SHANNAIAH POV
"Does staring at each other's eye speaks the sign of imminent intimacy?"
HABANG naglalakad ako papalabas ako nang canteen ay may biglang humarang sa akin. Napatigil ako, pagkaraan ay tumingala at laking gulat ko na lamang nang aking masaksihan na 'yong lalaki pala na kumindat sa akin kanina ang siyang humaharang ngayon sa dadaanan ko sana.Muli niya akong kinindatan at agad kong napansin ang presensya ni Ace sa likod niya at tahimik lamang siyang nagmamasid sa aming dalawa.
Walang nagsalita sa pagitan namin at matapos ang patak nang ilang minuto ay naramdaman ko na lamang ang papalayo nilang mga yabag.
Ngunit, hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Agad akong dinumog ng mga iba't-ibang komento mula sa bawat students na nakakita sa amin sa kasama ni Ace at dahil na rin doon sa ginawa niyang pagkindat sa akin.
Hindi ko na sila binigyan ng pansin at nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad.
Kasalukuyan na akong naglalakad sa hallway ng library at hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapangiti at damdamin ang kapayapaan at katahimikan na handog sa paligid ng library.
Pagkaraan ay nagpatuloy ako mula sa paglalakad at may nakasabay akong babae and I think is naka middle 40's na siya. Kung hindi man ako nagkakamali ay siya ang head ng cafeteria sapagkat minsan ko na kasing nakita ang litrato niya sa bulletin board na nasa cafeteria at nakalagay sa ibaba ng litrato niya ang kaniyang gampanin sa cafeteria.
Magalang ko siyang binati ngunit hindi ko inaasahan ang naging tugon niya sa akin.
Huminto siya mula sa paglalakad at maging ako ay napahinto rin. She sweetly smiled to me while giving me a warning look. That look na hindi mo talaga magugustuhan, kahit kailan.
"Miss, magi-ingat ka kay Mr. Pasco at kapag nanligaw sa'yo 'yon ay mas maigi nang ibasted mo siya," she took a deep breath while here I am, standing in complete shock at nahihirapan na e-internalize ang sinasabi niya sa akin.
"Alam mo ba na kilala iyang si Mr. Pasco bilang the campus playboy at halata naman siguro sa hitsura niya na marami na siyang babae na pinaiyak. Hindi naman sa nangingialam ako sa buhay mo ngunit bilang isang concerned staff dito sa school ay binibigyan lamang kita ng payo," she paused and tap my shoulder, "Sayang ang ganda mo Miss kung iiyak ka lang ka Mr. Pasco."
Matapos niyang sabihin iyon ay mabilis siyang naglaho sa aking paningin. Bagaman, naiwan akong nakabukas ang bibig, nakatunganga sa kawalan. Sa lahat ng sinabi niya, ang salitang "ang ganda mo," lang talaga ang naintindihan ko.
Pagkaraan ay hinabol ko siya at pinaunlakan siya nang aking pasasalamat at pagkatapos ay tinungo ko na ang aking klase.
Nang makapasok ako sa classroom ay nadatnan ko ang aking mga kaklase na busy sa kaniya-kaniya nilang business sa buhay. Ang mga classmates ko na babae ay busy sa pagpapa-ganda, samantalang ang mga kaklase ko namang lalaki ay busy sa cellphone nila.
Umupo ako sa aking silya at hindi rin nagpahuli sa pagpapa-ganda sa aking sarili at nang matapos ako ay pinapunta ako ni Ma'am Araza sa table niya.
Nakaparoon ang table ni Ma'am Araza sa pinakalikurang bahagi ng aming classroom at habang naglalakad ako patungo sa table ni Ma'am ay panay tingin naman sa aking ang mga classmates ko na lalaki. Hindi ko matukoy kung nagagandahan ba sila sa akin or something else.
Bigla akong nakaramdam ng hiya nang aking namataan na nakatitig pala si Ace sa akin at nag-iwas naman ako ng tingin sa gawi niya.
Nang makarating ako sa table ni Ma'am ay pina-alala niya sa akin na maiiwan kami, kasama ang aming Class Vice President at Class Secretary dahil may pag-uusapan daw umano kami.
BINABASA MO ANG
HEY, MR. PERFECT
Romance"In a society that see me as the perfect person, who am really I when unnoticed?" [EDITING IN PROGRESS] Credits to Pinterest for the photo that is used on the cover.