CHAPTER 32

13 1 0
                                    

ACE POV

“Dare to open your eyes because someone out there is your angel in disguise.”


I couldn't help myself but to smile widely at this very moment. Kasalukuyan akong nanonood ng video na pinasa sa akin ni Shannaiah. It was her video actually.

She was wearing a plain white, oversized shirt at naka-bun ang maitim niyang buhok. Sa katunayan ay ang liit niya tingnan ngayon dahil sa suot niya.

Tawa lamang ako ng tawa habang pinapanood siya na nagsasalita ng kung ano-anong mga bagay. Tapos magpa-pause, titingin sa camera at mangungulangot. Nakakatawa 'yong part na kung saan naka-focus ang camera sa dalawang butas ng ilong niya tapos afterward ay lumayo siya sa phone at sumayaw habang winawagayway niya ang kaniyang mga kahit na walang music.

By the way, ang title pala ng video niya ay The Real Shannaiah, as if she's saying na peke 'yong Shannaiah na minamahal ko.

Nonetheless, I never could've imagined na may ganitong cute side pala si Shannaiah. I mean, she's funny and I found it cute. Iba kasi siya umakto sa classroom, ang side na ipinapakita niya kasi sa school ay 'yong tipong kayang mag-isa lang all day, tahimik at matalino. Hindi naman sa stina-stalk ko siya pero mula no'ng first day of school pa man ay talagang naagaw na niya ang atensyon ko. Sa ilang buwan na naming magkasama ni Shannaiah sa parehong apat na sulok nang classroom ay hindi ko pa talaga nakita na may nagawang squad o kahit friend man lang na kasama niyang kumain sa canteen. Madalas ko siyang nakikitang mag-isa lamang at seryoso sa buhay. No wonder kaya siya nag-stand out sa mga mata ko.
Kung kaya't hindi ko talaga inaasahan ang nakikita kong video ni Shannaiah ngayon..

At sa bawat nakaka-aliw niyang actions na unaware siya ay mas lalo na pala tuloy akong nahuhulog sa kaniya. Wika nga nila, “In every silly things that you do, someone out there is secretly watching you, silently falling for you.”

Habang paulit-ulit kong tinitingnan at tinatawanan ang video ni Shannaiah ay aksidenteng nahagilap ng aking mga mata ang kasalukuyan kong repleksyon sa salamin. In a sudden, I halt as realization hit me.

“It took me so long to laugh genuinely again,” I slur and smile at my mirror.

Kinalaunan ay tinitigan ko ang aking repleksyon sa salamin habang hawak-hawak pa rin ang aking cellphone. Pagkaraan ay napagtanto ko na kung ba't binansagan nila ako bilang cold-hearted.

Binansagan nila akong cold-hearted hindi dahil sa snob ako o 'di naman kaya ay may mala bato ako na presenya. Kasalukuyan kong napagtanto na kaya pala nila ako binansagan bilang cold-hearted person dahil sa isang dahilan lamang at 'yon ay ang fact na hindi ako ngumingiti ni tumatawa.

Yup, hindi ako ngumingiti ni tumatawa unless kung kasama ko si Mama or mga kaibigan ko ngunit kahit sila nga ay hindi nila masyadong nakikita na ngumingiti ako.

Ngunit hindi nga ba talaga o minsan lang ba talaga ako ngumingiti?

I used to be a cheerful kid way back then. Totoong wala akong kaibigan no'ng bata pa ako pero hindi naman ibig sabihin no'n na hindi ako masaya. Let's just say na hindi nag-exist sa buhay ko noon ang hipokritang si Venus.

Nonetheless, lumaki ako sa piling ng mga magulang ko, lumaki ako sa perpektong pamilya, na ayon sa lipunan na aming ginagalawan. Hindi talaga ako friendly magmula pagkabata sa totoo lang pero masaya ako. Ako 'yong tipo na mula pagkabata pa man ay naka-rely na ang mundo ng aking kasiyahan sa mga magulang ko.

Bagaman, iba kung maglaro ang buhay. Nagsimula lang naman akong magkaganito, nagsimula lang naman akong maging isang cold-hearted na tao magmula no'ng nasira ang pamilya namin. Marahil ay sanhi ito ng ginawang kapalaran ng mga magulang ko. Alam ko na sa pag-break nila no'n, may isang luhaan at nasasaktan habang may isa namang masaya. Sa kabilang dako ay masasabi ko talaga na malaki ang naging epekto sa akin ng paghiwalay ng mga magulang ko.

Akala ko ay habang buhay na akong ganito, akala ko ay habang buhay na akong mamumuhay sa dilim but out of nowhere, Shannaiah came along. Naalala ko tuloy 'yong nobela ni Miss Lanxie na ang title ay Sir Will You Marry Me?
Ang sabi kasi doon sa book ay, “There will always be someone who will save us from drowning.”

And I didn't expect na mangyayari iyon sa akin, na pwede palang mangyari iyon sa akin at si Shannaiah ang naging savior ko.

Dahil sa kaniya ay naramdaman ko ang kakaibang tibok ng aking puso.
Dahil sa kaniya ay naramdaman ko kung pa'no nag slow motion ang mundo ko na kagaya na lamang sa mga nakikita natin sa pelikula o 'di naman kaya ay sa mga nababasa natin sa libro.
Dahil sa kaniya ay nakilala ko ang pag-ibig, at dahil sa kaniya ay natuto akong ngumiti ulit.

Siguro fitted sa kaniya 'yong sinasabi sa kanta na, “angel in disguise” because Shannaiah is indeed an angel of my life.

HEY, MR. PERFECT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon