Chapter 40

5 1 0
                                    

Yahallo! This is the last chapter, thank you for reading!

Dedicated to AndreaMaxima. Enjoy

Chapter 40

Dying



"Help!"

"Please, 'wag!"

Nanghihina pa ako at ang buong katawan ko ay hindi ko na maigalaw. Malakas ang pagkakasalpok sa akin ng sasakyan at tumilapon pa ako, alam ko rin na may sugat ako sa aking ulo dahil matindi na ang pag-kirot nito.

My eyes are tired, tila namamanhid narin ang labi ko. Hindi ako makagalaw.

Tinatanaw ko ang isang kisame sa silid kung nasaan ako ngayon. May naririnig akong ingay pero hindi ko alam kung saan galing.

Wala pa ako sa tamang wisyo para makiramdam dahil kahit ang sarili ko ay hindi ko maramdaman.

What happened?

I'm still alive but I think I'm dying.

"Liam," I remember what I did. I stabbed him.

Nagalit ako sa kanya dahil marami syang sekreto sa akin.

"Niko," mahinang bulong ko.

He kept secrets too. Itinago nya ang lahat ng nalalaman nya, hinayaan nyang masaktan sya dahil sa mga sekretong alam nya. He let himself to suffer just to protect me.

"Lady Sy," napapikit ako.

I almost kill her. Itinago nya sa akin ang katotohanan, inilalayo nya ako sa katotohanan. She meant to protect me but she just kept secrets.

Do I really deserve this?

How many times should I get hurt?

Kaya ko pa bang mag-tiwala pagkatapos nang lahat ng nangyari? Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko at ang pagkakatiwalaan pa lalo na't sirang-sira na ako ngayon.

Kahit ano kayang sirain ng mga sekreto. Gaano pa 'yan ka liit o kahit sa tingin natin hindi naman makaka-apekto sa iba.

Secrets may ruined everything and can destroy a person.

"Kunin nyo na 'yan, ilabas nyo." dahil nakahiga pa ako nakita ko agad ang pumasok at tinitignan ako.

"Gising na pala 'to," aniya at yumuko sabay hila sa akin ng marahas.

Wala pa akong lakas nang kaladkarin nila ako palabas. Puro ilaw ang nakikita ko, masyadong maliwanag kaya nasisilaw pa ako.

Hindi ko maaninag ng maayos ang mga mukha nang mga taong napapaligiran ako dahil nanlalabo pa ang paningin ko.

"Halika dito," narinig ko ang mga tawa nila habang pinaghihila pa ako.

Nang luminaw na ang paningin ko ay nakita ko na sila. Limang lalaki at hindi ko kilala.

Ngumingisi lamang sila sa akin at naramdaman ko nalang ang matinding pag-suntok sa aking tyan. Kasunod no'n ay ang malakas na sampal sa akin. May humawak sa aking buhok at natumba ako nang hilahin nya ako.

Kinaladkad nya lamang ako at tamang aray ang ginagawa ko habang sila ay natutuwa sa ginagawa sa akin.

"Tangina," mura nila at pinagtatadyakan ako.

Who are they? Sino ang nag-uutos sa kanila? Are they mafia's?

Tinanggap ng katawan ko ang mga pananakit nila hangang sa bigla silang tumigil.

"Napatay pa ang kapatid ko dahil sayo! Potangina mo!" dinuraan ako nang isa sa kanila.

Napa-ubo ako dahil sa sakit at matinding paghahampas nila sa akin.

Chamber of SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon