Chapter 9

6 1 0
                                    

Dedicated to champiwon. Enjoy!

Chapter 9

Ignored

"Let me go." I seriously demanded.

Ngumisi sya, his perfect proportion lips moved again and whispered another word.

"Let's dance, miss." pagyaya nya sa akin na kinaiinisan ko.

Ayaw nya akong pakawalan at nanatili pa ang kanyang kamay sa aking bewang kaya sa aking pagkaka-irita ay tinapakan ko ang kanyang paa gamit ang heels ko.

Akala ko ay mabibitawan nya na ako at makakalayo na sa kanya ngunit wala syang pinakitang kahit na anong emosyon. Mas diniin ko ang aking heels sa kanyang sapatos at alam kong nasasaktan sya.

"Mapanakit ka," ngumuso sya at mas inilapit ako sa kanya na ikinalaki ng aking mata.

"But I can endure the pain you giving to me, miss." gumalaw sya at sa paggalaw nya ay muntik pa akong matumba dahil bigla akong nawalan ng balanse ngunit umalalay ang kanyang mga kamay sa akin.

Bahagya akong nakahawak sa kanyang braso, kahit naka-patong lamang ang aking kamay sa kanya ay naramdaman ko ang kanyang muscles. Nanatili ang aking tingin sa kanya, walang salita akong masabi ngunit gusto kong lubayan nya ako dahil kung hindi magkakaroon ng gulo dito.

"Ang ganda mo talaga." mangha nya na namang sabi na tila nahuhumaling na sa akin.

I rolled my eyes, "Stop playing around." nasabi ko.

"I didn't expect this, pangatlong beses na pagkikita natin." tinulungan nya akong makatayo ng maayos ngunit nanatili ang kamay sa likod ko.

Hindi ko sya sinagot ngunit tinitigan ko sya ng mabuti.  I want him to look in my eyes and realize that I hate having conversation, I hate too much talkings and I really hate guys like him.

"Need help, Agent Astéri?" rinig ko ang maliit na tawa ni Agent Dark.

He's around, at nakikita nya ako ngayon. Hindi ako maka-sagot dahil sobrang lapit sa akin ng lalaking ito ngunit kailangan ko nang kanyang tulong dahil hindi na ako makapag-timpi pa, manununtok na ako at ito ang iniiwasan ko.

"Hi, excuse me." gumalaw ang mata nang lalaking nakahawak parin sa akin nang marinig ang boses ni Agent Dark.

Nakahinga ako ng maayos dahil sa wakas dumating sya ngunit hindi sya pinansin nang lalaki.

"Mr. Llavore?" ako na ang gumalaw at inalayo ang sarili ko ngunit hinigit nya akong muli palapit sa kanya at iniharap kay Agent Dark kaya nanlaki ang mata ko at naestatwa pa.

"Yes?" tanong nito, napakurap si Agent Dark at gumapang ang tingin sa bewang ko kung saan naka-hawak ang kamay nang Mr. Llavore na tinatawag nya.

"Dadaan ka? Malapad ang daanan, daan ka lang." maangas ang ngising ipinakita nya ngunit hindi ito pinansin ni Agent Dark.

"Frexie, let's talk. I want to fix this, I can't lose you." tila hindi ko narinig ang sinabi ni Agent Dark. Ayaw yata pumasok sa aking utak ang sinabi nya.

Nabigla ako at hindi alam ang isasagot o ang gagawin. Fuck, boys. What a cringe moment, nakakadiri naman ito.

"What?" naguluhan ang lalaking hindi ko kilala ngunit sobra ang hawak sa akin.

Ganito ba talaga ang mga kagaya nya? Kahit hindi kilala ay basta basta lamang hahawak ng ganito na halos ayaw ako pakawalan?

"He's my---- ahmm" napalunok ako sa harapan ng dalawang lalaki.

Chamber of SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon