Chapter 5

12 3 0
                                        

Dedicated to DeaAvriaAmare. Enjoy

Chapter 5

Mission

"Ano? Ayaw mo?" tumaas ang kanyang kilay, tila naiinip na dahil hindi ako umiimik.

"Magaling ka na siguro kaya ang lakas ng loob mong sumuntok-suntok." ngumisi ako sa sinabi nya. Tinalikuran ko sya at hindi parin nag-sasalita.

Alam kong naiinis sya dahil imbes na nagpapahinga ako ay narito ako at pwinepwersa ang sarili.

"Don't be mad, doc." I said.

"I'm always mad, Agent Astéri."

"Kung hinahamon mo ako pwes simulan na natin." mabilis ko syang hinarap at binigyan ng seryosong tingin.

"Sigurado akong mapapagalitan ka ni Roni at nang iba pa nating ladies." she chuckled.

"I don't care. I can do whatever I want." laban ko.

"You're so still stubborn." umirap sya ngunit ngumiti sa akin.

Naka-gym attire sya at halatang mag-eensayo ngayon ngunit narito ako kaya hinahamon nya akong muli. Hamon na hindi ko aatrasan.

Hinamon nya na ako noon, isang pag-hamon sa akin upang masubok nya kung gaano nga ba sya kalakas, kung kaya na nya ba akong talunin.

"I really admire you as one of our good agents. Masyado kang magaling para sa akin at alam mo na I am craving to be better." aniya na nginitian ko.

"I know you always do better,  Agent Aimlpz." natawa sya sa harapan ko at pinasadahan ng kanyang kamay ang kanyang buhok.

"Natalo mo ako sa laban natin noon ngayon susubukan kong talunin ka." umiling ako.

"Don't try. Talunin mo ako." utos kong sabi sa kanya kaya mas naging seryoso ang kanyang mukha.

Nag-lakad ako upang maka-hanap ng mas magandang pwesto para makapag-simula na kami. Umayos na sya ng posisyon, posisyon na hudyat na handa na syang makipag-laban sa akin.

I slightly bend my knees and posisyon my arms, closed fist.

"Fight me as if I'm your enemy, Agent Astéri." utos nya, ganito din ang hamon nya sa akin noon. Nagkaroon kami ng sugat dahil sa masyado naming sineryoso ang aming labanan.

Hindi ako sumagot ngunit mabilis na syang umatake sa akin. She attacked me by punch but I averted. Sinubukan nyang sumipa sa akin ngunit muli lamang akong umiwas sa mabibilis nyang pag-atake na ibinibigay sa akin.

"Ano? Iiwas ka nalang?" pag-hahamon nya sa akin na tila nairita dahil patuloy at purong pag-iwas lamang ang aking ginagawa.

Hindi ko sya inaatake, hindi ko ibinabalik ang pag-aatake nya sa akin. Ngunit tinitignan ko lang kung may nag-bago ba sa galaw nya, at sigurado akong mas gumagaling sya. Mas agrisibo, mas mabilis at ang galaw nya ay may diin. Kung hindi ko naiwasan ang suntok nya baka tumba na agad ako kanina.

"Fight back, Astéri!" she almost yelled at me, waiting to my attack.

Pinakiramdaman ko ang aking pag-hinga, hinahanap ang tamang tyempo para umatake. Mas binantayan ko ang kanyang katawan, mula sa pag-hinga nya at sa kakaunting paggalaw ng kanyang paa at kamay.

Mas natuon ang aking atensyon sa kanyang katawan na mabilis na umere at sinubukan akong sipain sa ulo ngunit yumuko ako agad at mabilis na inunat ang aking paa at sinipa ang paa nya.

Nawalan sya ng balanse ngunit hindi nya hinayaan na matumba sya, agad nyang naayos ang kanyang sarili at mabilis akong nilingon at binigyan ng sunod sunod na suntok na patuloy kong iniiwasan.

Chamber of SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon