CHAPTER 10

11 3 0
                                    

ACE POV

“It is often said that love is an act of will.”

NASA kalagitnaan ako ngayon sa paglalakad nang aking makita 'yong babaeng kinindatan ni Hexian kanina na nakaupo sa isang bench.

Halata sa pagmumukha niya na pagod siya at tila may hinihintay ito. Hindi ko alam kung ano pa ang ibang dahilan sa kaniyang pagkapagod ngayon bukod sa nag-exert siya ng too much energy.

Tinitigan ko siya for awhile at naglakad na. Sa katunayan ay wala sa isip ko na puntahan siya ngunit nagtataka ako ngayon kung ba’t ang tungo ng aking mga paa ay sa direksyon niya.

Para bang may sariling utak ang aking mga paa at basta-basta na lamang akong dinala ng mga ito sa ground niya. Habang papalapit ako sa kaniya ay kinuha niya ang isang tumbler mula sa kaniyang bag at saka binuksan ito at uminom siya ng tubig.

Nang makalapit na ako sa kaniya ay siya din namang pagtigil ng aking mga paa mula sa paglalakad.

Nanatili lamang akong nakatayo at blanko na nakatingin sa kaniya habang umiinom siya ng tubig.

Namangha ako dahil sa kakaiba niyang taglay at lakas sa pag-inom ng tubig. Walang ano-ano’y sumagi sa aking isipan na daig pa niya ang nauuhaw na kalabaw.

Ilang minuto pa ang nakalipas bago niya ako napansin at bakas sa kaniyang pagmumukha ang pagkagulat nang makita niya akong nakatayo at nakatingin sa kaniya.

Natatawa ako sa mukha niya dahil sa naging reaksyon niya at gusto ko sanang i-voice out ang tuwang nararamdaman ko ngunit pinigilan ko ang aking sarili baka mas lalo pa siyang magulat at isa pa, kapag tumawa ako, magmumukha akong tanga sa kaniyang paningin.

Nang matapos na siyang uminom ay agad naman akong napatanong, “Ganiyan ka ba talaga uminom?”

Bakas sa pagmumukha niya na naguguluhan siya dahil sa aking tanong dahilan para mapasabi na lamang siya ng, “Bakit?”

I intently looked at her sabay sabing, “Ang lakas mo kasing uminom ng tubig, daig mo pa ang uhaw na kalabaw.”

Bakas sa pagmumukha niya ang pagpalag sa aking sinabi ngunit hindi niya ito pinalabas sa kaniyang bibig. Maya-maya pa ay tumayo na siya at sa pagtayo niya ay na out of balance siya kung kaya’t sinalo ko siya.

Agad na dumapo ang aking kamay sa bewang niya samantalang ang kaliwang kamay niya naman ay nakasabit sa aking braso habang ang kanang kamay niya ay hawak-hawak ang precious niyang tumbler.

Nagtama ang aming mga mata at nakaramdam ako na para bang may isang matulis na bagay na hatid ng kaniyang mga mata at tumagos ito sa pinakasulok na bahagi ng aking puso.

Biglang tumigil sa pag-ikot ang aking mundo kasabay ay ang pagtigil nang takbo ng oras at pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ang nage-exist ngayon dito sa mundo.

Habang tumatagal ang aming titigan ay naramdaman ko nalang ang kakaibang bilis nang tibok ng aking puso at bago pa man lumala ang lahat ay tinayo ko na siya at dumiretso na ako sa paglalakad.

Hindi na ako nag-atubili na magsalita at lumingon pa sa kaniya sapagkat masasayang lamang muli ang aking oras.

Habang naglalakad ay naisipan ko na makinig na lamang ng music and so, I turned on my phone and my earpods ngunit hindi ko pa nga nailalagay ang aking earpods ay biglang sumulpot si Nana sa aking harapan.

“Nana,” ani ko at pinatay ko muna ang aking phone.

“Can I talk with you for awhile, anak?” aniya at tumango naman ako.

HEY, MR. PERFECT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon