Dedicated to creysdeynnn. Enjoy!
Chapter 14
Comeback
Iyon na yata ang napakasayang paalam na naranasan ko. Masaya akong sa wakas ay lumayo na sya sa akin, hindi ko na sya muling makikita. Sa wakas at hindi ko na maririnig ang maarteng boses ni Ms. Lacosta.
Sa wakas at hindi ko na muling maririnig ang pangungulit at nakaka-inis na pang-aasar lagi ni Liam Llavore. Sa wakas at tapos na ako sa misyon ko.
Nahirapan ako, inaamin kong nahirapan ako sa misyon kong ito lalo na ang makipag-habulan, mag-bantay, makiramdam at ang makipag patayan sa mga Dragonite Yakuza na nakaharap ko.
Isang misyon na muntik pang pumalpak, misyon na muntik narin akong mapatay. Napabuntong hininga ako.
"Hindi ka na namin na-contact pa," rinig ko ang usapan ni Roni at ni Agent Dark.
"Hindi ko naman inaasahan na bigla bigla na silang susugod sa oras na iyon, aaminin ko. Naging kampante ako." umiwas ng tingin si Agent Dark.
"Hinayaan ko ang misyon kay Frexie," binigyan nya ako ng tingin.
"Ginawa mo naman ang trabaho mo. Nagulat lang tayo dahil sa tahimik at maayos at tirik na araw na iyon sila sasalakay." ani ko habang tinitignan ang ginagawa ng nurse na nasa tabi ko.
"This is not new for us, kaya nga tayo laging may reminders galing sa ating nga higher commanders dahil ang mga misyon natin lagi ay isa sa pinaka-delikado." ani ni Roni.
"We must be always ready for what is coming, nagulat ako sa muntikan na nating pag-palpak sa misyon na ito." nakagat ko ang aking labi.
Tama si Roniza, nakakagulat na ganito ang kinalabasan ng aming pag-plaplano. Mahigpit ang mga higher commander namin sa bawat plano. We always ready for another plan, we have our plan B, plan C and so on. But this? Hindi ko inaasahan na muntikan na kaming pumalpak.
"Our plan is effective, actually. Pero may naramdaman akong kakaiba at may napansin akong mali." safe naman kaming nakakapag-usap tatlo dahil narito kami sa ospital ng mismong agency namin.
"What is it?" tanong ni Roni.
"Dragonit Yakuza might have some other back up organization," I said.
"Their forces, the guns and some members aren't good using katana's." napansin ko iyon dahil marami rin akong napatay at nakaharap sa mga kalaban.
Pansin na pansin ko ang kakaibang galaw nila, lalong lalo na pag-hawak ng kanilang main weapon for battles.
"That's it, ang umatake sa atin ay hindi lahat myembro ng Dragonite Yakuza," bahagya akong tumango sa sinabi ni Agent Dark.
"Nanghikayat sila at nag-bayad ng mga tao na sasama sa pag-atake nila upang mas marami, mas may tyansa silang manalo at mapatay si Ms. Lacosta." lahat kami ay nilingon si Shamel na may benda ang ulo at may saklay.
Matindi din ang natamo nyang sugat sa misyon namin.
"Bakit ka bumangon? Kailangan mo pang mag-pahinga," gulat na sabi ni Roni sa kanya na inilingan nya lang.
"I'm fine, gusto ko lang makita si Frexie." bumaling sya sa akin.
"Alam kong ikaw ang nakasama ni Ms. Lacosta sa kabilang isla kung saan kayo nag-tago, alam ko rin na binantayan mo talaga sya ng maigi," nakikinig ako sa gusto nyang iparating sa akin.
Huminga sya ng malalim bago nag-salita, "May napansin ka bang kakaiba sa kanya sa gabi ng mismong party?" napaiwas ako ng tingin dahil sa tanong nya, ang akala ko ay ako lang ang makakapansin.

BINABASA MO ANG
Chamber of Secrets
ActionStarted: April 21, 2022 Ended: June 23, 2023 Frexie Alicame is a college teacher, but behind her licensed profession, there's a secret that she keeps. She's a member of the RavenClaw Agency, where agents live--highly trained agents and powerful ladi...