Dedicated to kublihanan. Enjoy!
Chapter 1
Hopeless
Itinali ko ang aking mahabang buhok na hanggang bewang ko. Bagsak na bagsak ito at sobrang itim na tila kumikintab pa dahil sa pagiging malusog nito.
Inayos ko ang aking leggings na suot at nag stretching sa harap ng malaking salamin sa gym area ng bahay.
Nirerelax ko ang aking sarili ngunit patuloy akong ginugulo ng aking mga iniisip, gustuhin ko mang iwasan ang mga iniisip ko ngunit hindi ko magawa.
Gusto ko na lamang ilabas ang galit ko. Gusto ko na namang magalit at makaramdam ng sakit ang buong katawan ko, para kahit sa ganon na paraan mapapagod ako. Kapag napagod ako, matutulog ako. Kapag natulog ako pansamantala akong makakalimot at makakapag-pahinga.
Napa side view ako sa harap ng salamin at napatingin sa aking dibdib, tumaas ang kilay ko nang makita kong tumaas ang sports bra na suot ko ngayon kaya inayos ko ito.
Hinampas hampas ko ang aking binti at hinga ng malalim sabay buga ng hangin bago lumapit sa isang punching bag. Tinitigan ko ito ng saglit at inisip na isa itong kalaban na kailangan kong pagbuntungan ng galit. Isang kalaban na nais kong patumbahin at saktan.
"Ahhh!" malakas kong sigaw at pumakawala ng malakas na suntok.
Sa lakas ng aking suntok ay malakas itong gumawa ng ingay sa buong silid. Gumagalaw na ang punching bag kaya patuloy ako sa suntok, umiiwas ako at umaatras sabay sipa.
Hindi ako tumitigil, suntok, sipa at sigaw upang mailabas ang mabibigat na pakiramdam.
"Kailangan nyong mamatay." a voice echoed through my ears.
I remember every scene that time. Tandang-tanda ko kung paano nila ginawa ang napakasakit na bagay na nag-bigay sa akin ng dilim. Namumukhaan ko sila, alam na alam ko ang boses nila.
Punch, kick, throw and broke some things. There's a knife and guns. Rinig ko ang pagmamakaawa, lubos na iyak at takot na takot na boses. Dinig ko ang kalabog at ang mga nababasag na kagamitan. Dinig ko ang aking sariling umiiyak sa loob ng masikip, mainit at madilim na para sa akin ay isang kulungan.
Kulungan na tinatago ako, isang kulungan na walang makakakita sa akin at makakarinig. Kulungan na itatago sa akin ang iilang sekreto.
I saw their dead bodies, naliligo nalang sila sa kanilang sariling dugo. It was heartbreaking when you saw your parents laying down and showered with their bloods, their bodies been tortured.
Katawan nilang tila ginawang hayop dahil sa madugong pag-patay sa kanila. Hindi sila nawala sakin sa normal na paraan, kinuha sila sa akin gamit ang dahas at pagpatay sa kanila ng mga demonyong nabubuhay sa mundong 'to.
"Frexie, I know you're tired. Dapat ay nagpapahinga ka." I stopped when I heard her voice.
Hinihingal ako ngunit nanatili akong naka-harap sa punching bag. Pinapakiramdaman ko ang taong nasa likod ko ngayon.
"May trabaho ka pa bukas. Magugulat ang mga students mo kapag makita ka nilang pagod at walang gana sa pagtuturo." aniya sa akin.
"I'm not tired." diretso kong sagot sa kanya.
"You're mad, again?" she asked.
"I'm always mad." mabilis kong sagot at mas diniinan ang kamao kong naka-kuyom at gusto na namang sumuntok.
"Hija, try to be happy. Smile. You're still living in this world. Many things can make you happy, choose to be happy." pagbibigay nya ng advice sa akin.

BINABASA MO ANG
Chamber of Secrets
AksiyonStarted: April 21, 2022 Ended: June 23, 2023 Frexie Alicame is a college teacher, but behind her licensed profession, there's a secret that she keeps. She's a member of the RavenClaw Agency, where agents live--highly trained agents and powerful ladi...