ACE POV
“Love happens by the choice of our heart.”
WHILE staring to Shannaiah at this very moment, I right then felt that my heart skipped a beat.Kasabay ng pagtitig ko sa mga mata niya ay siya rin namang unti-unting pagkalunod ng nararamdaman ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Her lovable glistening dark eyes, rosy cheeks, pointed nose, eyelashes like a sea wave, brows that are well trimmed and her kissable pinkish lips made me shrunk in overwhelmed fantastic affection.
Mas lalong tumingkad ang ganda niya dahil sa suot niyang silver in red dress that I personally chose for her para sa gabing ito. Hindi ko mapigilan ang pagtitig sa kaniya, at sa mga pagkakataong ito ay hulog na hulog na sa kaniya ang puso ko and at the same time, pakiramdam ko ay tila nakalutang ako ngayon sa kalawakan. Isang hindi maipaliwanag na pagkahulog at pagpumailanglang ng aking damdamin.
Kasalukuyan siyang nagsasalita ngayon ngunit sa totoo lang ay wala akong maintindihan sa mga pinagsasasabi niya, at para ba'ng nabingi ako dahil sa hindi boses niya ang umaapaw ngayon sa aking pandinig kun'di ang malakas na tunog nang tibok ng aking puso.
My heart is screaming her name.Wala akong ibang maintindihan kun'di ang katotohanan lamang na mahal ko siya.
Sa totoo lang ay first time kong makaramdam ng ganito at tanging sa kaniya ko lamang naramdaman ang ganito.
Well, paano ko nga ba na recognized na itong naramdaman ko sa kaniya ay pagmamahal?
Matapos kong makita ang complete makeover ni Shannaiah kanina ay nangyari kong maalala ang minsan na sinabi ni Dad sa akin patungkol sa kung ano nga ba ang pagmamahal.
Sabi niya noon sa akin na, masasabi mong mahal mo ang isang tao sa pamamagitan ng lalim ng nararamdaman mo para sa kaniya. Bagaman, nasusukat nga ba? Hindi. Hindi kailan man nasusukat ang pagmamahal.
Malalaman mo nalang daw na mahal mo ang isang tao kung nagsalita na mismo ang iyong puso sa pamamagitan ng kakaibang tibok nito.
At sa pangwakas ay, nasasabi natin na mahal natin ang isang tao dahil sa pagpili sa kaniya ng ating puso.
Habang lumalangoy ako sa pakiramdam ng pagkahumaling sa kaniya ay bigla kong na realized kung paano ako nagbago.
Hindi naman ako dati eh.
Kung tutuusin nga ay magmula no'ng mag-break ang parents ko ay naging cold hearted human ako.
To be honest, ni minsan ay hindi ako tumititig sa mga mata ng kahit sino man.
Beforehand, I love to be alone.
Nagsasalita lang ako noon kapag gusto at never akong nagpapaliwanag sa tao.
Wala akong pakialam sa sasabihin at nararamdaman ng iba.
Never in my entire life na nagawa kong ma-appreciate ang beauty ng mga nilalang.
Ang tawag nga nila sa akin noon ay “the human stone.” o kung sa Filipino ay “ang taong bato.”
Ayon kasi sa kanila ay tao nga raw ako pero maihahalintulad daw ako sa bato sapagkat gaya ng bato ay wala raw akong pakiramdam.
Nang marinig ko 'yan noon, I found myself in favour with it. Nasiyahan ako ng marinig iyon, nasiyahan ako na inihahalintulad nila ako sa bato na walang pakiramdam ngunit may portion naman sa isip ko na nagtatanong ng, “wala nga ba talaga akong pakiramdam?”
Bagaman, I right then realized na hindi porket matigas at tahimik ay wala na silang pakiramdam. Sometimes, the people who loves to ignore are the ones who genuinely care.
Ironic ano?
Mahilig kasi tayong humusga sa mga bagay na nakabatay lamang sa mga nakikita natin.
Nakakalungkot isipin ang katotohanan na maganda naman talaga ang buhay ngunit tayong mga tao lamang ang nakakasira sa halaga nito. Life is beautiful but we manage to paint dirt on it.
Sa kabilang dako naman ay ang cold-hearted na bansag nila sa akin ay tila ba'y unti-unti ng nawawasak... tila ba'y unti-unti ng nasisira, napapalitan.
Ang ako na hindi tumititig sa mga mata ay bigla na lamang na pako sa mga mata ni Shannaiah. Hindi ko maintindihan ngunit tila ba'y may magnet ito at basta-basta na lamang nitong naa-attract ang paningin ko.
Ang ako na gustong-gusto noon ang mapag-isa, ngayon ay hindi na mapakali sa tuwing hindi ko nararamdaman ang presence ni Shannaiah.
Ako na hindi basta-basta nagpapaliwanag, pagdating ngayon kay Shannaiah ay napapakanta na lamang kahit hindi pa man niya hinihingi ang paliwanag ko ay taos-puso na akong nagpapaliwanag sa kaniya.
Ako na walang pakialam noon sa sasabihin ng iba, walang pakialam sa nararamdaman nila ngayon ay nag-iingat na pagdating kay Shannaiah.
It's kind of to think kung ano na ang nangyayari ngayon sa atin.
It's kind of weird on how we found comfort and shelter to the presence of someone.
Hindi ko alam kung anong meron sa babaeng 'to at basta-basta na lamang akong nagbago. Siguro ay isa siyang droga, sapagkat naa-adik na ako sa kaniya.
She changed my world.
BINABASA MO ANG
HEY, MR. PERFECT
Romance"In a society that see me as the perfect person, who am really I when unnoticed?" [EDITING IN PROGRESS] Credits to Pinterest for the photo that is used on the cover.