Prologue

69 8 4
                                        

Dedicated to VelthreHades. Enjoy!

Prologue

"Oh, anong tinitignan mo?" hindi ko nilingon ang tumabing co-teacher ko sa akin.

Nanatili akong naka-tanaw sa ibaba ng building ng paaralan. Tinatanaw ko ang mga estudyante sa ibaba.

"Loko-loko parin talaga ang mga bata." naiiling na sabi ng katabi ko.

Nanatili pa din akong tahimik habang binabantayan ang kilos ng isang lalaking isa sa mga estudyante ko sa College of Business Management.

"Frexie, tara na sa room. Hayaan mo na ang mga estudyante natin. Matitigas talaga ang mga ulo nyan." hinawakan nya ang balikat ko.

"Puro asaran at kulitan ang nalalaman." naiiling pa nitong dagdag.

"Mauna kana, susunod ako." ani ko sa co-teacher ko bago ipinasok ang kamay sa aking bulsa at naisipan na bumaba ng building para lapitan ang mga lalaking estudyante na nag-iingay sa baba.

Sa mga estudyanteng nadadaanan ko lagi nila akong binabati at bahagyang yumuyuko at tumatabi upang bigyan ako ng daan. Hindi ako sumasagot o ngumingiti manlang sa mga pag-bati nila sa akin, tanging titig ang nagagawa ko at iwas ng tingin.

Hindi ako mahilig makipag-usap lalo na sa ibang tao, sa mga estudyante. Maliban nalang kung kailangan ko nang mag-salita.

Nakita ko syang inaasar ang isang babae at tila may ginagawa na syang mali rito. Kung sa iba ay simpleng asaran at normal na ito para sa kanila. Pwes, sa akin hindi. Hindi pinalagpas ng mga mata ko ang hawak nya sa braso ng babae at tila pinipilit ito sa isang bagay na ibinubulong nya.

Mas lalong bumilis ang hakbang ng aking paa hanggang sa nakarating ako sa mismong tabi na nila at tumikhim.

Agad nila akong nilingon, tinignan mula ulo hanggang paa, tila ba naguguluhan kung bakit nandito ako ngayon.

"Hi ma'am, vacant namin sa subject mo ah? Bakit ka nandito?" tanong ng isa sa kanila.

"Kasi paaralan 'to kaya nandito ako." kumunot ang noo at bumukas ang labi dahil sa isinagot ko.

"Ha ha ha, nakakatawa naman ang joke mo, ma'am." pilit na tawa ang ibinigay sa akin nung lalaking hawak parin sa braso ang estudyanteng babae.

Napansin nya ang paninitig ko sa kamay nyang naka-hawak sa braso ng dalaga kaya agad itong bumitaw at pumormal sya ng tayo sa aking harapan.

"I'll be stupid if I still ask what's going on." malamig kong sambit sa kanila at tinignan ang babae.

"Ma'am, nag-uusap lang po kami." ani ng estudyante kong magaling mag-bigay ng rason.

"Usap parin ba kung hinahawakan mo na sya sa dibdib?" tumaas ang kilay ko na syang dahilan para magkatinginan silang lahat.

"Ma'am, natamaan ko lang. Hindi ko po hinawakan." rason na naman nya sa akin.

"Magkaiba po ang natamaan at hinawakan. Ma'am, ibang-iba ang sinadyang hawakan at hindi sinadya." ani nito.

"I'm not blind, Mr. Fontales. Nakita kitang sinadya mong hawakan ang dibdib nya." diin kong sabi at mas lumapit pa sa kanya.

Hindi naman malabo ang mata ko at mas lalong hindi ako tanga para paniwalaan pa ang rason nya sa harapan ko. I saw it, gagawin nya pang sinungaling ang mga mata ko.

"Ma'am, lumalabo na ang mata mo. Kailangan mo nang magpa-EO. Kulang ka pa siguro sa grado." tumawa ang mga kasama nya.

Mabuti nalang at wala na halos estudyante rito dahil may kanya kanya namang mga klase. Oras na ito ng klase ngunit nandito pa ang mga sutil na ito.

Chamber of SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon