SHANNAIAH POV
“It is often said, when you dream of someone…. that person in your dream is actually thinking of you.”
NANDITO ako ngayon sa loob ng hall kung saan gaganapin ang nasabing school acquaintance party. Hindi ko mawari ang aking nararamdam sa mga oras na 'to— naghahalong kaba, kasiyahan at excitement.Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng hall ng biglang dumapo ang aking mga mata sa isang malaking salamin na nakapwesto sa aking harapan.
Agad kong tinitigan ang aking reflection and to my surprise, halos hindi ko na makilala ang aking sarili, hindi dahil sa makapal ang aking make-up kun’di dahil sa hindi ako sanay na makita ang aking sarili na todo kung mag-ayos.
Marahil ay naga-ayos naman ako pero hanggang light make-up lamang like liptint, blush on at pulbo.
Isa pa, never rin akong naga-attend ng mga prestigious party. Sa tuwing may party na gaganapin sina Dad ay hindi ako sumasama, mas pinipili ko ang mag-stay sa bahay at manood ng mga movies.
Hindi ko maipagkakaila na talagang nanibago ako sa aking hitsura ngayon.
Ang ganda ko, sobra.
Honestly, sobra akong nagagandahan sa aking sarili ngayon which is rare on my case sapagkat minsan ko lang kasi naa-appreciate ang existence ko.
Wala namang masama sa pag-appreciate mo sa sarili mo, hindi ba?
Ayon nga sa iba, appreciating your very own self is an act of self love.
I couldn’t muster out the smile that keeps on tracing in my lips right now. Ewan ko pero nasisiyahan talaga ako ngayon.
Habang naglilibot ay aking napagtanto na isang nakakabinging katahimikan pala ang bumabagabag sa buong lugar at tanging ako lamang ang tao sa lugar na ‘to and I wonder why?
Nasaan ang iba?
Nasaan sila?
Matapos kong mapansin ang kakaibang pangyayari rito sa hall ay nagsimula na akong makaramdam ng takot. Binalikan ko ang lugar kung saan nakapwesto ang isang malaking salamin yet to my surprise, wala na ito.
Inilibot kong muli ang aking paningin sa buong hall habang walang humpay at mabilis na kumakabog ang aking dibdib.
Tunay nga namang napakaganda ng design sa paligid, pinaghalong gold at silver na mga tela ang naka-place sa itaas. Maganda ang pagka-design dito; ang mga tela ay naka-wrapped together into a curly manner. The both silk are tied into the both ends of astral chandelier and walls; it is indeed similar to the long-drawn-out horizontal wave of lanterns.
I am enormously boggled dahil sa ganda ng designs yet what makes me dread as of the moment is dahil ako lang mag-isa rito. I don’t know what to do; I wanna cry pero walang tears na lumalabas mula sa aking mga mata.
I spent a minute, thinking kung ano nga ba ang nararapat kong gawin not until when different scenarios incepted to flash into my mind— my mind began to picture out different what if’s at dahil sa kakaibang takbo ng aking isip ay mas lalo itong nagdulot sa akin ng matinding takot.
Hindi ko namalayan na unti-unti na palang pumapatak ang aking mga luha primarily, dahil sa takot at pangamba.
Patuloy lamang ako sa pag-iyak when I felt someone’s presence behind me.
Agad naman akong lumingon and to my surprise,
I saw him.
He right then hug me tight.
BINABASA MO ANG
HEY, MR. PERFECT
Romance"In a society that see me as the perfect person, who am really I when unnoticed?" [EDITING IN PROGRESS] Credits to Pinterest for the photo that is used on the cover.