CHAPTER 33

9 1 0
                                    

SHANNAIAH POV

“Everything undergones on the thing they called process.”

ILANG araw na rin ang lumipas magmula no'ng sinagot ko si Alas. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapigilan ang aking sarili na tumawa at kiligin sa ala-ala naming nagdaan, particularly no'ng gabi na sinagot ko siya.

Kasalukuyan akong nilulunod ng aking isip sa mismong gabi na sinagot ko siya.

Matapos niyang ma-gets 'yong sinabi ko, matapos niyang ma-grasp na sinasagot ko na siya at ang mismong gabi na 'yon ang simula ng aming pagi-ibigan ay bigla na lamang siyang sumigaw at tumili sa loob ng kanilang restaurant. Naging apparent no'n ang mga ugat niya sa kaniyang leeg dahil sa pagkalakas-lakas ng tili niya, tila nalimutan niya yata na hindi lamang kaming dalawa ang tao na nag-dine sa restaurant nila.

Pagkaraan ay agad siyang tumayo at lumundag sabay tili ng, “Kami na!” at ang mga kamay ay nakatakip sa kaniyang mga mata.

Bigla namang tumigil ang mundo ko at tinitigan siya. Nilibot ko ang aking paningin sa bawat sulok ng restaurant at na-witnessed ko kung paano na lamang makatitig ang mga tao sa kaniya no'n. Halatang na-istorbo namin sila at para ba'ng tinutuklaw ako ng mga titig nila sa akin. I gulped at pagkatapos ay yumuko na lamang.

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang reaksyon ko sa gabing 'yon. Naghahalong kaba, hiya at kilig ang namamayagpag sa damdamin ko no'ng mga panahong 'yon.

Mabuti na lamang at napagtanto ni Ace na nasa public pala kami. Tumigil siya sa kaniyang ginawa at pagkaraan ay nag-peace sign sa mga taong kasama namin. Lumabas naman ang Daddy ni Ace at tinungo kami pagkaraan ay nag-apologized ang Daddy ni Ace sa mga taong aming na-istorbo at bumalik muli ang lahat sa normal.

No'ng gabi rin na 'yon ay paulit-ulit akong tinatanong ni Ace kung seryoso o totoo ba daw na kami na, baka raw kasi ay nananaginip lang siya. Paulit-ulit din ang naging sagot ko sa kaniya na “Oo, seryoso ako.” at pagkaraan ay nakaramdam ako ng vexation kung kaya't sinampal ko siya para matauhan, bilang ganti niya sa sampal ko ay halik naman ang kaniyang iginawad sa akin.

Halos hindi ako lubos na makapaniwala sa nasaksihan ko kay Ace no'ng gabing 'yon. 'Yong eksena ng paglundag niya sabay takip sa kaniyang mga mata ay crystal clear pa sa aking isipan at tila ay naiwan nga ang aking diwa doon sa mismong ala-ala namin sa gabing 'yon. Maging ang mga tili niya no'n ay nagre-resonate pa rin sa aking pandinig.

Kasabay din no'ng gabing 'yon ay na-realized ko ang fact na behind his cold-hearted presence, there lies his childlikeness.

Imagine, isang cold-hearted na tao ang tumili at lumundag no'ng gabing 'yon kahit na marami-rami ang taong nakapalibot sa amin.

Sa kabilang dako naman ay kasalukuyan kong tinatawagan ngayon si Alas ngunit tanging, “the subscriber cannot be reached. Please try again later” lamang ang natatamo ko. I checked my phone at naka 20 missed calls at sunod-sunod na text na pala ang naibato ko sa kaniya ngunit hindi man lang siya nag-reply.

Halos umiiyak na ako ngayon dahil sa mag-isa na lamang akong naka-upo rito sa waiting area. Ang sabi kasi ni Alas sa akin kanina ay ihahatid niya raw ako pag-uwi ngunit bigla kaming nagkaroon ng emergency meeting sa classroom kung kaya't nauna na siya sa parking lot at ang sabi niya ay hihintayin na lang daw niya ako doon.

Makulimlim na ng matapos ang meeting namin, pumihit agad ako sa parking lot. My heart pumped in excitement as tears are rolling in my body ngunit nadismaya ako matapos kong masaksihan na wala na pala ang kotse niya sa parking lot.

Nagbakasakali ako na nasa waiting area siya kung kaya't tumakbo ulit ako papuntang waiting area ngunit ng makarating ako ng waiting area ay hindi ko nahagilap ang anino niya. That's why I end up calling and texting him again and again pero hindi siya sumasagot.

Habang naka-upo ay may nahagilap akong isang lalaki sa hindi kalayuan. Binalewala ko na lamang ito at sa muli ay tinawagan ko si Alas.

“Please, sagutin mo ang tawag ko Alas.” mangiyak-ngiyak kong turan dahil sa takot sapagkat 'yong lalaki kasi na nahagilap ko sa hindi kalayuan kanina ay paunti-unti ng lumalapit ngayon sa aking kinaroroonan.

“The subscriber cannot be reached. Please try again later.” nanginginig kong tinawagan muli si Alas at nakarating na nga ang lalaki sa harap ko. Takot ko siyang tiningnan ang he smiled devilishly, “Sumama ka na lang sa'kin ng matiwasay Miss at 'wag kang mag-alala sapagkat sigurado ako na masasarapan ka sa magiging laro natin ngayong gabi.”

He smirked. My eyes widened habang nanginginig ang aking katawan at kasunod ay ang pag-agos ng aking mga luha and I accidentally dropped my phone. Inilabas niya ang kaniyang matulis na kutsilyo kasabay ay ang paglahad niya ng kabila niyang kamay sa akin.

I refuse as I am thorn in silent cry due to overwhelming fear.
Gagalawin na niya sana ako ngunit mabuti na lamang ay dumating ang kotse ni Daddy. Dali-dali siyang lumabas sa kotse ngunit mas mabilis pa sa alas kwatro na nakatakas ang walang hiyang lalaki na 'yon na may hawak na kutsilyo at mukhang pwet.

“Dad.” I cried and he hugged me tight, “I'm sorry anak.” he uttered between my tears.

Kasalukuyan na akong nasa byahe pauwi ngayon habang kino-comfort ako ni Daddy and thankfully ay nahuli agad 'yong suspect na nag-threat sa buhay ko kanina.

Hindi man kami gano'n kayaman kagaya nila Alas ngunit influential din naman ang Daddy ko.

Naging madali lang ang paghuli sa suspect dahil sa bobo siya sapagkat tumambay pala siya sa harap ng police station when Daddy called the officers and sent them the picture of him. Pagdating namin sa police station ay na confirmed na siya nga kasi umamin din naman siya, tsk stupid.

Habang nasa byahe kami ni Daddy pauwi ngayon sa bahay ay aksidente kong nahagilap ang restaurant nila Alas at pagkaraan ay nakita ko si Alas na kasama si Venus, 'yong obsolete friend niya na patay na patay sa kaniya.

Biglang pumatak ang aking mga luha kasabay ay ang pagguho ng aking mundo, bagaman ay aksidente rin akong nahagilap ni Alas.

I seek for air habang tahimik na pinapiga ang puso ko sa sakit.

Kasabay ng pagpatak ng aking mga luha ay ang biglaang paglugmok ng aking mundo.

HEY, MR. PERFECT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon