CHAPTER 14

10 3 0
                                    

ACE POV

“Love; four letters and one word yet it is the strongest force that exists beneath the skies.”


I was still staring at her when our class adviser entered our room at doon na nagsimula ang ingay.

So, I decided na lumabas na muna ng aming classroom para magpa-chill total kakasimula pa lang ng seven and our class will start here at 7:30 in the morning.

May 30 minutes pa ako para magpa-chill.

Habang naglalakad ako papalabas sa building ay may iilang estudyante akong nakakasalamuha at nagsimula na naman silang magsi-tilian.

Oh buhay, umagang kay ganda.

Nang makarating na ako sa aking territory ay agad kong binuksan ang aircon at umupo sa aking upuan na tinatawag nila ni Jude na king’s bed.

Oh diba, parang tanga lang. Upuan pero king's bed ang tawag nila.

Tahimik lamang akong nagmamasid sa apat na sulok ng aking kwarto at saka nagmuni-muni.

Sa katunayan ay hindi mawala-wala sa aking isip ang patungkol sa aking ginawa kay Shannaiah kanina.

Speaking of Shannaiah, sa totoo lang… hindi ko alam kung ba’t ganoon na lamang ako kung maka-react pagdating sa kaniya.

I mean, kahit ako sa sarili ko ay napapansin ko na tila ibang Ace ang nakikilala ko sa tuwing magkabangga kami ni Shannaiah. I mean, ibang Ace ang nakikita ko sa tuwing nasa paligid ko lang si Shannaiah.

Ibang ako ang nasasaksihan ko sa tuwing nasa tabi niya ako.

No’ng time na nagsend ako ng friend request sa kaniya sa Facebook ay ‘yon ‘yong panahon na bored ako sa buhay.

Gabi na no’n at hindi ako makatulog, mga around 1 AM na no’n ng aking maisipan na mag-facebook na lamang.

Nang naopen ko na ang aking Facebook account ay of course, binaha ako ng messages at notifications. I clicked the notification bar at hindi ko talaga binasa ang lahat ng nakasulat doon, after that I right then opened my messenger at hindi binuksan ang mga sangkatutak na messages pwera na lamang sa walang kwentang mga chat nila ni Hexian at Jude sa akin.

Nagscro-scroll lamang ako noong panahong iyon ng aking napagdesisyonan na mas mabuti pang mag-log out na lamang.

I was about to go offline ngunit biglang sumagi sa aking isipan ang imahe ni Shannaiah kung kaya’t I clicked the search button and I started to search for her account. It takes more than five minutes bago ko nakita ang account niya and to my surprise, hindi siya naka-public. Nainis ako no’ng una nang aking masaksihan na hindi siya naka-public pero later on, napagdesisyonan ko na magsend na lamang ako ng friend request sa kaniya, and so I did.

Magmula ng gabing iyon ay nag-antay ako sa kaniya.

Hindi niya lang siguro alam pero nag-antay at nag-abang ako ng tatlong araw bago niya inaccept ang aking friend request. Yes, it takes three days bago niya makita na nagsend na pala ako ng friend request sa kaniya, grabe siya, pinag-antay talaga ako ng tatlong araw.

My facebook's notification popped matapos niya akong inaccept kung kaya’t dali-dali kong binuksan ang aking messenger app.

I sent her a message that goes like this, “’Wag kang lumingon or else, you will spend your whole life regretting about the incidence.”

Actually, that was supposed to be a prank.

Yes, I was trying to prank her pero hindi ko nagustuhan ang naging response niya sa prank ko. Imbes na sana matuwa ay nainis ako dahil sa response niya sa akin, kung kaya’t nagsent uli ako ng message sa kaniya, saying, “I will never fall for you.”

HEY, MR. PERFECT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon