Chapter 30

8 2 4
                                    

Dedicated to Dimples_Star. Enjoy!

Chapter 30

Break up

"Oo, sinundo nya ako kagabi tapos hinatid nya rin ako ngayong umaga." boses ni Vina ang narinig ko sa pag-pasok ko palang sa faculty office.

"Talaga? Yieee, kayo ah nag-dedate na kayo." malakas na tilian ang bumalot sa faculty office.

"Nanliligaw na talaga sayo si Liam? For real?" pagkarinig ko non kay Sir David ay agad akong lumingon sa kanila.

"Siguro? Nag-effort kasi syang sunduin ako kagabi at ihatid ako ngayong umaga dito sa university." sagot ni Vina.

"May girlfriend na si Liam," biglaang sagot ko kaya tinignan nila akong lahat.

Kumunot ang mga noo nila dahil sa sinabi ko at tinignan si Vina na nalilito rin.

"Talaga? Paano mo nalaman?" agad na tanong ni Sir David sa akin.

"Narinig ko lang, atsaka hindi naman malabo sa kanya na magkaroon ng girlfriend." sagot ko at dumiretso na sa lamesa ko at umupo na.

"Sabi nya sa akin wala pa syang girlfriend," ramdam ko ang pilit sa tono ni Vina kaya tinignan ko sya ulit.

"Baka nag-sinungaling sya," sagot ko nang hindi sya tinitignan.

"Frexie, 'wag kang gagawa ng kwento." mabilis na umirap ang mata ko nang marinig ang sinabi ni Mrs. Bulza.

"Minsan lang ako makipag-usap sa inyo kaya bakit pa ako gagawa ng kwento?" mabilis kong sagot at pinagtitigan sila.

Kung noon na pinagpapantasyahan pa ni Vina si Liam na gusto sya nito pero nanliligaw na sa akin si Liam. Ngayon naman ay iniisip nyang nanliligaw si Liam sa kanya, paano kaya kung sabihin kong ako ang girlfriend ni Liam? Paano kung malaman nyang boyfriend ko si Liam Llavore?

"Frexie, kilala ko si Liam. Makaibigan kami at lagi kaming magkasama." ngumuso pa ang pula nyang labi.

Paano sila laging magkasama e nakabuntot lagi sa akin si Liam kapag hindi ito busy sa kompanya nya.

"Nagkita pa nga kami nang gabing kakabalik nya lang dito sa manila galing cebu, then we have a date." ngumiti si Vina nang masabi nya iyon sa akin.

Hindi ako naka-sagot sa kanya dahil nag-isip na ako, nakipag-kita sa kanya si Liam nang gabing iyon? Pero pumunta sya sa bahay at doon pa natulog imposible namang nakipag-date pa sa kanya ang boyfriend ko?

"Oh ano, Frexie? Ayaw mong maniwala na nililigawan sya ni Liam?" mataray na tanong ni Mrs. Villar sa akin.

Hindi na ako sumagot, binalingan ko ang tambak na papel sa aking lamesa. Inismiran nila ako dahil sa ginawa ko.

Alam kong mainit ang ulo ko ngayong araw dahil sa mga problema ko, kaya ko pa nagawang sumagot sa kapwa ko mga guro dahil boyfriend ko pa ang pinag-uusapan nila at bakit naman sinasabi ni Vina na nag-date sila ni Liam? Maling hangin yata ang sinisinghot ng ilong at utak nya.

Ang mga tanong na nasa utak ko ay mas nadagdagan pa dahil sa narinig ko tungkol kay Liam at Vina. Pero imposible iyon, nandoon sa bahay ko si Liam at alam kong hindi kayang gawin ni Liam ang makipag-date sa ibang babae lalo na't may girlfriend sya.

Knowing him? He's really a gentleman and loyal type of man. I am trusting Liam. Mag-sasabi 'yan sa akin at mag-uupdate sa mga ginagawa nya, ultimo sa mga nakakasama nya.

Baka gumagawa lang ng kweto si Vina para may masabi na nililigawan nga sya ni Liam. At ngayong umaga ay hindi ako nasundo ni Liam at naihatid dito dahil maaga syang nasa trabaho. Ang labo naman kung uunahin nya pa si Vina na ihatid dito sa university?

Chamber of SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon