CHAPTER 6

21 4 0
                                    

SHANNAIAH POV

"Our burdens of today screams wisdom for tomorrow."


KASALUKUYAN na pinagpapatuloy ni Ma'am ang aming activity ngayon. "Okay, class let us continue. Again, the floor for the nomination of our Class President for this Academic Year is now open. Anyone?"

"Ma'am?" sabay-sabay at kaniya-kaniyang sigaw ng aking mga kaklase. Dahil sa maugong na ingay ay nagmimistula kaming isang palengke sa mga oras na 'to.

Sa katunayan, ang Brilliant International School ang pinaka-sikat na school dito sa aming city. Kilala ang paaralan na ito bilang home of excellence - marami silang napro-produce na graduates na nangunguna palagi sa mga exams sa kahit anong larangan ng akademya.

Ang Brilliant International School ay internationally competitive and they produces myriads of effective and efficient learnings sa mga students na hinuhubog nila. Kung kaya't dito ako pina-transfer ni Daddy sa taong ito, and yes, graduating na po ako ng Senior High School, GAS Strand.

To be honest, bago pa man ang pasukan ay inaasahan ko na talagang strict ang mga teachers sa paaralan na ito and yes, I was right... strict talaga sila. Actually, inaasahan ko rin na tahimik ang mga students dito, 'yong tipong naka-focus lang talaga sa pag-aaral but I found out that I was wrong, I think so.

Anyway, I am a nerd. But I am not that kind of typical nerd na nagsusuot lagi ng eyeglass and walang pakialam sa hitsura.

Yes, nagsusuot pa rin ako ng eyeglass pero sa tuwing nagbabasa lamang ako nagsusuot no'n. Maalaga na po ako sa aking sarili ngayon, hindi gaya ng dati kong buhay.

Palagi akong nabu-bully dati dahil nga typical nerd ako before na walang pakialam sa aking physical appearance. Palagi akong umiiyak at nasasaktan sa mga salitang binibitaw ng mga taong nakapalibot sa akin.

Minsan nga naiisip ko noon na ang sakit mabuhay sa mundong mapanghusga. Bagaman ay ginawa ko na lamang inspirasyon ang mga puna ng mga nakapalibot sa'kin para maging better person. Nang dahil sa mga hindi kaaya-ayang karanasan ko ay natuto ako- natuto akong lumaban sa pamamagitan ng pag-angat ko sa aking sarili.

Anyway, taliwas sa aking inaasahan ang mga naging kaklase ko sa taong ito. Lahat naman kami rito ay mga mayaman ngunit 'yong character nila, hindi mo agad mano-notice na mayaman sila dahil parang hindi uso sa kanila ang salitang elegance but I love it though. Mas mabuti ng ganito sila para naman alive na alive ang class na 'to.

So far, ilang araw na ako rito and ni isa ay wala pa akong naging friend. Well, ano pa bang inaasahan mo sa nerd na kagaya ko? Isa pa, picky rin ako when it comes to friendship.

"I nominate her!"

Nagising na lamang ako mula sa himbing ng aking iniisip nang bigla ko na lamang maramdaman ang mga titig ng aking mga kaklase sa akin.

What on Earth is happening?

Sa katunayan ay naguguluhan ako sa pangyayari ngayon ngunit minabuti ko na lamang na hindi ito ipahalata.

"What's your name?" tanong sa akin ng nakatayo kong kaklase habang tinuturo ako sa pamamagitan ng kaniyang index finger.

"Shannaiah Claire Gutierrez." sagot ko sa kaniya at nag-iwas ng tingin nang makita ko siyang ngumiti sa akin.

HEY, MR. PERFECT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon