Chapter 36

3 1 0
                                    

Dedicated to Dimples_Star. Enjoy!

Chapter 36

Mission

"Grabe ka talaga mag-joke, nakaka-sakit." pinilit nyang tumawa sa harapan ko.

Suminghap sya ng hangin at naka-hawak ang parehong kamay sa tagiliran nya.

I wish I was just playing or joking but I'm not.

"Fix yourself, babe. We should celebrate our first monthsary." he smiled so genuine.

Sinubukan nyang hawakan ang aking kamay pero iniwasan ko ito. Mas nagtaka sya sa kilos ko ngayon.

"We're okay right?" he asked.

I didn't answer. I have so many words to say in front of him, I want to scream and curse him. I was so angry and I'm broke.

Akala ko ay kapag kaharap ko sya mailalabas ko agad ang galit ko pero mali, dahil nang kaharap ko na sya ay parang ayoko nang mag-salita. Nanghihina ako at ayoko nalang syang kausap, gusto ko nalang lumayo at iwasan sya.

"Sabihin mo, ayos naman tayo diba? Hindi tayo nag-away diba?" tanong nya.

"Frexie," suminghap lamang ako nang tawagin nya ako.

"Gusto ko nang makipag-hiwalay kaya sana maintindihan mo 'yun." kahit gusto kong tignan sya sa mata ay hindi ko na nagawa

Nilagpasan ko sya at akmang papasok na sa bahay pero nag-salita sya dahilan para tumigil ako.

"Hindi ko maintindihan. Hindi ko 'to kayang intindihin. Hindi kita maintindihan." humina ang boses nya.

"Hindi ko na kasalanan 'yan." sagot ko nalang at papasok na ng bahay pero nahawakan nya ako.

"Liam!" sigaw ko at agad na binawi ang kamay ko.

"Anong problema? Bakit ka nakikipag-hiwalay? Bakit na naman agad agad nag-babago ang pakikitungo mo sakin? Naguguluhan ako!" napahilamos sya sa kanyang mukha.

"Nahihirapan at nasasaktan na ako!" I saw him gulped.

"Nasasaktan na....natatakot na ako." nakita kong agad namuo ang luha sa kanyang mata.

"Nahihirapan, nasasaktan kana pala, kaya mabuting makipag-hiwalay ka na sa akin." please just let me go.

Hindi ko kayang idiretso ang mga salita ko. Hindi ko kayang sabihin sa kanya ng harap-harapam ang kasalanan nya, dahil nasasaktan ako...nahihirapan ako ng sobra.

"You know that I can't do that. Alam mong hindi ko kayang makipag-hiwalay sayo." hindi nga nya kayang makipag-hiwalay pero kinaya nyang makipag-halikan sa ibang babae.

"Tumitingin ka parin talaga sa iba. Just like before, our first date. Magandang babae talaga ang---" he stopped me.

"Stop bringing up the past here. Naayos na natin at napag-usapan ang issue na 'yan. Why you still bringing it up?" he said with his red face. I just chuckled.

"Frexie, naguguluhan ako kaya please sabihin mo ang rason kung bakit ka nakikipag-hiwalay?"

"May problema tayo?"

"Ano 'yun? May nagawa na naman ba akong mali? Sabihin mo para mapag-usapan natin at maayos." mabilis na naman nyang nahuli ang kamay ko at mahigpit na itong hinawakan.

"Pag-usapan natin 'to. Hindi naman hiwalayan ang sagot sa isang problema. Please, usap tayo." pilit nya.

"You cheated." halos bulong kong sabi at naramdaman ko ang pagbara sa aking lalamunan.

Chamber of SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon