ACE POV
“In many times, we failed to notice the inception of intimacy.”
TAHIMIK lamang kaming tatlo sa byahe when Nana decided to crack the silence. “Kung hindi ako nagkakamali ay ikaw ‘yong babae na nakasabay ko kanina sa lunch break, hindi ba?”Tumingin ako sa side mirror at nakita ko ang pagtango ng kausap ni Nana.
“Anong iyong pangalan, binibini?” malumanay na saad ni Nana sa kaniya.
“Shannaiah Claire Gutierrez, po.”
“Oh, tatawagin nalang kitang Anak, maari ba?” turan ni Nana na siyang dahilan ng aking pagkagulat.
Bakit nais ni Nana na tawagin siyang anak?
Eh, sina Hexian at Jude nga ay hindi niya tinatawag na anak eh, bagkus, ginoo ang tawag niya sa kanila.
Ako lang naman ang tinatawag ni Nana na anak mula pa man noon.Sa ilang taon kong kasama si Nana, ngayon ko lamang siya nakitang ganito.
Sana naman, hindi pumayag ‘yong babae sa alok ni Nana.
Hindi rin naman bagay sa kaniya na tawagin siyang anak ni Nana.
“Opo, maari mo po akong tawagin sa nais mong itawag sa akin.”
Tsk, bad trip.
Nag-focus na lamang ako sa pagdri-drive at minabuting hindi na sila pakinggan pa.
Una kong ibinaba si Nana sa kaniyang condo at nag-wave pa siya bago kami tuluyang umalis ni Shannaiah.
Walang nagsalita sa amin ni Shannaiah habang nasa byahe hanggang sa nakaramdam na lamang ako ng gutom kung kaya’t dineretso ko muna ang kotse sa pinakamalapit na restaurant.
Nang makarating na kami sa restaurant ay agad akong bumaba sa kotse at pumasok sa loob.
Bumungad naman sa akin ang ngiti ng mga staff ni Daddy.
Yes, si Daddy ang nagmamay-ari ng restaurant na pinuntahan ko ngayon.
Agad na lumapit sa aking table ang master chef nitong restaurant ni Dad ng malaman niyang nandito ako ngayon.
“Good evening, Sir.” aniya sabay abot ng menu sa akin.
Hindi ko na kinuha ang menu sabay sabing, “’Yong usual kong order, and make it good for two person.”
He nod at bakas sa pagmumukha niya ang curiosity sa pagkakataon na ‘to.
Oo, alam ko kung bakit siya curious.
Curious lang naman siya kasi…. ngayon lang ako nag order ng food na good for two person.
Kumaripas naman papalayo sa aking table ang master chef.
Sa tuwing kumakain ako rito sa restaurant ni Daddy ay ‘yong master chef niya talaga ang nage-entertain sa akin.Tiningnan ko ang aking relo, 7:30 na pala ng gabi.
Habang nakaupo at nagmamasid sa mga table ay napansin ko na wala si Shannaiah. Hindi pala siya sumunod sa akin no’ng papasok ako rito kanina.
Mabuti na lamang at may lumapit sa akin na staff at inutusan ko siyang puntahan si Shannaiah sa aking kotse.
Maya-maya pa’y bumungad na si Shannaiah sa loob kasama ang staff at tumahak sila patungo sa aking kinauupuan. Nang makarating na siya sa aking harap ay nagpasalamat siya sa staff, ngumiti naman ang staff at saka lumisan.
BINABASA MO ANG
HEY, MR. PERFECT
Romance"In a society that see me as the perfect person, who am really I when unnoticed?" [EDITING IN PROGRESS] Credits to Pinterest for the photo that is used on the cover.