SHANNAIAH POV
“Life offers us daily chances to shine.”
PANIBAGONG araw, panibagong pag-asa.Sabi nila, sunrise reflects another set of chances and hope.
Umagang kay ganda.
Hindi ko alam kung anong nakain ko, basta't Aang alam ko lang ay nag-almusal lang naman ako kanina.
Sa totoo lang, kaya ko nasabi ang mga 'yon sapagkat iba ang feeling ko ngayon eh. Para bang ang feeling ko ngayong araw na 'to ay namumukod-tangi, unlike my usual days na parang empty, and wala lang tapos 'yong feeling na walang nag-iba oh walang bago, normal lang lahat, walang special.
Ibang-iba talaga ang pakiramdam ko sa araw na 'to eh. 'Yon feeling na ang wholesome lang.
'Yong tipong mula pagbangon ko kanina ramdam ko ang sigla ng umaga. Isang hindi maipaliwanag na saya ang namamayani sa pagkatao ko ngayon and sana, magtuloy-tuloy na nga ang ganitong feeling.
Mahirap kasi kapag bumalik muli sa dati na empty eh, parang ang pangit din naman pakinggan.
Kasalukuyan akong naglalakad ngayon patungong classroom namin. Wala pa naman masyadong students ngayon, sabagay masyado pa namang maaga eh.
Lamig na simoy ng hangin sa umaga ang bumalot ngayon sa aking katawan. Kasabay ng aking mga hakbang ay ang mga masisiglang huni ng mga ibon na siyang mas lalong nakakapagpaganda ng aking mood ngayong umaga.
Ewan ko lang pero buong puso ko yatang naa-appreciate ngayon ang bungad ng umaga.
Habang patuloy ako sa paglalakad, in an instant, everything went black.
Purong kadiliman lamang ang namamayani sa paningin ko ngayon, “Sino 'to?” I yell habang kinapa-kapa ang mga kamay na nakabalot sa mga mata ko ngayon.
I began to caress him, incepting from his bare hands up to his arms at isa lang ang napapansin ko, at 'yon ay ang kagaya ko ay nilalamig din siya.
Nang makarating na ang aking mga kamay sa mga braso niya, a manly voice began to fill the breeze on our atmosphere.
He cleared his throat.
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman pero bigla na lamang lumundag ang puso ko matapos kong marinig ang boses niya.
Nang marinig ko ang boses niya ay mas lalong nabuhayan ang aking kaloob-looban.
I grinned, “Kahit hindi ka na magsalita, 'yong boses mo pa lang upon how you cleared your throat.... sigurado ako na kilala kita.”
He whispered, “Talaga ba?”
I can smell his breath and thus, gave me chills.
Bigla ko na lamang naramdaman ang kakaibang pakiramdam na nagmumula sa aking kaloob-looban kung kaya't sumigaw ako ng “Alas!” at pagkatapos ay kusang loob niya namang inalis ang mga kamay niyang nakatakip sa aking mga mata.
Pagkaraan ay pumwesto siya sa harap ko sabay abot na naman sa akin ng rosas habang nakangiti ng malapad.
I glare at him at kinuha ang rosas.
“Nakita kita no'ng isang araw.” panimula ko habang naglalakad na kami patungong classroom. “Ah, talaga?” aniya na siyang nakapagpa-inis sa akin.
Hindi na ako umimik at inirapan na lamang siya. He giggled, “Sa'n banda? I mean, saan mo 'ko nakita?”
“Sa harap ng 7/11 na establishment na malapit sa'min at kitang-kita ng dalawang mata ko kung pa'no yumakap sa'yo nang mahigpit ang angkas mo na babae.” I coldly replied but of course, pawang kasinungalingan lang naman 'yong mga sinabi ko.
I halt and stared him at his eyes, “Tell me, ilan ba kami na pinapakilig mo?”
He gulped. “Ano bang pinagsasasabi mo?” Depensa niya ngunit hindi katulad ng iba na galit na, siya ay nanatiling kalmado at ngumiti pa ng nakakaasar ang loko.
Once again, inirapan ko siya at pumihit na papuntang classroom.
“Saan ba kasi tayo papunta?” ani ko habang hila-hila niya ako sa mga kamay at sa bawat nadadaanan naming mga students including teachers ay talagang napapatingin sa amin kaakibat ang mga nangungutya nilang mga ngiti.
Sa totoo lang ay hiyang-hiya na talaga ako ngayon sapagkat pinagtitinginan kami ng mga tao ngunit si Ace ay nanatiling kalmado lamang na nakatingin sa daan habang hila-hila ako na parang aso, at tila hindi siya tinatablan ng hiya.
Ang cool niya pa rin kahit na napapalibutan na kami ng mga tingin.
Ininda ko na lang ang lahat sapagkat wala ng akong ibang choice.
Panira talaga 'to si Ace eh.
Actually, katatapos lamang ng Science class namin at hindi pa nga nakapagpa-alam sa amin ang aming guro ay bigla na lamang pumunta si Ace sa harap at pagkaraan ay hinila ako papalabas ng classroom.
Mas nauna pa kaming lumabas sa aming teacher at panay naman ako sigaw ng “sorry” para sa Science teacher namin hanggang sa mawala na sa'king paningin ang aming classroom.
Kasalukuyan akong nakaramdam ng pagkawala ng mga hawak ni Ace sa aking kamay at nagising na lamang ako sa reyalidad na nasa canteen na pala kami ngayon habang kaharap ko ang mga tropa niya.
Agad naman akong napalingon sa aking uniform badge however, Ace rebuked me, “Don't worry, you have me and with me, you can break all the rules.”
Nakaramdam ako ng kilig matapos kong marinig ang mga sinabi niya at nag-react naman ang mga friends ni Ace dahil sa kaniyang sinabi.
Kaniya-kaniyang hiyaw at tukso ang naganap sa table naming apat hanggang sa mapagod sila habang ako naman ay nanatiling tahimik at pinapanood lamang sila at panay tago sa aking kilig.
Nang matapos na sila sa kanilang business ay binaling naman nila ang kanilang attention sa akin at pinakilala nila ang kanilang mga sarili.
“Hi. Ako nga pala si Hexian Dave Pasco, ang pinaka-hottie sa aming tatlo.” he winked at sumubo na ng kaniyang pagkain.
Sumunod naman ang kaharap ko sa table, he began by clearing his throat, “Sebastian Jude Herrera at your service.” aniya't tumayo at saka inabot niya ang right hand ko at hinalikan ito.
Sa katunayan ay pamilyar na silang dalawa sa akin.
Tunay nga na makisig at gwapo si Hexian ngunit pambansang play boy naman ang bansag sa kaniya ng mga students dito sa campus habang si Jude naman ay cute at halata sa kaniya ang pagiging gentleman.
Ngunit namumukod-tangi si Ace, sapagkat ang katangian ng dalawa ay nasa sa kaniya na... matalino, makisig, cute na gwapo at gentleman.
Sa totoo lang, iilan lamang iyan sa mga trait ni Alas.
BINABASA MO ANG
HEY, MR. PERFECT
Romance"In a society that see me as the perfect person, who am really I when unnoticed?" [EDITING IN PROGRESS] Credits to Pinterest for the photo that is used on the cover.