Dedicated to chrmlxnn_. Enjoy!
Chapter 11
Gunshot
May mga cottages ang buong resort ngunit narito ang lahat ng bisita sa malaking hotel nila. Malawak ang bawat kwarto at napupuno ng mga simleng desenyo, may mga painting at meron ring veranda na matatanaw naman ang pool sa ibaba.
Kasulukuyan kong nililinisan ang baril ko nang maakit ang aking mga mata sa tanawin sa labas. Ibinalik ko na muna ang baril ko sa kabinet at binuksan ang sliding door ng aking hotel room.
Malamig na hangin ang tumambad sa akin, sumalubong sa aking mata ang mga taong naliligo sa pool na nasa ibaba. Malapad ito at tanaw na tanaw ko ang lahat mula rito sa itaas.
Nanatili akong nakatanaw sa ilalim nang makita ko si Ms. Lacosta na naka-upo sa gilid ng pool at nakababad ang paa habang ang suot ay isang white two piece.
Maraming bumabati sa kanya, sa bawat daan ng mga tao ay kinakausap sya at lumalapit pa sa kanya upang makipag-kamay.
Mukhang kailangan ko ng bumaba. Pumasok na ako ulit at isinara ang pinto. Agad umilaw ang aking cellphone kaya kinuha ko ito at sinagot ang tawag.
"Hello, Agent Astéri. Aalis na muna ang Special Force Five dahil may mahalagang iuutos sa kanila si Lady Sy at si Justice. Ang grupo nating Lethal Weapons ang mananatili dito." mahabang bungad sa akin ni Agent Dark.
Tumango ako kahit hindi nya naman ako nakikita. Wala akong sinabi o sagot dahil ibinaba ko na ang tawag. Nag-ayos na lamang ako upang maka-baba na. Nag-shower at pumili ng damit.
Napili ko ang isang white long sleeves crop top and a white palda short, nag-suot lamang ako ng isang tsinelas.
Kumuha ako ng shades at pinagtitigan muna ang sarili sa salamin bago umalis na. Pagka-bukas ko palang ng pinto ay bumungad sa akin ang pabango ng isang lalaking nakatayo lang din sa mismong pinto ng kanyang kwarto at nag-titipa sa kanyang cellphone.
Saglit ko syang nabigyan ng tingin. Nakilala ko na sya agad at muli ko lang din naalala ang nakita ko kagabi. Dinig na dinig ko pa nga ang ingay nila kahit nasa kwarto na ako. Napabuntong hininga ako at nag-lakad na.
"Good morning, miss." bati nya sa akin ngunit hindi ko sya pinansin. Naramdaman ko ang kanyang pag-sunod.
"Saan ka kakain ng breakfast?" tanong nya habang hinahabol ako.
"Sabay na tayo?" tanong nya ulit ngunit hindi ako sumagot.
Patuloy ako sa aking paglalakad at hindi sya pinapansin na nasa aking likod. Narinig ko ang mahina nyang pag-tawa na tila nag-eenjoy sa ginagawa nya. Seriously? Anong nasa utak ng lalaking ito at parang nasisiraan na sya ng ulo?
He's still keep stalking and talking to me even though I didn't give a damn answer in every questions he asked. I ignore him, and he also said that he hates me for ignoring him? So why he still doing this? Hindi parin sya tapos? Gusto nya ba akong ikama?
Nang bigla kong naisip iyon ay natigil ako sa aking pag-lalakad at agad syang nilingon. Nagulat sya sa ginawa ko kaya ang kanyang labing naka-nguso na tila sumisipol ay agad nag-bago at ang kanyang mata na bahagyang nanlaki dahil sa gulat. Naka-pamulsa sya.
"Ahmm?" he started.
"If you want some girls to wet your bed then I am not fit for it. Hindi ako ang babaeng kailangan ng kama mo." I directly said before I turned my back again.
I saw how his lips parted because of shocked, well that's all I wanted to say. Para naman malaman nyang hindi ako ganon at kagaya ng mga babaeng naikakama nya. Hindi ako ang babaeng pwede nya lamang hilahin, halikan at gawing parausan dahil gusto nya lang.
BINABASA MO ANG
Chamber of Secrets
Hành độngStarted: April 21, 2022 Ended: June 23, 2023 Frexie Alicame is a college teacher, but behind her licensed profession, there's a secret that she keeps. She's a member of the RavenClaw Agency, where agents live--highly trained agents and powerful ladi...