CHAPTER 28

13 2 0
                                    

ACE POV

"At the core of our heart, lies the compassion."


KASALUKUYAN akong nag-aayos sa aking sarili nang bigla na lamang sumulpot sa aking harap si Mommy.

"Seems like may lakad ka ngayon ah? Hmm, let me guess... party?" she favourably smiled habang naglalakad patungo sa akin.

In a moment, I'm lost in transition.

I mean, hindi ako makapagsalita sapagkat hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kaniya at hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang lahat.

While staring at her sparkling eyes, bigla akong nalunod muli sa mga ala-ala ng nakaraan.

Nakaraan na pilit kong kinakalimutan.

Nakaraan na pilit kong tinatakbuhan.

Nakaraan na alam kong parte na ng pagkatao ko.

Nakaraan na minsan ng bumuo at nagwasak sa aking pagkatao.

Nakaraan na kailan man ay hindi ko ginusto.

WE used to be a happy family way back then.

My Mother was a nurse, a head nurse to be particular; pursuing her study to become a doctor meanwhile, my Dad is a popular businessman by profession and culinary by passion.

Namulat ako sa pamilyang sikat sa industriya ng negosyo at maging sa larangan ng medisina.

My parents gave me their earnest affection and attention.

I was that happy, perfect kid of that epoch.

Bata pa lang ay sanay na ako sa mga mata ng lipunan. Lahat ng tao ay nakatingala sa amin, lahat ay nakatutok sa amin. The public even portrayed us as an exemplar of the perfect family.

Until one day, they broke up at hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng publiko na ang tinitingala nilang pamilya ay matagal na palang wasak.

Alteration made its way in an abrupt manner.

Kung gaano ko noon kamahal si Daddy, dumating nalang ako sa puntong kinamuhian siya.

I thought he was an angel. However, I was blinded to the fact that he was a devil, disguised as an angel.

He even announced how much he loves my Mom beforehand and as naive me, I once believed that it was his truth however, I later on realized that it was all his sugarcoated lies.

Magmula no'ng naghiwalay sila, mas lalo kung kinaawaan si Mommy habang kinakamuhian ko naman si Daddy.

My Mom told me the reason why they split and it was all because of a third party matter.

Napatunayan ko na may third party ngang nangyari nang minsan kong makita si Dad sa mall kasama ang bagong babae niya at ang hindi ko matanggap na katotohanan ay kapatid ni Mommy ang naging kabit ni Daddy.

My Dad and my beloved Aunt betrayed us.

I can't imagine the pain na dala-dala ni Mommy.

Tunay nga na hindi natin alam kung ano ang nilalaman ng ating bukas.
Sapagkat kahit na si Dad ay nagawa kong kamuhian noon, kahit na isinumpa ko man noon sa bato na hinding-hindi ko mapapatawad si Dad, dumating pa rin ako point that I embraced him again.

Kahit gaano pa natin pilit na pinapatigas ang ating puso, darating at darating talaga ang panahon na manlalambot din tayo.

Naalala ko nang makita ko si Dad na umiiyak sa harapan ko, 'yong mismong eksena na 'yon ang siyang nagpalambot ng puso ko.

Nang makita ko siyang luhaan, tila ba'y napawi agad ang lahat ng galit ko sa kaniya... nakalimutan ko agad ang mga rason kung ba't kinamumuhian ko siya.

Sa pagkakataong din 'yon ay nagsimula na dahang-dahang bumalik ang gaan ng aking kalooban sa kaniya.

That particular moment had reconnected the broken string of our father and son relationship.

Sa kabilang dako naman ay hindi alam ni Mommy na naging close na pala ulit kami ni Daddy.

Gusto kong sabihin sa kaniya pero hindi ko man lang magawa, kusang hindi bumubukas ang bunganga ko sa tuwing dumadating sa point na gustong-gusto ko ng sabihin ang bagay na 'yon sa kaniya.

Marahil ay iniisip ko rin kasi ang pain na dala-dala ni Mommy.

I sigh.

"Is there any problem anak?" natauhan lamang ako bigla nang marinig ko ang boses ni Mommy.

I remain silent and I peek at my wrist watch at napagtanto ko na malapit na pala mag-start ang party.

7 in the evening daw magsisimula ang party at 6:00 P.M na ngayon, well may 1 hour pa naman.

"I gotta go Mom." dali-dali na akong umalis sa harap ni Mommy ng hindi man lang inabala ang sarili ko na pakinggan ang susunod niya pang sasabihin.

Pumihit ako sa garage at dali-daling nagmaneho sa aking kotse.

"Where are you?" ani ko habang nakatingin sa daan.

"Hmm, sa harap ng 7/11. Papasok na sana para bumili ng-" I cut her off on the line, "Stop, right there. Hintayin mo ako."

"At bakit-," papalag na sana siya ng muli na naman akong magsalita, "That's an order."

Hindi ko pinatay ang tawag maging siya rin ay hindi niya pinatay hanggang sa makarating ako sa 7/11.

Agad kong pinark ang aking sasakyan sa harap niya at pagkaraan ay lumabas at hinila siya papasok sa loob ng kotse.

"Ano ba, pinagtitinginan tayo o!" protesta niya habang pilit ko siyang pinapapasok sa sasakyan.

"Hayaan mo na sila." ani ko and afterwards closed the door.

Bago pa man ako pumasok muli sa aking sasakyan ay nagmasid muna ako sa paligid and yeah, she's right.... pinagtitinginan nga kami and may iba pa nga na kumukuha ng pictures eh.

I smirked, well I'm not surprised anymore. Gwapo ako eh so what do you expect? Tsss, people can't just ignore my charm.

"Baka matunaw ako." ani ko habang nagmamaneho't nakatingin sa daan.

"Nakakainis ka kasi," maktol niya, "Bigla-bigla ka nalang tatawag tapos maypa that's an order ka pang nalalaman and afterwards, lumabas ka ng kotse with that attire?! Saan ang punta mo, sa Met Gala?"

I took a glance at her direction and I saw how she glared at me.

Hindi na ako umimik pa at nagpatuloy na lamang sa pagfocus sa pagmamaneho habang siya ay walang katapusan na dumadada.

I suddenly felt ease ng marating na namin ang boutique.

"Anong gagawin natin dito?" she innocently inquired.

"Kakain." I respond and I drag her inside.

Yumuko naman ang mga staff ng makita ako.

"Kayo na ang bahala sa babaeng 'to." ani ko sabay bigay ng mga kamay ni Shannaiah sa kanila.

"I need everything to be done as soon as possible. Hindi kami pwedeng ma-late sa party ngayon." ani ko, at nakita ko kung paano bumilog ang mga mata ni Shannaiah.

"Noted, Sir." ani ng isa sa mga staff na nakahawak ngayon sa mga kamay ni Shannaiah.

Papalag pa sana si Shannaiah ngunit huli na sapagkat bago pa man siya makapagsalita ay hinila na siya papasok sa loob for her makeover.

HEY, MR. PERFECT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon