CHAPTER 3

42 5 0
                                    

ACE POV

“Sometimes, the profound pain that we are suffering roots from the wound that our family hath caused.”


KARARATING ko lang ngayon sa aming bahay, “How's your first day of school, Alas?” pambungad sa akin ni Mommy matapos akong pumasok sa gate ng aming bahay.

Hindi mabura ang ngiti sa mukha ko sapagkat sa wakas ay nakauwi na rin ako galing sa school. Honestly, napagod talaga ako sa school kanina and my home is my remedy after the tiresome day.

Habang yakap-yakap si Mama ay hindi ko maalis ang saya na aking nadarama. Lahat naman siguro ng students ay sasaya talaga sa tuwing nakikita nila ang kanilang mga magulang after class.

“How's your first day of school anak?” pag-uulit ni Mama ng tanong. Pilit ko man na iwasang sumagot sa katanungan niya para sana'y manatili ang ngiti sa’king labi ay hindi ko maiwasan na mag-flash back sa aking isipan ang mga nangyari sa'kin kanina at the same time ay paulit-ulit ding nagpla-play sa aking isip ang isang kahihiyan na nangyari sa akin sa klase ni Ma’am Araza.

Considered na swerte si Ma’am sa sarili niya kasi naka-conduct pa siya ng 1-hour class samantalang isa naman itong malas sa akin sapagkat napahiya ako during sa time niya.

Bumalik ako sa ulirat kasabay ang pag-vanish ng mga ngiti sa’king labi maging ang kasiyahang naramdaman ko kanina. “Fine,” maikli kong sagot sa katanungan ni Mommy matapos siyang kumalas mula sa pagkakayakap sa akin.

She just nod at iginiya ako papasok sa’ming bahay. Agad akong tumungo sa aking kwarto saka nagbihis at matapos akong magbihis ay pumunta ako sa kusina kung saan ko naabutan si Mama na nagluluto ng pagkain para sa aming dinner.

“Wala ka pa talagang plano na mag-hire ng katulong, Mom?” bungad ko sa kaniya dahilan para mapatigil siya sa pagsasandok.

Pagkaraan ay lumingon siya sa akin ang she smiled sweetly, “No, wala na akong plano at isa pa, sanay na sanay naman ako sa mga ganitong gawain. Alas, simula no’ng baby ka pa ay naging part na ang mga gawaing bahay sa paga-alaga ko sa’yo.”

My brows furrowed, “Kaya mo pa ba, Mom? Ayos lang sana na gawin mo ang mga bagay na ‘to if wala kang work.” I said as an affirmation of disagreement to her.

She nod and stoutly said, “Oo naman syempre, kaya ko. At isa pa, half day lang naman ako sa trabaho.” tumalikod na siya sa akin at inatupag na niya ang kaniyang trabaho.

Tumahimik na lamang ako at saka tumitig sa kawalan.

Yes, dalawa lang kami ni Mommy na nakatira rito sa bahay. Dalawa lang din kaming tao rito and the rest is mga aso na namin ang siyang gumagawa ng ingay sa tahimik naming pamamahay.

“Anyway, your Dad called me earlier.” pambasag niya sa katahimikan habang busy siya sa paggawa ng dish.

“Anong sabi niya?” walang gana kong tugon.

“He said na next month nalang daw ‘yong allowance mo sapagkat gipit daw sila ngayon.”

For the nth time, muling gumuho ang mundo ko hindi dahil sa wala na naman akong allowance this month, though I must admit that I belong to those kind na pocket allowance is everything.

HEY, MR. PERFECT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon