Chapter 2

31 5 2
                                    

Dedicated to Ryliececille12. Enjoy!

Chapter 2

Forgive

"Diba naki-alam ka sa kanila? Sana hindi mo nalang ginawa, baka kasi isinumbong ka talaga tapos mapapagalitan ka." pinapaulit-ulit sa akin ni Vina ang tungkol sa nangyari kahapon.

Paulit-ulit ko rin syang hindi sinasagot at hindi pinapansin ngunit sa pangungulit nya ay hindi ko na matiis ang sarili kong huwag sumagot.

"May karapatan akong mangialam dahil guro ako dito." sagot ko.

I heard her sigh and I know she has something to say again but she stop and sigh again. I look at her, agad syang ngumiti sa akin at inayos ang salamin na suot. Nakatayo lamang sya sa tabi ko, iniistorbo ako.

"Nag-aalala lang ako sayo, baka kasi mapano ka." nag-aalala nyang sabi.

"'Wag kang mag-alala sakin, kaya ko ang sarili ko." pilit syang ngumiti sa harapan ko bago umalis at bumalik sa lamesa nya.

Sinuot ko ang anti-radiation na salamin ko at nag-umpisang mag-tipa sa aking laptop. Gumagawa ako ngayon ng power point para sa susunod kung klase.

Inuumpisahan ko na agad ngayon para magaan na lamang ang gawain ko bukas. Hindi pa ako umuwi dahil mas pinili kong gawin na lamang ang trabaho ko dito sa school.

"Frexie, mauuna na akong umuwi." paalam ni Vina sa akin na tinanguan ko lamang at agad na bumalik sa aking ginagawa.

Dahil sa pang-iistorbo nya sa akin kanina ay hindi ko agad natapos itong ginagawa ko. Sana ay nakauwi narin ako ngayon kung maaga ko itong natapos.

I take a deep sigh and stretch my arms. Nakaramdam ako ng pagod kaya ipinahinga ko muna ang kamay ko at uminom ng tubig.

Dahil umalis na si Vina ako nalang ang natitira ngayon sa faculty room. Habang nag-papahinga pa ako saglit napansin ko ang pagdaan ng isang tao sa labas ng pinto.Binalewala ko iyon dahil baka estudyante lang o baka napadaan.

Tumigil ako ulit sa pag-titipa at humigop na muna ng kape na tinimpla ko at bahagyang tinitignan ang lalaking dumadaan na naman sa labas ng silid.

Sa maliit na kahong salamin sa pinto ay nakikita ko syang dumadaan kaya pansin na pansin ko ang presensya nya dahil tahimik ang buong paligid ko at madali ko syang mapansin.

Kumunot na ang noo ko dahil tila madalas na ang pabalik-balik nyang pagdaan sa labas. Hindi ko alam kung sino at kung ano ang ginagawa nya pero ito'y kahina-hinala.

Nakiramdam pa ako saglit, at nang makaramdam na ako ng kakaiba at  nakumpirma kong nagpapapansin sya sa akin ay halos pabagsak kong nilapag ang tasa ng kape at tumayo. Nag-martsa ako palabas at sa pag-bukas ko ng pinto ay wala ang lalaki.

Inikot ko ang tingin ko, sinuri ang buong paligid ngunit wala na sya. Hindi pwedeng guni-guni lamang iyon o multo. Ilang beses ko syang nakita.

Lumingon ako sa kaliwa at nanlaki ang mata ko nang makita ang lalaking naka-tayo sa 'di kalayuan. Itim na jacket ang suot nya, may facemask at itim na sumbrero rin.

Nanliit ang mata ko dahil pinagtitigan ko sya ng mabuti, ngunit kumpirmado na hindi ko sya kilala. Ano kaya ang pakay nito sa akin?

Humakbang ako para makalapit sa kanya, hindi sya gumalaw sa kanyang pwesto. Ako lamang ang taong narito sa building ngayon at ang lalaking kaharap ko ngayon.

Hindi sya umalis sa kinatatayuan nya, pakiramdam ko hinihintay nya akong lumapit sa kanya.

Dalawang hakbang nalang ay malapit na ako sa kanya ngunit bigla syang gumalaw at tumalikod, akmang tatakbo ngunit naging mas alisto ako.

Chamber of SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon