Chapter 22

5 2 0
                                        

Dedicated to ALadyUnderTheMoon. Enjoy!

Chapter 22

War

Hindi sya nagpakita ng buong weekdays sa akin pero hindi sya pumalya sa pagpapadala ng bulaklak at pag-tambak ng messages sa akin.

Oras oras nya akong kinakamusta at nag-uupdate sya. Even he's not here and we're not seeing each other he still give updates, he still give time to me even though he's busy.

Ang sabi nya ay may inaasikaso sya sa kompanya nila, may mga meetings din sya. Hindi din naman nya kasi obligasyon na pumunta lagi dito sa school kahit na sya at ang pamilya nya ang nagpapagawa ng isa pang building sa university. Pupunta lang sya dito kapag kailangan nya nang icheck ang ginagawang building.

"May bulaklak na naman para sayo, walang nakasulat kung galing kanino. Paano mo malalaman kung sino ang nagpapadala sayo?" umarko pataas ang kilay ni Ms. Villar sa harapan ko.

Lahat na nandito sa faculty ang nag-tataka na sa taong nagpapadala sa akin ng mga bulaklak. Halos iba't ibang klaseng bulaklak ang napadala sa akin.

Lunes ay rosas, noong martes ay white roses, miyerkules sunflowers, webes ay tulips, byernes ay mga daisies naman ang ipinadala nya sa akin.

"Mukhang lahat ng bulaklak sa mundo ay ipapadala nya sayo," biro ni Sir David.

"Iba ibang bulaklak ang pinapadala sayo, may mga meaning ba 'yan?" tanong ni Vina sa akin na hindi ko din masagot.

Hindi ko nga alam kung bakit iba ibang bulaklak ang pinapadala sa akin ni Liam. Hindi ako mahilig sa mga bulaklak pero nang bigyan nya ako ay nagugustuhan ko na.

I am not a fan of sweet things, flowers, and sweet efforts from a guy. But when Liam Llavore give me different kinds of flowers everyday, I can't deny that I felt special.

Itinapat ko sa ilong ko ang bulaklak at napapikit na lamang ako bago umupo.

"Nakikita na kitang ngumingiti," nilingon ko si Vina dahil nag-salita sya.

Nakangiti? Hindi naman ako ngumiti. Nabaling nalang bigla ang mata ko sa maliit na salamin na nasa lamesa ko at nakita ko ang labi kong bumabakas ang kaunting ngiti.

"Halatang gusto mo ng mga bulaklak, masaya akong napapangiti ka ng mga bulaklak na 'yan." mas lumawak ang ngiti ni Vina sa akin.

Nahawakan ko ang labi ko dahil hindi ako makapaniwala na ngumiti ako habang inaamoy ang mga bulaklak. Bakit hindi ko namamalayan na ngumingiti ako? Bakit hindi ko naiisip na masaya ako?

I smiled because of the flowers----because of him. Nakaramdam ako ng kaba kaya agad kong nilapag ang mga bulaklak sa lamesa at tinumba ang salamin upang hindi ko na muna makita ang repleksyon ko.

Ayoko na munang mag-isip ng kung anu-ano. Mas mabuting balewalain ko na muna ito, kailangan ko mag-trabaho.

"Oo, balita ko babalik na talaga sya. Hindi na ito chismis lang." naririnig ko ang usapan ng mga estudyante ko.

Hindi sila tumigil sa usapan nila dahil hindi nila namalayan na pumasok na ako sa classroom.

"Grabe naman ang pagpapahinga nya, akalain mo namang na-endured talaga ng sobra."

"Baka na-coma dahil sa bugbog," malakas na tumawa ang kalahati ng estudyante ko dahil sa usapan nila.

"Good morning," lahat ay lumingon sa pinto ng classroom.

Agad natahimik ang lahat, nakaramdam ako ng inis nang makita ulit sya. Hindi ko alam kung na-drop na ba itong taong ito dahil sa tagal nyang nawala. Hindi na nga sya nakapag-midterms, hindi ko alam kung ano ang ginawa nya o gagawin nya ngayon dahil bagsak sya sa subject ko.

Chamber of SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon