Dedicated to creysdeynnn. Enjoy!
Chapter 34
Marriage
Pumunta ako sa isang coffee shop kung saan makikipag-kita sa akin si Mrs. Llavore. That was a sudden call from her, and yet I still don't know what is this all about.
Bigla ko nalang din pinaunlakan ang gusto nyang mangyaring pag-uusap dahil gusto ko ring tumakbo sa pag-uusap namin ni mama.
Hindi ko kaya ang mga sinasabi ni mama sa akin. Nalito ako kung bakit ayaw nya kay Liam, at bakit gusto nya agad na hiwalayan ko ang lalaking mahal ko.
"I really hate you." tinignan ko ang mama ni Liam na nasa harapan ko ngayon.
Inirapan nya ako at uminom ng kape nya.
"Para saan ba ang pag-uusap natin, ma'am?" I tried to hold myself.
Gusto kong maging pormal at mag-bigay galang sa kanya kahit binabastos nya ako. Nanay parin sya ni Liam.
"Magiging diretso na ako, ayoko nang magpaligoy-ligoy pa."
"Hiwalayan mo na ang anak ko, hindi kayo bagay. Hindi talaga kita gusto para sa anak ko." umayos sya ng upo at mas hinarap ako.
"Babayaran kita, hiwalayan mo lang ang anak ko. Magkano ba ang gusto mo?" umuwang ang labi ko nang tanungin nya ako.
"Babayaran mo ako para hiwalayam lang si Liam?"
"You're not deaf right? So you hear it correctly and clear." she said. I bite my lip.
"You're so cheap, ma'am." diretso kong sabi kaya agad nag-salubong ang kilay nya.
"Sayo na ang pera mo pero hindi ako makikipag-hiwalay sa anak mo. Hindi ko parin malaman ang rason kung bakit ayaw mo ako para sa kanya, bakit galit na galit ka sa akin?" nagdududa parin ako sa pag-trato nya sa akin.
Pakiramdam ko ay malalim ang galit nya sa akin.
Huminga sya ng malalim.
"You want to know huh?" she chuckled.
"I hate your mother, father and of course you. I really despise your family. Ayoko ng isang Alicame para sa anak ko." umiwas sya ng tingin at halatang hindi nya gusto ang pag-bukas ng usapan.
"Bakit? Paano mo nakilala ang mga magulang ko?" tanong ko.
"Your mother is a great flirt, Frexie. Kahit patay na sya hinding-hindi ko sya mapapatawad." I sense her anger.
"She almost kill my brother and my cousin." nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa sinabi nya.
"Hindi nya lang maakit ay tinangka nya nang patayin."
"Maswerte na nga sya at binigyan sya ng pagkakataon na makatrabaho sa kompanya namin. My family helped her, pero anong ginawa ng nanay mo?"
"Tinangka nyang patayin ang kapatid at pinsan ko." hindi ko kayang paniwalaan ang mga sinasabi ni Mrs. Llavore.
Hindi mamamatay tao si mama. Hindi ganon ang nanay ko.
"Kaya ayaw na ayaw ko sayo dahil anak ka nya. Sinira nya noon ang malinis na pangalan ng pamilya ko. She and your father ruined everything!" lumakas ang boses nya at nahampas pa ang palad sa lamesa.
Hindi ako kumurap dahil pinagtitigan ko sya. Alam kong magagawa lang ni mama ang ganong klaseng bagay kung naagrabyado sya.
Kahit maikling oras lang ang pagsasama namin noon may mga bagay na akong nalaman sa kanya at mga itinuro nya sa akin.

BINABASA MO ANG
Chamber of Secrets
ActionStarted: April 21, 2022 Ended: June 23, 2023 Frexie Alicame is a college teacher, but behind her licensed profession, there's a secret that she keeps. She's a member of the RavenClaw Agency, where agents live--highly trained agents and powerful ladi...