Dedicated to Araxxie. Enjoy!
Chapter 18
Assume
Three weeks na ang nakakalipas pero walang bago sa bawat araw ko. Halos lumuhod na ako at dadasal sa iba't ibang santo dahil gusto ko talagang ilayo kami ni Liam ng landas.
Pero habang patagal ng patagal ay mas dumidikit lamang sya. Kabaliktaran sa mga dasal at hinihiling ko.
"Yes, I'll be here tomorrow." halata sa boses nya na nilakasan nya ang pagkakasabi non para marinig ko. Napairap ako sa hangin habang nakatuon ang atensyon sa aking laptop.
Nandito na naman sya sa faculty room kasulukuyang kinakusap si Vina na tuwang-tuwa naman sa mga kung ano anong pinag-sasabi nya.
He really likes playing with girls. I couldn't stop myself not to hate him even more. I hate his presence, I really hate all of him. Basta tungkol kay Liam Llavore ay kinaiinisan ko na ngayon.
"Good bye," pakinig kong sabi nito kaya bahagya ko syang tinignan.
Humigpit ang hawak ko sa aking mouse bago umiwas ng tingin dahil nakatingin sya sa akin habang binabanggit ang mga katagang 'yon.
He's talking to Vina and they are obviously talking to each other but why he's staring at me while saying those words? Bakit tila sa akin sya nagpapaalam at hindi kay Vina na kausap nya?
Narinig ko na lamang ang pag-bukas at pag-sara ng pinto bago ako tumingin doon. Ano 'yon? Iniling ko na lamang.
"Uy, Vina!" sigaw nang mga kasama ko pang guro dito.
"Nililigawan ka nya?"
"Masyado kayong close ni Mr. Llavore."
"Lagi pa kayong magka-usap, nililigawan ka nya nuh?" sunod sunod ang tili at asaran ng mga kapwa kong guro kay Vina na halatang kinikilig.
Sa makapal nyang eye glasses at sa maputi nitong balat kita ko kung paano sya unti-unting namula habang pigil ang ngiti.
Poor girl, I hope she's not one of Liam's toys. Inosente pa naman itong si Vina, halatang walang experience sa kung anong tinatawag nilang 'love', hindi nya yata alam na babaero itong si Llavore.
Habang nag-aasaran sila sa loob ay lumabas na ako dahil nagugutom ako, pupunta na lamang ako sa paborito kong tambayan. Dala ko ang burger at isang orange juice na nabili ko.
Naigagalaw ko lamang ang panga ko dahil dama ko ang taong sumusunod sa likod ko.
"Looks like I have a dog now," bulong ko.
Marami kaming nadadaanan na estudyante kaya halos lahat ito ay tumitingin sa akin at tatagos sa likod ko sabay laglag ang mga panga.
"Arf arf... Woof woof," umasim ang mukha ko sa narinig ko. Then I heard him laugh.
Napaubo sya dahil pigil nya ang kanyang pag-tawa sa panggagaya sa boses ng aso. What the fuck, nakakahiya sya.
"You really have a good taste for dogs, ang gwapo ng aso mo." ngayon ay lakas loob na syang pumantay sa akin at sinabayan na ako sa pag-lalakad.
"I hate dogs." sabat ko sa kanya.
"No, you don't. You already have one," he teased me.
"So, you really admit that you're a dog?" I raised my brows but not giving him any look.
"If you're my master then I wouldn't mind to be a dog." taas noo pa nyang sagot sa tabi ko.
"I don't like to be your master."
BINABASA MO ANG
Chamber of Secrets
ActionStarted: April 21, 2022 Ended: June 23, 2023 Frexie Alicame is a college teacher, but behind her licensed profession, there's a secret that she keeps. She's a member of the RavenClaw Agency, where agents live--highly trained agents and powerful ladi...