Chapter 15

6 1 0
                                    

Dedicated to frhghdzhhh. Enjoy!


Chapter 15


Chasing


Pinsan ni Niko Fontales ang tumayo at matalim ang titig sa akin ngunit nang titigan ko naman ay umiiwas at patuloy ang pag-nguya ng bubble gum nya.

After  my discussion I give them an activity, essay. Kasulukuyan akong nagbabantay at nanunuod sa bawat galaw nila. Lahat naman ay gumagawa. Pero may mga bunganga talagang hindi natatahimik kahit na oras ng klase at may activity na binigay ang guro.

"Balita ko nga babalik na sya." pakinig ko na bulungan ng mga estudyante ko habang hinihintay kong matapos ang essay na pinagawa ko sa kanila.

I'm teaching a batch of law students now. Napabuga ako ng hininga habang pinapakiramdaman lamang ang mga estudyante ko. Tahimik at tanging titig lamang ang ipinupukol ko sa kanila.

"Balita ko, one of our professor punch him. Hindi ko lang talaga kilala kung sino." patuloy ang bulungan ng dalawang babae kahit na nasa harapan ko lamang naka-upo.

"And chismis pa lang naman iyon, not really detailed. Tapos ay hindi talaga sigurado kung isang professor nga ang nanakit sa kanya." dagdag pa nito at mas inayos ang upo upang maka-harap ang kausap nya.

Hindi nila napapansin ang paninitig na ginagawa ko. Ganito na talaga kamanhid ang mga kabataan ngayon. Kahit bigyan ko pa ng malalim at matalim na titig ay binabalewala na.

"Mabuti nga at gumaling sya agad, matindi daw kasi ang pagkaka-bugbog sa kanya. Parang nawalan na ng awa sa katawan." marahan ko nalang tinatapik ang kamay ko sa ibabaw ng lamesa. Pinagpapatuloy ang nakakabagot na pakikinig sa usapan ng dalawa.

"Well, kung sino man ang sumuntok sa kanya I think he deserves it. Niloko nya kaya ako, dapat lang sa kanya 'yun. Karma." nakita kong umirap ang babae.

Ayoko na sana makisali o maistorbo sila sa usapan nila pero ayoko nang maingay sa klase lalo na't may pinapagawa ako sa kanila.

"You two," pag-agaw ko sa kanilang atensyon. Sabay silang tumingin sa akin.

"Are you done?" sinabayan ko ang pag-tatanong ko ng pag-tataas ng kilay.

Hindi sila nagpatalo sa akin dahil tinaasan din nila ako ng kilay.

"Not yet, ma'am." they answered.

"Then pass your paper." kumunot ang noo nila at nagkatinginan pa sa isa't isa bago ako muling tinignan.

I crossed my arms at sumandal na lamang sa aking upuan.

"Hindi pa po kami tapos." ulit ng isa sa kanila kaya naagaw na nila ang atensyon nang ibang estudyante.

"Exactly, so pass your paper." ani ko parin.

Mas domoble ang pagka-kunot ng mga noo nila dahil hindi nila maintindihan ang inuutos ko. Nagbulungan narin ang iba pa nilang kaklase.

"But... Ma'am, we're not yet finish. Besides we still have time to do this task. Bakit mo pinapapasa agad? Hindi pa nga kami tapos." hindi ko alam kung sinusumbatan ba ako ng isang ito o nagpapaliwanag lamang sya?

"I said pass your paper. Ano sa salita ko o sa sinabi ko ang hindi nyo maintindihan?" tinitigan nila ako ng matagal. At kasunod na non ay ang mas malakas na bulungan ng mga kaklase nila.

"Ipasa nyo ang mga papel nyo. Tinagalog ko na, in case you can't understand what I've said since it's english." I raised my brows again and giving them my bad look.

"Worse." I heard her before she stood up and pass her paper.

Hindi nakalagpas sa mga mata ko ang pag-ikot ng eyeballs ng kasama nya pagkatapos ipasa ang papel. Sabay silang bumalik sa kanilang mga upuan kaya agad kong tinignan ang papel nila.

Chamber of SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon