Chapter 8

6 1 1
                                    

Dedicated to jzzlvy. Enjoy!

Chapter 8

Pretty

"Wait!" hindi pa man ako nakakatawid ay nahawakan nya na naman ako.

Tinitigan ko sya at walang kahit na anong salita ang lumabas sa aking labi. Binibigyan ko sya ng oras upang masabi ang gusto nya pang sabihin sa akin.

"You look familiar," tumingin sya sa aking labi na tila ba may iniisip. Kumunot ang noo ko sa ginagawa nya habang nanatili naman ang kanyang kamay sa aking braso.

"You're that girl in the airport?" hindi nya siguradong sabi. Hindi parin ako sumagot ngunit binawi ko ang aking braso, nanatili ang kanyang kamay sa pwesto nito.

"Here." inabot nya sa akin ang isang band aid. Pinagtitigan ko ito.

"Papa, buy me another band aid like that ha. I got new wound again." nakita ko ang pag-nguso nang bata sa kanya.

Nakita ko rin ang sugat sa braso nito at isang sugat sa tuhod. Mukhang nadapa ito bago pa mangyari ang muntik na pagsagasa sa kanya.

"I don't need that, kailangan 'yan nang anak mo." seryoso ko lamang na sabi bago tuluyang lumayo sa kanila.

Hindi na ako bumalik sa sasakyan ni Lady Sy. Pumara na lamang ako ng  taxi at sumakay. Maraming tao ang makakakita sa akin at sa kanya, alam kong hindi man nila kami kilala ngunit mas gusto kong mag-ingat.

Dumating ako sa bahay at doon ko nadatnan sa sala si mama na nagbabasa ng magazine.

"Hindi na masyadong malamig ang milktea na binili ko." aniya at tiniklop ang magazine na binabasa nya.

Alam ko naman na alam nya kung ano ang nangyari kung bakit hindi na ako bumalik sa sasakyan. Hindi ko na kailangan na magpaliwanag pa.

"Here, inumin mo na." inabot nya sa akin kaya tinanggap ko na ito. Nakita ko ang mga gamot na naka-handa na.

"I'll give you minutes to finish that, pagkatapos ay gagamutin na kita, anak." tumabingi ang kanyang ulo at ngumiti sa akin, pumikit pa ang kanyang mata dahil sa ginawa nya. 

Hindi ako nag-sasalita at sya naman ay nanatili ang titig sa akin habang patuloy ang pag-higop ko sa milktea at naubos na agad ito. Ngumiti sya.

"You drink so fast, baka mabigla ang tyan mo." aniya.

Hindi ako umiimik habang ginagamot nya na ako, ramdam ko ang hapdi sa paggamot nya ngunit hindi ako nagpapakita ng kahit na anong emosyon o reaksyon sa harapan nya.

Natamo ko ang gasgas sa aking tuhod at siko ngunit madali lang ito takpan ng make up upang walang bakas ng kahit na anong sugat ang aking balat sa event na pupuntahan ko.

Ano na kayang nangyari? Nawalan na ako ng koneksyon sa grupo ko. Naihatid kaya nila si Ms. Lacosta ng ligtas? Gusto ko makibalita ngunit kailangan ko na munang hayaan si mama na gamutin ako.

"Easy, I know what you thinking." nilingon ko si mama.

"You'll get updates once we're finish here. You need to relax, anak." aniya.

"I have mission, ma." natigil sya sa paglalagay ng gamot sa aking sugat at tinitigan ako.

"I know but your members can do the rest of it for today. You already did your job, let others do theirs." napabuntong hininga na lamang ako.

Hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari sa akin. Ngunit mas kailangan ko na munang unahin ang sarili ko dahil bukas at sa susunod pang dalawang araw ay may misyon pa ako.

Chamber of SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon