CHAPTER 34

9 1 0
                                    

ACE POV

“Sometimes, we find ourself lost while chasing for something that we don't know if it's meant for us.”


KASALUKUYAN akong naglilibot ngayon sa campus, nagbabakasakali na mahanap si Shannaiah. Nakita ko siya kaninang papasok sa campus at tinawag ko siya ngunit hindi niya ako pinapansin kung kaya't tinawag ko siya ng paulit-ulit hanggang sa lumingon na siya sa akin, I smiled widely to her ngunit isang malamig na tingin lamang ang naging tugon niya sa akin at pagkaraan ay umalis na at hindi man lang siya nag-abalang lumingon muli sa kinaroroonan ko.

Hinabol ko siya kanina but I found myself lost from chasing her, kung kaya't pumihit na lamang ako papuntang classroom. Inaasahan ko talaga na makikita ko siya sa classroom ngunit dalawang subjects na ang nagdaan ay hindi ko pa rin naaninag ang presensya niya hanggang sa nakapag-desisyon ako na mag-ditch sa class at hanapin ang babaeng mahal ko.

Kanina ko pa siya tinatawagan, paulit-ulit akong nag-send ng messages sa kaniya ngunit hindi siya sumasagot.
“The subscriber cannot be reached. Please try again later.” napagtanto ko na naka 30 missed calls na pala. I sigh. Nasaan ba kasi siya?

Nakaramdam ako ng biglaang kaba. Hindi ko alam kung saan ko siya mahahanap ngayon pero hahanapin ko pa rin siya, bahala na.
Tumakbo ako papuntang parking lot at pagkaraan ay pumasok na sa aking sasakyan, binuhay ang makina at nagsimula ng mag-drive.

Kung saan-saan na ako napadpad ngayon mula sa kakahanap sa kaniya at pagkatapos ay aksidente kong mahagilap ang aking relo, 5:00 P.M na pala. Habang hinahanap ko siya sa bawat sulok ay bigla akong nakaramdam ng gutom and I realized na hindi pala ako nag-lunch. Ininda ko nalang ang gutom at nagpatuloy na sa aking paghahanap.

Halos nalibot ko na ang buong city pero hindi ko pa rin siya makita. I was left with no other choice but to go to the city's border. Catching hope na makita siya doon.

While on my way papunta doon ay biglang bumuhos ang ulan, tila impossible yata na titigil ito at any moment from now.

I sigh in relief ng makarating ako sa city's border at hindi nga ako nagkakamali sapagkat naaninag ko ang presence ni Shannaiah sa hindi kalayuan. I right then grasped na nakaupo siya ngayon sa inupuan namin noon.

Nataranta ako ng makitang nakababad siya ngayon sa ulan kung kaya't dali-dali akong lumabas sa aking kotse at tinungo siya, “Shannaiah!” I yelled habang paunti-unting nababasa sapagkat lumusong na rin kasi ako sa ulan.
Hindi siya lumingon sa akin hanggang sa nakarating ako sa kinaroroonan niya.

Napako ako ng aking makita ang mugto niyang mga mata habang patuloy pa ring umiiyak, at parang may kung anong bagay na biglang tumusok sa puso ko. I was about to hugged her yet she pushed me away.

“What's wrong?” I asked in confusion. Hindi siya umimik at nagpatuloy na umiyak.
Kapwa kaming basang-basa na ngayon sa ulan.

I sigh at hahawakan ko na sana siya ng bigla siyang magsalita, “Huwag na huwag mo akong hawakan.” ang tigas ng tono ng pananalita niya pero nanghihina na ang boses niya.

Tiningnan ko na lamang siya at hindi ko maipagkakailang nasasaktan din ako ngayon para sa kaniya. Tanging ilaw lamang na mula sa aking kotse ang nagsisilbing liwanag sa paligid namin ngayon.

“Umalis ka na, hindi kita kailangan.” she utter between tears. Mas lalo akong nasaktan ng aking marinig ang binitawan niyang salita.

Sa lilim ng makulimlim na kalangitan, kasabay ay ang mga tunog ng ulan habang nakabalot sa amin ang malamig na hangin ay niyakap ko siya ng mahigpit.

Nagpumiglas siyang makawala sa mga bisig ko ngunit kahit hinang-hina na ako ay pinilit ko pa rin ang humugot ng lakas para hindi siya basta-bastang makaalis.

“I hate you.” she uttered between her tears, I remain silent habang iniinda ang sakit. “Hindi ka sana dapat nandito, hindi naman kita kailangan at tsaka sino ka ba ha? Ano ba kita ha? Magsama kayo ng Venus mo!” mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya.

“I understand your pain.” saad ko sa gitna ng aking mga yakap at pagkaraan ay tinulak niya ako ng pagkalakas-lakas, dahilan para mabitawan ko siya.

“Wow, talaga lang ha? Naiintindihan? Tangina, naiintindihan?!” she yelled in front of me at bakas sa tono niya ang hindi maipaliwanag na pighati.

I remain silent and I stare to her with compassion and pain.

“Tangina Alas! Hindi mo nga alam kung ba't ako nasasaktan eh, tapos sasabihin mo na naiintindihan mo ang sakit na nararamdaman ko?!” she paused and took a deep breath, “Umalis ka na, hindi kita kailangan.” aniya at nagsimulang talikuran ako.

“Ano ba kasing nangyari?” tanong ko sa kaniya. Tumigil siya mula sa paglalakad at hinarap muli ako. ”May amnesia ka ba?” tugon niya and suddenly, naalala ko ang nangyari kahapon.

“I'm sorry, it was an emergency. Kailangan kasi ni Venus kahapon ng assistance kasi na-hospital ang Mama niya and—” she cut me off.

“Tangina, kailangan din kita kahapon, Alas!” she screamed in poignancy, and I was astound. “Alam mo ba na muntik na akong mahalay kahapon dahil sa kaaantay ko sa'yo... paulit-ulit akong tumawag, nag-text pero hindi ka man lang sumagot tapos nasaksihan ko na lang na busy ka pala kay Venus at hindi ka man lang nag-abalang tawagan ako after dinner. Tangina, magdamag akong nakabaon sa sakit, Alas.” she paused, “Hindi mo alam at hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko Alas kasi cold-hearted ka! Hindi ka marunong makiramdam!”

She break down at pagkaraan ay napaupo siya sa lupa habang humahagulhol sa sakit. Samantalang ako naman ay hindi makapagsalita't nagsimula na ring tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata.

“Shannaiah, I'm sorry.” tanging naiusal ko na lamang.

“Damn! I trusted you at dahil sa sobrang pagtiwala ko sa'yo ay muntik ng mapahamak ang buhay ko.” she respond.

Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin, samo't-saring pakiramdam ang namamayani ngayon sa akin.

Sa lilim ng madilim na kalangitan, at sa ilalim ng malakas na ulan, habang binabalot ng malamig na hangin ay may dalawang pusong nadudurog.

Kapwa man kaming luhaan ngunit ang isa sa amin ay nasasaktan lamang habang ang isa naman ay wasak na wasak na at paunti-unting na ring namamatay.

HEY, MR. PERFECT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon