Chapter 19

9 2 0
                                        

Dedicated to ItsmeSisaaaaa. Enjoy!

Chapter 19

Plans

Hindi mawala-wala sa isip ko ang nangyari, mas nainis ako sa araw na ito. Sumakit ang ulo ko sa mga iniisip. Pinapasakit nang lalaking iyon ang ulo ko!

"Good morning, ma'am." bati ng mga estudyante sa akin pero hindi ko pinansin.

Halos maitapon ko ang gamit ko sa inis, ang mga kasama ko sa faculty ay nililingon na ako at alam kong naguguluhan o nagugulat sa kinikilos ko.

Habang nag-aayos ng gamit ay pumasok sila Vina na sobrang saya.

"I can't believe it! He really likes you!" tiling sabi ni Ma'am Villanueva.

"Agree! Kinindatan ka pa nya!" halos sigaw din at may halong kilig na sabi ni Sir Buena na isang member ng LGBTQ+.

"Ayokong mag-assume, ma'am and sir." nahihiyang ngumiti si Vina.

Nanatili ang titig ko sa kanila habang patuloy naman ang pag-uusap. Hindi ko maiwasan na huwag mas mainis. Inis dahil nag-assume ako na ako ang kinindatan at kinawayan nya.

I hate that! I hate that I assumed! Parang tanga akong nakatayo doon at inakalang ako---ako ang tinititigan nya. It hurt my ego. Napahiya ako kahit ako lang ang nakakaalam sa kahihiyan na iyon.

Umiwas ako ng tingin at nagpatuloy sa aking pag-aayos at mabilis na lumabas ng faculty at didiretso sa unang klase ko.

Habang nag-lalakad ay napapa-ubo ako at panay singhot ng aking sipon. Iniiling ko ang pag-kirot ng aking ulo. Uminom na ako ng gamot kaya mawawala din ito maya-maya.

"Good morning, class." I greeted them.

"Good morning, ma'am." I started my class, masyado pang maaga ang pag-pasok ko sa unang klase dahil 7:30 palang ay nag-turo na ako kahit ang schedule ay 8:00 AM. 

Lahat ng estudyante ko ay nagulat sa akin at ang iba ay nagbubulungan ngunit wala akong pakialam, ayokong manatili sa faculty office at mas ayokong manatili sa labas.

Nag-turo ako na parang wala akong dinaramdam, ngunit sa bawat pag-tigil ko sa pagsasalita ay umuubo ako. Pinapatay ko ang aircon sa classroom dahil nilalamig ako.

"Ma'am, are you okay?" tanong sa akin ng isa kong estudyante na tinanguan ko lamang.

"Namumutla ka po," ani naman ng isa.

"Ma'am, baka masama po pakiramdam mo." tanging iling ang naisasagot ko sa kanila at matindi na ang hawak sa lamesa dahil nanghihina na ang tuhod ko.

Mukhang may lagnat ako. I bit my lower lip and choose to continue my discussion.

"Listen, class. We will be having a reporting next week." panimula ko.

"I'll give the topics, this is a individual reporting," dagdag ko pa.

Kalahati sa klase ang napanganga at tila nawalan na naman ng gana dahil sa reporting na ibibigay ko sa kanila.

Nang matapos ako sa unang klase ay bumalik ako sa faculty at hindi pa naman ako pumapasok sa loob ay naramdaman ko na ang taong nasa likod ko.

Mabilis nito akong nilagpasan at binuksan ang pinto na ikinagulat ko pa. Tinignan ko sya.

Diretso ang pag-pasok nya sa loob ngunit hindi naman hinayaan na sumara ang pinto dahil nanatili itong bukas. Hindi naman ako pumasok, hinihintay kong sumara para hindi kami mag-sabay.

"Don't be a statue there," aniya.

Umiwas ako ng tingin at hindi sya sinagot, hindi parin ako pumasok. 

Chamber of SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon