Dedicated to Raxxenraven. Enjoy!
Chapter 26
Girlfriend
Nanlumo ako sa sinabi nya. Gusto kong mag-tanong kung bakit nya 'yun ginagawa. Nakita ko syang natigilan at napahilamos sa kanyang mukha bago nag-martsa pabalik sa akin.
Hinarap nya ako at iritado ang mata nya, tinignan ko sya pero iniiwas nya ang tingin sa akin. Binuksan nya ang pinto ng front seat.
"Sakay, ihahatid na kita." aniya na hindi ako matignan.
"Bakit mo 'to ginagawa?" lakas loob kong pag-tatanong.
Ayoko na sanang mag-tanong pero naguguluhan na ako sa kanya. Hindi ko na maintindihan kung may problema ba kami o kung ano na nga ba kami.
"Pasok na." 'yun ang sabi nya.
"Hindi na kita maintindihan," umiwas narin ako ng tingin.
Narinig ko ang pag-buntong hininga nya at ramdam ko narin ang pagkailang namin sa isa't isa. Kapwa yata kaming may problema dito.
"Pinaalis mo ako," aniya.
"Bakit wala kang paramdam ng dalawang araw?" binalingan ko sya.
Sumasama ang loob ko sa hindi nya pagpaparamdam sa akin. Bigla syang nawala, hindi ko alam pero natakot ako. Natakot ako, natakot sa katotohanan. Maraming katotohanan ang naisip ko.
Katotohanan na pinaglaruan nya ako, iniwan nya na ako, tumigil na sya sa panliligaw at baka ayaw na nya sa akin. Marami pa. Marami pa akong naisip at nasaktan ako, natakot.
Natagalan sya sa pag-sagot sa akin, gumalaw ang kanyang panga at iniwas na naman ang tingin.
"Nag-tampo ako," bulong nya.
"Nag-tampo? Nag-tampo ka ng dalawang araw?" ano na naman ang rason nya para mag-tampo?
"Oo, kulang pa nga ang dalawang araw na pagtatampo ko." nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. Kulang pa ang dalawang araw na hindi sya nag-paramdam? Mas pinili nyang mag-tampo?
"Hanggang ngayon nag-tatampo parin ako, pero dahil gusto parin kita nandito parin ako." para syang bata na nag-tatampo nga sa harapan ko.
"Ang sabi ko naman mag-uusap tayo ulit." sabi ko mag-uusap pa kami nang araw na iyon pero hindi na sya nagpakita sa akin.
"Nag-tatampo nga ako, paano kita kakausapin ulit?" nakagat ko ang labi ko sa sinabi nya.
Nagpigil ako ng tawa sa inaakto nya sa harapan ko ngayon.
"Nag-tatampo ka parin ngayon kahit nag-uusap na tayo?" ngayon ay hindi na napigilan ng labi ko ang huwag ngumiti.
Ginalaw nya ang kanyang panga at nakita ko syang lumunok, napahawak sa kanyang batok at pinipigilan na huwag ngumiti.
"Tigilan mo ako, hindi pwede 'yan." aniya.
"Ang alin ang hindi pwede?" tanong ko.
"Hindi mo ba ako namiss?" bigla kong tanong na ikinagulat nya.
Kahit ako ay nagulat sa tanong ko. Parang hindi ako ang nag-tanong. Napahawak ako sa aking labi at kinabahan, mali yata ang tanong ko. Hindi sya naka-imik at ganon din ako.
Ano ito? Bakit ko 'yon natanong? Napalunok nalang ako at umiwas ng tingin.
"Oh com'on, baby." nagulat ang buong sistema ko nang yakapin nang kanyang braso ang beywang ko.

BINABASA MO ANG
Chamber of Secrets
БоєвикиStarted: April 21, 2022 Ended: June 23, 2023 Frexie Alicame is a college teacher, but behind her licensed profession, there's a secret that she keeps. She's a member of the RavenClaw Agency, where agents live--highly trained agents and powerful ladi...