Dedicated to Cosiddetta. Enjoy
Chapter 39
Chamber
I had trouble breathing when he just locked the handcuffs on my hand.
"Liam..." I just whispered.
The last thing I knew my vision just got blurred and I past out.
Nagising na lamang ako dahil sa mga mararahan na haplos sa aking buhok.
Nang mabuksan ang mata ay agad na bumungad sa akin ang mukha ni Liam. He smiled.
"Ano 'to?" I asked at mabilis na bumangon at lumayo sa kanya.
"Easy," aniya.
"What the fuck is this Llavore?!"
Tinignan ko ang kamay ko na nakatali at ang mga paa ko.
"Anong gagawin mo sa akin?"
"Wala, dito ka lang. Kasama ako." aniya at bumaba sa kama.
"What you want to eat? Me or there's a specific food you want?" hindi ako makapaniwala sa ginagawa nya.
Ano 'to? Itutuloy nya na ba ang pag-patay sa akin?
"Papatayin mo na ba ako?"
"What? At bakit naman kita papatayin?" gulat sya sa tanong ko at hindi makapaniwala.
"Bakit mo ako dinala dito? Tinali mo pa ako, you kidnapped me!"
Ngumisi sya at lumapit muli sa akin.
"If this is the only way that you'll be staying by my side then I'll do it."
"Wala na akong pakialam kung makukulong ako, wala na akong pakialam kung magalit ka sa akin. Basta ang gusto ko makasama ka, at magkaron tayo ng sariling pamilya." diretso ang tingin nya sa mga mata ko at natakot ako dahil don.
Sa bawat pag-salita nya ay seryoso sya. Natakot ako na isa na naman itong malaking mali para sa aming dalawa. Is this his other plan to hurt me? Ibang plano nya para patayin ako?
"Ano bang pinagsasabi mo? Ang sabihin mo dinala mo ako dito para patayin dahil ako ang pinagbibintangan nyong pumatay sa fiancee mo, kay Lavender!" 'yun ang rason kaya nya ako kinidnapped.
Baka may pupuntang mga pulis dito o baka sya talaga ang papatay sa akin para maka-ganti sa nangyari kay Lavender?
"Tell me the truth, Liam! At least for the first time magpakatotoo ka sa akin! Kahit ngayon lang!"
Tama na sa mga sekreto, Liam. Pagod na ako sa mga sekreto nang mga tao, ng mundo. Ayoko na. Ayoko na ng isa pang kasinungalingan.
"Hindi kita kinidnapped para patayin!" he shouted.
Natakpan nya ang kanyang labi gamit ang kamay at napa-pikit halatang frustrated na.
"Why would I kill you? Hindi kita kayang patayin!" nakagat nya ang labi at umiwas ng tingin.
"I bring you here because I miss you so much at hindi ko na kayang mag-hanap nalang lagi sayo sa kung saan saan. Hindi ko na kayang wala ka sa tabi ko." nanginig ang boses nya.
Natahimik ako at ito na naman ang kirot sa puso ko.
"Hindi ko inisip o hindi ko isinisisi sayo ang nangyari kay Lavender. I know you're a dangerous woman but I know my Frexie couldn't do that hideous crime."
"Alam mo kung ano ang tama sa mali, may pinaglalaban ka at may sariling prinsipyo. Naniniwala akong inosente ka at hindi ka kriminal. Hindi kita sinisisi sa pagkamatay nya, alam ko 'yun. Kilala kita at alam kong tama ang pinapaniwalaan ng puso ko."
![](https://img.wattpad.com/cover/299906691-288-k835136.jpg)
BINABASA MO ANG
Chamber of Secrets
AcciónStarted: April 21, 2022 Ended: June 23, 2023 Frexie Alicame is a college teacher, but behind her licensed profession, there's a secret that she keeps. She's a member of the RavenClaw Agency, where agents live--highly trained agents and powerful ladi...