Chapter 4

15 4 5
                                        

Dedicated to syaleullein31. Enjoy

Chapter 4

Hinahamon

"Then what's next?" I asked, habang hindi na alam ang sunod na gagawin pagkatapos kung basagin ang mga itlog.

"Sa tingin ko ay gatas ang ihahalo sa itlog." suhestyon ni Abegail.

"Anong klaseng gatas?" tanong ni Jessica.

"Bearbrand?" patanong na sagot ni Ariane.

Tumaas ang kilay ko at hindi makapaniwala sa mga suggestions nila. Mag-bebake kami ngunit hindi alam ang mga ingredients na ilalagay.

"Pwede ba ang gun powder?" I suggest. Sabay sabay nila akong pinagtitigan at nagkatinginan sila sabay ngiwi.

"Frexie, nakakain ba ang gun powder? Walang ganon na hinahalo sa cookies." ngumuso si Ariane sa akin.

"You plan to cook but you don't know what ingredients to use." napairap nalang ako.

"Hey, we can do this. We're agents right? We're intelligent, talented and wise." ani ni Abegail.

"Exactly, we're agents and we're not bakers." binitawan ko ang bowl na hawak ko at isang tinidor.

Natahimik silang lahat sa akin at walang naka-sagot. Tinignan ako ni Roni na malulungkot ang mga mata. Oh com'on, we really don't know how to bake, hindi naman ito kasama sa training na naranasan namin noon. Hindi ito itinuro ng mga commanders namin, kaya anong alam ko dito?

I am a bad cook, tanging pag-prito nga ay hindi ko magawa ng maayos kahit ang mag-luto ng kanin ay nagkakamali pa ako. Ito pa kayang pag-bake ng cookies?

Halata naman sa mga kasama ko na clueless rin sila, sa mga ingredients na dapat ihalo at kung paano nga ba ito matatapos na masarap at pwedeng kainin ang kalalabasan.

I take a deep sigh before I speak.

"Harina ang ihahalo sa mga itlog na binasag natin. Tapos ay hahaluin ito ng mabuti, lagyan narin ng mga pampalasa." I said at muling hinawakan ang bowl at isang mixer.

"Sayang ang mga ito kung hindi matatapos at makakain." dagdag ko pa at nilugay ulit ang itlog.

Tinignan ko silang muli na agad ngumiti ang labi at kinuha muli ang mga utensils na binitawan nila kanina. That's my fault, they all want to bake, pero pinipigilan ko sila. Takot na magkamali, masunog ang buong mansyon at mag-sayang ng mga ingredients.

Ayoko lang subukan ang bagay na alam kong hindi ko kaya at hindi ako marunong. Gagawin kong kahiya-hiya ang sarili ko at makakaramdam lamang ako ng panliliit. Kapag alam kong hindi ko kayang gawin, kapag alam kong hindi na dapat pwede ipilit pa ay hindi ko na dapat galawin, hawakan at gawin.

All things aren't for you to experience, know and learn. Only those things that suits to you and you capable to do is really meant for you.

"Maybe, cooking or baking aren't for us. But we can practice, we are still girls and girls need to know how to cook. Practice makes perfect they say. We all need patience and love while cooking." ngiting sabi ni Garlyn.

Hindi na ako sumagot, nanahimik ako at ipinagpatuloy lamang ang aking ginagawa.

"Kailangan natin ng gatas hindi ba? Itong nestle cream pwede ba 'to? Ito ring condensada?" itinaas ni  Roni ang mga hawak nyang mga gatas at sabay sabay nalang kaming tumango.

"Ito na ang chocolates!" masayang sabi ni Ariane na hawak ang isang bowl ng mga chocolates na ilalagay sa cookies.

"May asin o paminta bang ilalagay sa cookies?" napaisip si Jessica sa sariling tanong nya.

Chamber of SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon