SHANNAIAH POV
“It is a must to acknowledge ourself behind the reasons of our action.”
THAT night was the most magical thing that ever happened to my entire life.That night made me realized that indeed, I was lost but I felt love at the same time.
Pa'no ko nasabi?
Well, practically speaking, nawala talaga ako sa party which indicates that I was lost, indeed.... at bago matapos ang gabing 'yon ay hinalikan ako ni Ace.
Hindi ba ‘pag hinalikan tayo ng isang tao, it means that they are attracted to us and afterwards attraction became love and love became intimacy tapos road to forever na, ganern.
Ngunit, attraction nga ba ang dahilan kung ba't tayo hinahalikan ng isang tao?
Ang explanation naman ng iba ay dahil through kiss daw nila nasasabi sa atin na mahal nila tayo.
Bagaman there's a quote that says, “Hug is the sign of love”.
If hug is the sign of love, then kiss is the symbol of love?
Possible kaya?
Possible kaya na mahal ako ni Ace?
Oh ‘di naman kaya ay trip niya lang talaga akong halikan no'ng time na 'yon.
Pero, ba't niya naman gagawin sa'kin 'yon dahil sa trip lang niya?
O di kaya ay tulog lang talaga siya no'ng hinalikan niya ako.
Eh, kung tulog siya no'n how come that he safely drove me home?
Ano ba!
Nakakabaliw na ha.
Nakakabaliw mag-isip ng mga rason lalong-lalo na kung isa ka lang biktima.
Bagaman, gusto kong mag-assume na mahal niya talaga ako pero mahirap na.
Kadalasan kasi, nasasaktan tayo 'di dahil sa sinaktan tayo kun'di dahil sa nag-assume tayo.
Sabi nga nila, “Oftentimes, our assumptions became our truth.”
Ngunit, taliwas naman talaga ang katotohanan mula sa mga naging assumptions natin.
Hays. Nakakabaliw.
Pero sa totoo lang, no'ng hinalikan ako ni Ace, feeling ko ay ako na 'yong pinaka-magandang babae sa balat ng lupa.
Feeling ko, dumating na sa ulap 'yong naging halikan namin.
First kiss ko 'yon ah.
Actually, during no'ng halikan namin ay nag-doubt talaga ako kung maki-kiss back ko ba siya kasi hindi ako marunong humalik ngunit, pagkalipas ay hindi ko na namalayan at basta-basta na lang palang nag-respond ang labi ko sa galaw nang labi niya.
It took me a while to realized that my lips followed the reiterated pattern of his lips.
Pagkatapos ng gabing 'yon, nakaramdam na lamang ako ng labis na pagkahiya sa kaniya.
Hanggang sa dumaan ang araw at naging linggo pagkalipas ay naging buwan ay hindi nag-fade at tumatak sa aking isipan ‘yong gabing iyon.
Pero sa loob ng mga araw na iniiwasan, tinataguan at nilalayuan ko siya ay siya rin namang patuloy na paglapit niya sa akin.
Hindi ko man pinapahalata sa klase ngunit ramdam ko na napapansin na rin ng aming mga kaklase ang pagbabago ng pakikitungo namin ni Ace sa isa't-isa.
Naalala ko pa pagkatapos no'ng event, nag-private message sa akin ang isa sa aking mga kaklase na hinahanap daw kami ni Ace ng buong section namin.
BINABASA MO ANG
HEY, MR. PERFECT
Romance"In a society that see me as the perfect person, who am really I when unnoticed?" [EDITING IN PROGRESS] Credits to Pinterest for the photo that is used on the cover.