Chapter 25

4 1 0
                                        

Dedicated to Greenityy. Enjoy

Chapter 25



Invitation



Nanatili kaming magkatitigan hanggang sa may boses na nang-istorbo sa amin.

"Wala naman kayong mapapala sa titigan nyo, what if you both kiss instead of staring each other?" ani nito kaya nilingon namin sya ni Liam.

Sabay kaming napatayo ng maayos nang makita namin si Niko na may ngisi sa labi at iritado na naman ang mukha.

"May pasok ka, nag-cutting ka na naman?" saglit kong tinignan si Liam na masama narin ang tingin sa pinsan.

"Who cares? I can do whatever I want." maangas nitong sagot.

"Alis na ako," bulong ko sa tabi ni Liam.

Hindi nya ako sinagot dahil mukhang ayaw nya akong paalisin.

Iiwasan kong makinig sa usapan nila. Ayokong makisali sa gulo nilang dalawa, kung meron man. Pinalagpas ko na ang mga naunang narinig ko sa usapan nila, hindi na ako nag-tanong tungkol doon kahit na gustong-gusto ko ring mag tanong at mangialam. Naiintriga ako kaya gusto ko nalang umiwas.

"Why are you here?" tanong ni Liam.

"Kasi nandito ako," pabalang nitong sagot.

"Leave, Niko." matigas na utos ni Liam na tinawanan nya.

"Potangina, inuutusan ako."

Hindi ko na gusto ang sagutan nila sa harap ko. Akmang hahakbang na ako para maka-alis ay bigla akong hinarang ni Niko.

"Mag-uusap tayo, about sa activity na ibinigay mo." sabi nito.

"Sige, mag-usap kayo pero dito sa tabi ko." agaran na sabi ni Liam.

Sya na ang nag-desisyon para sa akin.

"This is a private matter, you should leave us alone, Liam." halos ipikit ko ang mata ko dahil sa sinasabi ni Niko.

Bakit ba nag-aaway itong dalawang ito? A Fontales vs.  Fontales. Dinadamay pa nila ako sa away nila, pinapagitnaan nila akong dalawa. Hindi manlang ako maka-alis dito dahil ayaw nilang dalawa.

"Com'on, ma'am. Sabihan mo nga itong pinsan ko na umalis dahil mag-uusap tayo." baling ni Niko sa akin na pinaningkitan ko ng mata.

"Mr. Llavore, please leave us alone. Mag-uusap lang kami." agad ko namang binalingan si Liam na agad nagulat sa sinabi ko.

Nagpabalik-balik ang tingin nya sa akin at kay Niko. Gulat at agad na nagpakita ng inis.

"No." ani nito at tumingin sa ibang direksyon, iritado.

"Sya ang paalisin mo, dahil tayo ang nag-uusap dito." dagdag nito na halos ngisian ko.

"He's my student, sabi nya ay may importante syang sasabihin sa akin." pagkukumbinse ko sa kanya.

"Hindi mo naman ako kailangan paalisin, dito lang ako." pagmamatigas nito at tumagos ang tingin kay Niko.

"Estudyante mo lang 'yan, ako ang manliligaw mo." ang huling salita ay halos ibulong nya na.

Nakagat ko ang aking labi dahil pareho namang matigas ang ulo ng mga Fontales na narito. Hindi mapag-sabihan.

"Niko, sabihin mo nalang ang sasabihin mo." baling ko naman sa kanya.

Umirap ito sa hangin at napabuntong hininga. Halatang magmamatigas din naman.

"Hindi ako mag-sasalita hanggat hindi mo sya pinapaalis. I told you, this is a important matter. So, I want us...alone." sa huling salita ay binigyan nya ng makahulugang tingin si Liam.

Chamber of SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon