ni Shawn.

Ang tanong, nalabhan ba or hindi?

Actually, hindi agad mapapansin na underwear pala iyong nasa ulo ni Shawn dahil maganda ang pagkakalagay nito sa ulo niya. Well, feeling ko ay hindi si Shawn ang naglagay no'n sa ulo niya sapagkat napaka-impossible naman kung mag-isa lang ni Shawn ang gumawa no'n sa ulo niya.

Nasa kalagitnaan ako ng pagi-isip hinggil sa kung sino ang naglagay no'n sa ulo ni Shawn ng bigla na lamang lumabas si Daddy mula sa loob habang tawa ng tawa at ngayon kay kandong na si Shawn at sa katunayan ay naka-thumbs up sign pa siya kay Shawn.

Loko. Well, possible talaga na si Dad ang naglagay no'n sa ulo ni Shawn, upon knowing him na pala-asar hanggang sa masagad na niya ang pasensya mo ay hindi pa rin siya tumitigil.

Hindi ko namalayan ang aking sarili na mas lalo na pala akong humalakhak lalo na ng masaksihan ko ang pagtawa nila sa isa't-isa.

Lumapit si Dad sa akin at hinagkan ako sa noo.

HEY, MR. PERFECT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon