ACE POV
“There is a right time for everything.”
HABANG nasa kalagitnaan ng byahe ay nakaramdam ako nang pagkagutom kung kaya’t pinark ko nalang muna ang aking sasakyan sa dati naming kinainan ni Shannaiah.“Sumunod ka sa akin.” ani ko at lumabas na ng sasakyan.
Sinadya ko ‘yong sabihin sa kaniya kasi last time, hindi siya sumunod sa akin and I admit na mali ko rin ‘yon kasi hindi ko man lang siya sinabihan noon.
Nang makarating na ako sa front door ng restaurant ay nag-antay pa ako ng ilang minuto kay Shannaiah.
Ang tagal niya naman.
Sumilip muna ako sa loob ng restaurant and to my surprise, nakita ko si Daddy na kausap si Venus?!
What the hell!
Nang makarating na si Shannaiah sa spot ko ay hindi muna ako gumalaw, tinitigan ko muna ang buong pagmumukha niya sabay sabing, “Mag-ayos ka nga.”
Her face got distorted, “Bakit? Maayos naman ako ha?” palag niya kung kaya’t hinila ko siya papuntang parking lot. Agad kaming pumasok ng sasakyan.
“Mag-seat belt ka.” utos ko sa kaniya.
“Bakit? Uuwi na tayo?” tanong niya dahilan para magkaroon ako ng ideya.
“Ayusin mo ang pagmumukha mo.” utos ko sa kaniya. Akmang papalag pa sana siya when I glare at her
Wala siyang nagawa kun’di ayusin ang mukha niya, naglagay siya ng liptint at blush on.
Naka-focus siya sa salamin habang ako naman ay nalulunod sa aking mga iniisip.
What on earth is Venus doing here?
Habang nag-iisip ako ay nasagi ng aking mga mata ang mukha ni Shannaiah.
“’Wag masyadong makulay, hindi ka clown.” ani ko sa kaniya ngunit hindi niya ako pinansin.
Lumagpas ang ilang minutong katahimikan, tanging mga hininga at mga tunog ng ginagawa ni Shannaiah ang naghari sa pagitan namin ngayon.
“Done!” aniya at saka ko siya tinitigan.
I pore the every corner of her face. Mula sa kaniyang noo, sa kaniyang normally well shaped brows, mala-alon na pilik mata, honey colored eyes, matangos na ilong at manipis na heart shaped niyang labi.
Kahit na simple lamang ang make up niya ay she looked perfectly stunning.
Nanatili lamang akong nakatitig sa kaniya ng magsalita siyang muli, “Ano?”
Agad naman akong bumalik sa ulirat and I was about to turned on the engine of my car when I heard the deafening noise of my stomach na siyang dahilan sa pagtawa ni Shannaiah.
“Tara, libre ko.” pag-aanyaya niya
I smirked, “No, thanks. It’s my treat.”
She nod, “Okay, sabi mo eh at saka isa pa, masarap kumain kapag libre.”
I chuckled at agad naman siyang lumabas ng sasakyan, “Ano tara? Gutom na ako eh.” maktol niya.
Maya-maya pa’y lumabas na ako sa aking sasakyan at habang papalapit na kami sa front door ng restaurant ay agad na bumungad sa aming harapan si Venus na nakangiti at nakatitig sa akin.
She’s wearing a plain silver colored dress na kumikinang and she paired it with a pearl earring at naka-heels rin siya. Her wavy hair is well designed at kung papansinin siyang maigi ay hindi halata sa kaniya na sa restaurant ang landing niya dahil sa suot niya ngayon ay nagmumukha siyang model na maga-attend ng isang party.
BINABASA MO ANG
HEY, MR. PERFECT
Romance"In a society that see me as the perfect person, who am really I when unnoticed?" [EDITING IN PROGRESS] Credits to Pinterest for the photo that is used on the cover.