Chapter 24

5 1 0
                                    

Dedicated to balletaatang. Enjoy!


Chapter 24



In love



Hinabol nya ako hanggang sa labas ng restaurant pero hindi ko sya pinansin, diretso ang lakad ko palayo.

"Frexie!" tawag nya at halos lahat ng taong nakarinig ay nilingon kami.

"Pag-usapan natin 'to," aniya at hinahabol parin ako.

Ano ang pag-uusapan? Ang kung paano nya tignan ang isang babae na nasa kabilang table? Pasensya na kasi hindi ako kasing ganda nung babae, kasi hindi ako nag-suot at nag-ayos para sa date namin.

Hindi ko naman alam na kailangan pala na presentable at maganda ka sa date. I hate the feeling that he stares to other girls when I'm the one he's dating.

Bakit nya pa ako dinate kung sa iba sya titingin? Bakit may ganitong klase ng mga lalaki? May nagugustuhan na babae tapos na-aattract pa sa iba? The feeling that I am not really belong to the surroundings, I feel ignored and judged by those eyes. It hurts.

Natigil ako sa aking paglalakad at pinakiramdaman ang sarili. Mabigat ang nararamdaman ko, parang pakiramdam na gusto mong umiyak pero ayaw naman lumabas ng luha.

I am feeling this again, nasasaktan na naman ako. Hindi sakit na galing sa sugat, suntok, at pag-torture. Kakaibang sakit na naman, sakit na naramdaman ko nang mga panahon na iyon, naihahambing ko noon ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Pero magkaiba ang rason nitong sakit na nararamdaman ko.

Iniling ko at pilit na ayaw paniwalaan ang nararamdaman ko, ang iniisip ko. Masyado lang akong nag-iisip ng kung ano ano kaya ganito ang nararamdaman ko. Dapat binabalewala ko ito.

"Stop this!" napa-atras ako sa gulat nang bigla lamang syang sumulpot sa aking harapan.

Hinawakan nya ang aking kamay at mabilis na hinila. Galit ang mga mata nya, magkasalubong ang kilay at umiigtig ang panga, gigil na gigil.

Masyadong mahigpit ang hawak nya sa palupulsuhan ko at patuloy akong hinila hanggang sa nadala nya ako sa lugar na wala halos taong dumadaan.

Hinarap nya ako ng maayos sa kanya, sinalubong ko ang kanyang galit na mga mata. Hindi ko pa sya nakitang galit na galit pero ngayon isang nag-aapoy na Liam Llavore ang nasa harapan ko.

"Don't look at me like that," halos bulong kong sabi.

"Why? Natatakot ka?" may halong pang-aasar ang kanyang boses.

Hindi ko mapigilan na 'wag syang pagtaasan ng kilay. 'Yun talaga ang itatanong nya sa akin?

"Hindi ako natatakot sayo, ikaw pa ang galit ngayon?" inirapan ko sya.

"At bakit hindi ako magagalit?" bumukas ang labi ko at gusto kong matawa sa sinabi nya.

"Fuck you!" napasigaw nalang ako sa inis dahil sa hindi ko makuha ang punto nya o hindi ko talaga sya maintindihan.

"Then fuck me, Frexie!" sigaw nya rin at humakbang palapit sa akin.

I am shocked and I stepped backward, ayokong mag-lapit kami. Mas lalong sumama ang tingin nya sa akin, mas lumalim ang tingin at parang pinipigilan ang sarili na 'wag mag-salita ng kahit na ano sa harapan ko. Nagpipigil sya.

"Uuwi na ako, umalis ka na." pagtataboy ko sa kanya kaya sya napalakpak at sinabunutan pa ang kanyang sarili.

I heard him laugh hysterically.

"Yeah! Dyan ka magaling! Potangina!" tinakpan nya ang kanyang labi pagkatapos nyang mag-mura.

Pinili kong manahimik at maging kalmado kahit inis na inis na ako, kahit na nasasaktan ako mas pinili kong manahimik. Tinitiis ko nalang.

Chamber of SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon