Chapter 12

7 2 0
                                    

Dedicated to BountyFighter029. Enjoy!

Chapter 12

Talkative


"Liam..." I whispered, nakaramdam ako ng kaba at sinubukang lumapit sa kanila ngunit nagulat ako nang may nagsidatingan pang nga kalalakihan na parehong itim ang mga suot at may takip ang ilong at bibig.

I checked my bullets, alam kong madali lamang silang barilin dahil katana ang mga dala nila. Hindi sila gumagamit ng mga baril, but I have 3 bullets left.

"Agents, there's too many Dragonite Yakuza here! Hindi ako maka-alis sa posisyon ko dahil may back up din sila. There's someone firing us, they use guns---" naputol ang sinasabi ni Agent Dark dahil sa sunod sunod na putok na narinig ko.

Napatingala ako sa matayog na hotel ng resort at nakita ko ang lalaking naka-itim din na merong baril at tumatanaw rito sa ibaba. Ganon din ang mga nasa cabin na agad inalabas ang mga myembro ng yakuza.

What is this? An ambush? Tumaas baba ang aking dibdib ngunit mabilis ko na lamang pinulot ang katana at kahit na alam kong tatlong bala na lamang ang natitira sa baril ko ay sumugod na ako palapit kina Ms. Lacosta.

"Help please! Nabaril si Liam!" halos magmakaawa na sya sa mga guards nya habang yakap si Liam na napapangiwi sa sakit sa kanyang likod.

"I'm okay, kaya ko pa. Give me a gun." utos nya ngunit walang nag-bigay ng baril sa kanya.

"Fuck! I said give me a gun!" sumigaw na sya at mabilis na tumayo bago inagaw ang baril ng isa sa mga guards.

"Liam, tumakas na tayo. Hayaan mo na ang mga guards ang----" pinigilan nya si Ms. Lacosta na mag-salita pa.

"You need to go, I'm fine." kinasa nya ang baril na hawak nya na.

"Protect, Viona----" hindi ko na narinig ang sinabi nya dahil mabilis kong ipinutok ang aking baril sa lalaking papalapit sa amin.

Agad naging alisto ang mga guards at mas pinalibutan si Ms. Lacosta. Com'on, we can't stay here. Delikado na ang buhay ng modelo dahil masyadong marami ang kalaban.

"Agent Spades and Yska, I need you to call our other agents. Marami ang kalaban natin, they plan for this. We need back ups, we need the Special Force Five." kailangan namin ang grupo ni Jelvi at ang grupo ni Agent Silver.

"Copy!" sigaw na sagot sa akin ni Agent Spades habang dinig ko naman ang mga putok sa pwesto nya.

Mabilis kong hinablot ang isang baril nung guard na nagulat sa aking ginawa.

"Follow me, may alam akong lugar kung saan tayo pwedeng mag-tago." kumunot ang noo nila sa akin na tila ayaw pang maniwala.

Ngunit hindi ko iyon pinansin dahil nagpaputok ako sa mga lalaking nasa cabin at may hawak na mga baril. Hinawakan ko si Ms. Lacosta at hinila, napasigaw sya nang nagpaulan ng bala ang kalaban sa amin.

Rinig ko ang pagmura ni Liam habang nag-tatago kami sa lamesa. Pinatumba ko ang isang lamesa at itinulak doon si Ms. Lacosta upang mag-tago. Nabasag ang mga baso, plato at ang mga alak na narito sa restaurant.

"You can use guns?" kahit maingay ay narinig ko ang tanong nya sa akin.

"I need to protect you." ani ko lamang at tumayo at bumaril sa mga kalaban.

Sinubukan kong patamaan ang bawat isa sa kanila dahil masasayang ang mga bala ko kung walang matatamaan sa kanila.

Yumuko akong muli at chineck ang bala ko, nabaling ang atensyon ko kay Liam na nagtatago din sa kabilang lamesa at patuloy din ang pakikipag-palitan ng bala.

Chamber of SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon