CHAPTER 13

11 3 0
                                    

SHANNAIAH POV

“It is often said that we do not know what our future holds.”


TODAY is the second day of another week. Panibagong araw, panibagong pagsubok.

Hay buhay, parang gulong… minsan nasa taas, minsan naman ay nasa baba.

Nandito ako ngayon sa harap ng school, nakatayo habang nakatitig sa appellation na nakapaskil sa itaas na bahagi ng gate.

BRILLIANT INTERNATIONAL SCHOOL

Hindi ko alam pero feel ko lang talaga ngayon ang tumayo rito at titigan ang school gate.
Total, sarado pa naman ang school. Masyado pang maaga eh. Ang mga school guard at ako pa lang ang nandirito ngayon pero hindi pa binubuksan ng mga guard ang gate.

Bigla akong nakaramdam ng pagkabagot habang nakatitig sa gate ng school kung kaya’t minabuti ko na lamang ang maglakad-lakad muna papalayo rito nang may naaninag akong isang hugis ng tao sa ‘di kalayuan.

Pupuntahan ko sana kaso bigla akong nakaramdam ng takot kung kaya’t minabuti ko na lang na bumalik na lamang at umupo sa chair ng waiting area sa school.

Tahimik akong nakaupo sa waiting area habang nagmamasid sa paligid. Marami-rami na rin ang sasakyan na dumadaan.

By the way, nakasuot na pala ako ngayon ng school uniform sapagkat mandatory na talaga ngayon na magsuot ng school uniform.

Hindi ko alam kung bagay ba talaga sa’kin itong colored white, black and silver na type ng uniform.

1 inch above the knee ang skirt ng uniform at abot hanggang pulso sa aking kamay ang length ng polo ng uniform. Pure black ang skirt samantalang mixed white, black and gray naman ang pantaas.

Inulan ako ng papuri sa bahay kanina sapagkat ayon sa kanila, maganda raw ako sa suot ko na ‘to. Ayon sa kanila ay perfect daw ito sa akin.

Ayon lang naman sa kanila.

Hindi naman ako naniwala sa kanila, kasi kadalasan sa mga papuri ay bola lang ang meaning nito sa akin.

Habang nakaupo at nakatingin ako sa aking school shoes ay biglang may isang male shoes ang nakatayo sa harap ng aking mga paa. Tinitigan ko lamang ito at binalewala sa kadahilanang baka lilisan lamang ito maya-maya ngunit ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin lumisan ang may-ari nito.

Kung kaya’t minabuti ko na lamang na tingnan kung sino ang tumatayo ngayon sa harap ko.

Tinitigan ko siya mula sa kaniyang kumikinang na shoes, hanggang sa shiny at bagong plantsa niyang pambaba at hanggang sa puti niyang polo. I stopped when my sight reached his polo at mula doon ay napagtanto ko na ang nakatayo pala sa aking harap ay isa sa mga guard ng aming school.

May inaabot siya na kung ano sa roof nitong waiting area.

Dali-dali naman akong tumayo at nilisan ang waiting area. Thankfully, open na ang school gate kung kaya’t pumasok na ako sa skwelahan.

May iilan ng mga estudyante na ang aking nakakasabay ngayon papasok nang school.

Habang tahimik na naglalakad patungong classroom ay bigla akong nakaramdam ng malamig na simoy ng hangin— morning breeze.

Ang sarap sa pakiramdam.

Tahimik lamang ang buong building ng year level namin hanggang sa makarating na ako sa aming classroom.

Naka-close ang door ngunit sa tingin ko ay open na ito kung kaya’t tinulak ko ang pinto and to my surprise, open nga ang pinto.

Ngunit ang mas nakapagpagulat sa akin ay nang makita ko si Ace sa kaniyang upuan, nakaupo siya habang nakapikit at nakikinig nang music.

HEY, MR. PERFECT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon