Dedicated to valeriexviii. Enjoy!
Chapter 16
Driver
Pumasok ako sa susunod kong klase at normal na hinarap ang aking mga estudyante na halatang tinatamad sa hapon na ito. May humikab, umirap at tamad na itinaas ang ulo na nakasubsob sa arm chair upang tignan ako.
"Good afternoon," bati ko sa kanila.
"Good afternoon, ma'am." hindi sila sabay sabay tumayo nang batiin din ako dahil ang iba ay nanatiling naka-upo, ang iba naman ay nahuli dahil tamad na tumayo.
Nag-discuss lamang ako at binigyan sila ng assignment, nang marinig ang pag-bigay ko nang assignment ay agad silang nag-ayos ng mga gamit nila. Ang mga babae ay agad na nag-pabango, nag-pulbo at nag lagay ng lip stick sa labi.
Nag-ingay pa sila kahit narito pa ako sa harap. Nakaramdam ako ng inis dahil tila binabalewala na nila agad ang presensya ko kahit narito pa ako.
Malakas kong inihampas ang aking palad sa white board upang makuha ang kanilang atensyon, gumawa ito ng napakalakas na tunog kaya lahat sila ay umayos ng upo at lahat ay nakatingin na sa akin.
"Wala pa akong sinabing pwede na kayong lumabas ng classroom at mag-ingay," seryoso kong sabi.
"I'm still here in front of you, you're already a college student, dapat alam nyo na kung paano magbigay galang sa mga guro nyo. Hindi na kayo mga bata na kailangan pag-sabihan ng paulit-ulit at laging pangaralan, may sarili na kayong utak at alam kong alam nyo na kung paano magbigay ng respeto sa taong dapat ginagalang nyo." mahaba kong sabi at niligpit ang gamit ko.
"Hintayin nyong mag-salita ang guro nyo na tapos na ang klase at kapag naka-labas na ng classroom pwede na rin kayong mag-salita at gawin ang kung ano ang gusto nyo, be matured." tahimik naman silang lahat nang matapos ako sa pag-sasalita at hanggang sa naka-labas.
Lumabas na ako ng classroom ngunit hindi parin sila lumalabas at wala din akong narinig na ingay. Napabuntong hininga ako at nag-patuloy sa aking paglalakad pabalik sa faculty room dahil ito na ang huling klase ko sa hapon na ito.
It's already 5:00 PM, ito lagi ang oras na natatapos ang klase ko maliban na lamang sa araw na byernes dahil ang huling klase ko ay 4:00PM.
Busy sa mga sariling gawain ang ibang mga guro sa kani-kanilang lamesa, ako naman ay dumiretso nalang din sa aking lamesa at inayos ang iilang mga libro at mga papel na kailangan kong checkan.
Binuksan ko na muna ang aking laptop at naki-konek sa wifi ng faculty upang maisend ang mga topics na ibibigay ko sa mga estudyante ko para sa kanilang individual reporting.
I'm busy clicking the mouse na nagbibigay ng ingay. Nang matapos naman na ako sa pagsesend ay agad ko na itong pinatay at isinara ang laptop ko at bigla nalang tumambad ang isang pagmumukha na kinaiinisan ko.
Nandito na naman sya? Ano na naman ang kailangan nito? Tinitigan ko sya ngunit hindi sya sa akin nakatingin dahil si Vina ang kausap nya.
Pangiti-ngiti si Vina habang inilalagay ang takas na buhok nya sa likod ng tenga. Sumasagot ito kay Liam na tanging sa kanya ang tingin, kita ko naman ang pamumula at tila pagkailang ni Vina sa harapan ni Liam.
Nanatili lamang ang titig ko sa kanila na tila nanunuod ako ng isang palabas sa telebisyon. Ngumiti ang labi ni Liam at mas inilapit ang mukha nya kay Vina, ang isa nyang kamay ay nakapatong sa lamesa nito habang ang isa ay nasa bulsa.
Hindi lamang ako ang nanunuod sa dalawa dahil halos lahat ng kasama naming guro na narito sa faculty ay sumusulyap sa dalawa na masinsinang nag-uusap.
"Really?" manghang tanong ni Vina na sinabayan pa ng panlalaki nang kanyang mata.
BINABASA MO ANG
Chamber of Secrets
ActionStarted: April 21, 2022 Ended: June 23, 2023 Frexie Alicame is a college teacher, but behind her licensed profession, there's a secret that she keeps. She's a member of the RavenClaw Agency, where agents live--highly trained agents and powerful ladi...