CHAPTER 16

10 3 0
                                    

SHANNAIAH POV

“Sometimes, we are numb when it comes to the presence love.”


HINDI ko mapigilan ang aking sarili na mapabusangot na lamang nang aking marinig ang sinabi sa akin ni Ace na hindi siya sasali sa mga ilulunsad na activities pahinggil sa upcoming acquaintance party ng school namin.

“Ano ba ‘yan, kainis! Sino nga ngayon 'yong magre-represent ng section niyo kapag kulang, ha?!” pangungusap ko sa aking sarili.

Nasa kalagitnaan ako ng dalumhati ng bigla na lamang akong mabundol sa isang softie na pader; este, tao pala.

Agad naman akong tumingala at laking gulat ko nang aking masaksihan si Ma’am Araza na naka-akimbo habang nakatitig sa akin.

Omg, sa dibdib niya pala nabundol ang mukha ko, kaya pala..... malambot.

I cleared my throat, “Ma’am, sorry po.” agad naman akong humakbang papalayo sa kaniya.

She cleared her throat as well habang maigi niya akong tinitigan, “Shann… cancelled na ang lahat na paligsahan na gaganapin sana sa nasabing acquaintance party.”

Agad naman akong nabuhayan ng loob, “Talaga po?!”

She nod at akmang hahakbang na sana palayo sa akin ngunit bigla na naman siyang nagsalita, “Anyway, pakisabi na lang sa mga kaklase mo na cancelled na ang meeting niyo ngayon. Ngunit, ikaw ay mananatili sa classroom mamaya sapagkat may pag-uusapan tayo around 4 PM. Maliwanag?”

“Opo Ma’am, salamat.” tugon ko at saka naghiwalay na kami ng landas ni Ma’am Araza.

Nang makarating ako sa classroom ay agad ko naman itong inanunsyo sa aking mga kaklase, dahilan para magsigawan at magsitilian sila.

Bakas na bakas sa mga pagmumukha nila ang saya dahil cancelled na ang mga activities.

Ang nasa isip kasi ng karamihan sa amin ngayon, including me ay.... no activities, no preparation, no pressure.

Masaya rin naman ako sa pag-cancel ng mga activities ngunit hindi na kailan man mabubura sa aking nakaraan na nagwaste ako ng effort para lamang sa walang hiya na Ace na ‘yon.

Agad ko tuloy naalala na kahit nasa gitna ng matinding init kanina ay hinabol ko pa talaga siya para lamang ma-inform siya na may gaganapin na meeting at ang walang hiya ay narinig na nga ‘yong pagsigaw ko, nilingon niya lang lamang ako pagkatapos ay nagpatuloy na siya sa paglalakad.

Nagmukha akong asong ulol, tahol nang tahol sa pangalan niya. Kainis!

Grabe, pinahirapan niya talaga ako… tapos pinag-antay niya pa ako kanina matapos siyang lumabas sa campus.

It took me 20 minutes para mag-antay sa walang kwentang presensya niya tapos after ay naglibot pa ako sa school para lamang mahanap siya tapos matatagpuan ko lang siya sa may canteen, hambog na naka-upo habang nakatitig sa kawalan.

Grabe ang pinagdaanan kong kalbaryo para lang ma-inform si Ace na may meeting tapos cancelled lang pala ang kalalabasan, amp.

Matamlay akong bumalik sa aking upuan ng bigla kong maramdaman ang kakaibang pangangalay nang aking katawan. Epekto ito ng masyado kong pag-effort kanina.

Hudyat kong ipinikit ang aking mga mata para matulog ng ilang sandali.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagtulog ay naramdaman ko na para bang may kamay na pumipisil sa aking ilong.

HEY, MR. PERFECT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon