Chapter 10

5 1 0
                                    

Dedicated to Aizerenity. Enjoy!

Chapter 10

Playboy

Nanatili akong naka-tanaw sa kanya habang nag-lalakad palayo sa akin. Hinayaan ko na lamang dahil hindi ko naman kasalanan kung bakit ko sya sinigawan at mas piniling ignurahin sya.

Sino ba sya para kausapin, pansinin at bigyan ng atensyon ko? He's a totally stranger and he's nothing to me. Fuck his attitude, fuck him.

Kung maka-react, kung maka-galaw ay akala mo naman isang taong malapit sa akin at kilala ko, pero hindi naman. Wala kaming koneksyon sa isa't isa at hindi ko alam kung ano ang dahilan nya para gawin ito.

Para isturbuhin at guluhin lamang ako sa bawat oras at araw na bigla bigla ko na lamang syang nakaka-bangga at nakikita.

Hinubad ko na lamang ang aking heels na suot at nakita ko ang namumula kong paa nagkaroon rin ng isang maliit na sugat. Natiis ko pa naman dahil hindi naman sobrang sakit kaya nag-lakad pa ako habang bitbit na ang heels.

Mahina ang pag-hampas ng tubig sa buhangin at pagkatapos nitong humampas ay babalik din. Naisip ko na lamang ang pag-hampas ng alon sa buhangin ay tila isang taong biglang darating at lalapit sayo pagkatapos non ay kung  kailangan na bumalik sa pinanggalingan ay aalis at iiwan kang may sakit. Tila kung paano hampasin ng alon ang buhangin.

Ngunit mabuti pa ang alon at ang pag-hampas nito dahil laging bumabalik, babalik agad. Waves will always comeback to kiss the sand. Pero kapag ang tao na ang umalis walang kasigaruduhan kung kaya pang bumalik.

I sighed and watch the calmness of the sea. Hindi napigilan ng aking paa na mag-tampisaw sa malamig na tubig, humapdi ang aking sugat ngunit wala akong pakialam. Nabasa narin ang laylayan ng aking gown pero nakatuon lamang ang aking atensyon sa paa kong nilalamon ng buhangin sa tuwing hahampas ang maliliit na alon. 

Sana kagaya kayo ng alon, babalik sa akin.... Babalikan pa ako at kahit gaano pa katagal ang pag-balik nyo ay mag-hihintay ako. Dahil kagaya ng buhangin mananatili ako hanggang sa dumating ang tamang panahon at tamang oras na babalik kayo.

"Agent Astéri?" napatayo ako ng tuwid at lumayo sa tubig.

"I'm here." sagot ko at inayos ang aking buhok.

"The night is getting wilder. Gusto kong ikaw ang mag-bantay kay Ms. Lacosta dahil narito sya at nakikipag-inuman sa mga lalaki, sumasayaw at sa tingin ko ay nawawala na sya sa kanyang wisyo." ani ni Agent Dark.

"Kailangan na merong mag-bantay sa kanya hanggang sa makarating sya sa kanyang silid." tumango ako sa sinabi ni Jelvi.

Mabilis akong nag-lakad pabalik sa venue habang patuloy sa pakikinig sa mga sinasabi nila.

"Kailangan kong ipagpatuloy itong pakikipag-usap ko upang mas mapalapit din kay Ms. Lacosta and to guard her closely,"

"Frexie, you'll be our look out sa malayo para kitang kita mo ang lahat ng galaw ng taong na sa paligid nya." dagdag ni Agent Dark.

"Copy." sagot ko.

"Mananatili ang iba sa kani-kanilang posisyon. Lalo na ang pag-babantay sa pagkain at alak na ibinibigay sa mga bisita." ani naman ni Chyska.

Isinuot ko ang aking heels at muling nag-lakad ngunit napa-pikit ako saglit at kumuyom ang kamay dahil naramdaman ko ang paghapdi ng aking paa. Binalewala ko ang sakit na nararamdaman at mas piniling bumalik kahit na masama parin ang loob sa nangyari kanina.

Nang dumating ako ay damang-dama ko na ang lakas ng musika at ang ilaw ay iba-iba na ang kulay. Maraming sumasayaw sa gitna at sumasabay ang katawan sa masigla at nakaka-binging musika.

Chamber of SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon