CHAPTER 25

12 2 0
                                    

SHANNAIAH POV

“It is a must to consider our feelings.”

KASALUKUYAN akong nag-aarange ngayon ng aking mga gamit sa locker when I noticed a small note na nakapaskil sa favorite ko na red notebook.

“Congratulations! You won yourself a date with me!” - one at a dice.

My brows arched matapos kong basahin ang nakasulat.

Hindi ko ma-identify kung kanino galing ito sapagkat hindi siya naka-hand written, thence printed ito.

Hindi rin ako sure if maa-identify ko rin ba kung sino ang may-ari nito if ever the note was handwritten.

“Kanino kaya 'to?” I slur as I hold the notebook while my mind is scrutinizing every details of the note.

One at a dice?

What does that mean?

Bakit one at a dice naman ang nakalagay?

Sino siya?

Hays, sasakit lang yata ang ulo ko mula sa kakaisip dito. Kung kaya't isinawalang bahala ko na lamang ito at nag-focus na sa paga-arrange ng aking mga gamit hanggang sa matapos.

Habang patapos na ako sa aking ginagawa ay biglang sumagi sa aking isipan si Ace. Hindi kaya siya ang posibleng may-ari ng note na 'to?

Lately kasi parang bigla nalang siyang nag-iba. He changed not totally in a bad manner but in a two italian ants way.

I mean, romantically.

From cold-blooded human being, he evolved into a romantic one.

I still remember his gestures, and all pagdating sa akin.

He actually gave me daily red roses without even uttering words. He will just stare at me and later on, mag-aabot siya ng red rose sa akin without even bothering his time to break the stare.

'Yon din pala 'yong simula ng araw-araw niyang pagsundo at hatid sa akin. Gratefully, walang problema ang parents ko sa kaniya, sa katunayan ay kinawiwilihan pa nga nila ang presensya ni Ace kumpara sa akin.

I sigh. Hindi kaya possibleng si Ace nga ang person behind sa note na 'to?

Wait. Is he courting me now?

Matapos kong mailigpit lahat ng gamit ay sinara ko na ang aking locker.

“Baka siya nga.” ani ko habang nasa kalagitnaan ng pagsasara nang aking locker.

Wala naman akong ibang maturo bilang salarin bukod sa kaniya eh.

“Are you ready for tonight?”

Nagulantang ako dahil sa gulat matapos kong marinig ang boses ni Ace.

What the fudge?

“Ba't naman kasi pasulpot-sulpot—”, hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin sana sapagkat na realized ko na tunay na siya nga ang tao sa likod ng mga salitang, “one at a dice.”

My jaw literally dropped when I realized that his name is Ace.

“Kailan mo ako sasagutin?”

My eyes widened and later on freezed right after I heard his question.

“A-ano ba ang pi-pinagsa-sasabi mo?” I stutter.

Literal na nagsasalapid ngayon ang dila ko, dahilan para hindi ako makapagsalita ng maayos.

Katatapos lang namin kumain dito sa restaurant nila Ace, ang lugar na kung saan una niya akong dinala.

I was a bit surprised kanina kasi 'yong food na kinain namin is 'yong foods din na order niya noon, and he even told me na hinding-hindi niya malilimutan 'yong gabing 'yon.

According to him, sa gabi raw na 'yon una kaming sumabay ng dinner, unang usap namin, at ang pinaka-memorable raw for him ay sa gabi na 'yon, unang tumibok ang puso niya.

He smirked, “Kailan mo ako sasagutin?” pagu-ulit niya.

Ganito ba talaga manligaw ang mga cold-hearted?

Hello, hindi nga siya nag-ask sa akin if he can court me ba tapos ngayon, nagtatanong siya kung kailan ko raw siya sasagutin?

Aba, manigas siya.

“Hindi mo pa nga tinatanong kung maari mo ba akong ligawan eh.” bulalas ko.

“Huh?” his brows arched.

I gulp, “Ang sabi ko.... you didn't even asked if you can court me ba tapos bigla-bigla ka nalang magtatanong kung kailan kita sasagutin. Pasensya ah, hindi kasi ako na-informed na nanliligaw ka pala.”

“Kailangan pa ba 'yon?” curious niyang tanong.

My eyes widened after I heard his statement.

Para yata akong pinako sa inuupan ko ngayon dahil hindi ako makagalaw matapos kong marinig ang mga salitang iyon mula sa bibig niya.

He is making facial expressions, like as if he's waiting for my answer but I'm too stunned to speak.

In a sudden, a manly guffaw burns the silence on our atmosphere.

“Hay nako anak!” his father laughed, “Kinikilig ako sa inyo na ewan, HAHAHA.”

Gosh, nakakahiya. Lupa, kainin mo na ako!

“Why?” inosenteng tanong ni Ace sa kaniyang ama.

Yumuko ako and I covered my face with my hands as his father began to explain everything to him.

Tumango-tango naman si Ace habang pinapaliwanag ng ama niya ang kahalagahan sa pag-asked sa babae kung maari ba silang ligawan.

“Alam mo kasi anak, it is a must to consider the feelings of others. Ang panliligaw ay parang pagbibili ng bagay sa tindahan, you ask the price and then, you pay. Similarly, you ask the girl kung maari ba siyang ligawan and then you do the job in accordance to what she wants to happen. Asking for the girl's approval is a must, son.”

Kinuha ni Ace ang mga kamay na nakatakip sa aking mata and from the moment he removed my hands from my face...

My eyes met his.

He smiled, “No matter how long it takes I will wait for you and will always wait for you. Kahit may pangamba at walang kasiguraduhan.... Shannaiah, can I court you, mi amoré?”

His breath halted my world.

Matapos niyang banggitin ang salitang 'yon, kusang hindi na gumana ang isip ko to the extent na naging silent and awkward ang ambiance naming dalawa.

I kept on staring at him and slowly, I am drowned by his presence.

“Shannaiah Gutierrez, can I court you?”

Halos hindi ko na marinig ang boses niya dahil sa lakas ng tibok nang puso ko at kalaunan ay yumuko na lamang ako sabay sabing, “Yes.”

Bigla naman kaming inulan nang mga tili ng Daddy ni Alas.

HEY, MR. PERFECT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon