Maayos na sana ang lahat kung wala lang ang epal na babae ito. Simula ng lunes ay sinisira niya talaga ang araw ko, dalawang araw na siyang nasa labas ng bahay, kaya inis na inis na talaga ako. Ano ba ang kailangan niya? Nakakainis talaga ng mukha niya.
Kinagabihan ay nagdoor bell siya naghuhugas ako ng pinggang kaya si Hades ang bumukas ng pinto.
"Serenade, I fucking told you to leave!"
"Kids, go to your room." Dugtong ni Hades. Sumalubong ang kilay ko at pinunasan ang kamay habang lumalabas sa kusina.
"Why don't you introduce me to them? Darling."
Darling?
Taas kilay akong lumabas sa kusina at nilapitan sila. Agad natumakbo ang mga bata papunta sakin kaya napatingin si Hades at Serenade sakin. Grabe gaano ba kakapal ang mukha ng babaeng 'to. Nakakaumay na ha.
"Bakit 'yan nandito?" ginawa kong kumalma pero halata parin sa boses ko ang pagkairita.
"Why not? Besides they are my children." Tukoy niya sa mga bata. Niyakap naman ng mga bata ang binti ko ng mahigpit kaya hinagod ko ang mga ulo nila.
"Mommy..." Natatakot na bulong ni Riccio. Pinuntahan agad siya ni Hades at kinarga. Hades kissed his temple and whispered something.
"Yes, baby?" epal talaga ang babaeng 'to. Wala akong masabi nakakainis talaga. Napangiwi ako, she have the audacity to called my children her's huh.
"Not you!" Sigaw ni Rosso sabay takbo papunta sa Daddy niya. Ang dalawa naman ay nasa tabi ko yakap-yakap ang binti ko.
"Serenade, leave." Hades firmly said.
"What! I have rights!" Sigaw ni Serenade.
"Rights? Karapatan?" Ngumiti ako sa mga bata at kinalas ang mga yakap niya at binigay sila kay Hades. Humarap ulit ako kay Serenade at binigyan siya ng masamang tingin.
"Nanunumbat ka ng karapatan, sino ba ang nangiwan? Sige nga, sino ba ang hindi pinanindigan ang responsibilidad! Karapatan ang hanap mo eh hindi mo nga kayang panindigan ang mga bata, baliktad ba iyang utak mo?" Karapatan raw, puta nakakatawa naman 'to. Kapal niya magsabi na may karapatan siya eh kung sampalin ko kaya siya at sabihin kung may karapatan ko.
"Wife," mahinahong tawag ni Hades. Hindi ito makapunta sakin dahil yakap yakap siya ng mga bata. Alam ko kung bakit niya ako tinawag, may mga bata at ayaw ko rin na makita nila ang sama ng bunganga ko.
Hinawakan ko ang buhok niya at kinaladkad ko siya papunta sa labas, pinaghahampas niya ang kamay ko, Oo masakit, pero mas masakit ang bala ng baril. Putangina siya pagnagpakita pa ulit sakin 'to, sa gilid ng kalsada talaga makikita ang katawan niya.
Marahas ko siyang binitawan sa harap ng gate.
"Oo ikaw ang lumuwal sa kanila. Oo ikaw ang bumuhay sa kanila sa loob ng siyam na buwan, pero kung hindi mo naman pala kayang ang responsibilidad bakit kapa nagpabuntis? Ano tanga kaba? Tangina, Oo hindi ako ang nanay nila pero paano mo nagawang iwan sila." Nanubig na ang mata dahil sa galit, inis, at awa.
Nakasalampak ito sa lupa habang nakayuko. Nanginginig ang balikat niya mukhang naiiyak narin.
"Sa totoo lang para sakin wala ka nang karapatan, paano mo silang nakayang iwan? Hindi mo ba naisip na baka hindi kaya ni Hades? Hindi mo ba naisip na baka hanapin ka nila sa ama nila? Oo kaya silang bigyan ni Hades ng materyal na bagay na gusto nila, pero hindi iyon mapupunan ng pagmamahal ng isang ina na hindi mo kaya ibigay sa kanila!"
Ang malas ko naman, ito pa ang sitwasyon na binigay nang Diyos sakin. I got triggered. Naalala ko si mama sa sitwasyon na'to.
Tumulo ang luha ko at marahas ko iyong pinunasan.
"Naging masaya kaba pagkatapos mo silang iwan?" Umiiyak ito lalo kaya naiiyak narin ako.
"Umiiyak ka dahil tama ako diba? Dahil naging masaya ka nga ng wala sila."
"I'm s-sorry..." umiling ako dahil sa sinabi niya, nasasaktan ako para sa mga bata.
"You're guilty dahil tama ako. Napaka sama mong ina!" I cried harder until I felt someone's hand on my shoulder and pulled me.
"Baby, calm down." He kissed my forehead and hugged me. Niyakap niya ako at narinig kong may pumasok na guards at kinuha si Serenade na umiiyak parin.
"I-I'm s-sorry." Huli niyang sabi bago siya nilabas ng mga gaurds.
Hinagod ni Hades ang buhok ako habang yakap yakap ako. Umiiyak parin ako pero dahil sa ginagawa niya ay kumakalma ako.
"Hades,"
"Hmm?"
"Sa tingin mo sobra na ang sinabi ko kay Serenade?" alam kong nasa likuran ko lang ito kanina, hindi naman siya malapit sakin pero alam kong narinig niya ang mga sinabi ko.
"You did nothing wrong, You just said what you feel. It's okay." He softly said.
Ilang minuto aumy kumalma na ako kaya pumasok na kami sa bahay, nasa sala parin ang mga bata at nanonood na ngayon ng tv na parang walang nangyari.
Tinignan ko si Hades, at mukha na gets niya ang ibig kong sabihin.
"I already talked to them." He said and kissed my temple once more.
"Are you feeling better now?" Tumango ako at tumabi sa mga bata. Nilapitan ako ni Rosso at Rhino at niyakap ako ng walang sabi at nanood ulit ng tv.
Tumabi si Hades kay Rosso ay nilagay ang kamay sa likod ng couch. Nakakandong si Riccio sa kanya at si Reido naman ay nasa kabilang gilid yakap-yakap si Hades.
Kinalabit ko ang braso ni Hades at agad naman siyang napatingin sakin.
"Nagugutom ako." Saad ko.
He caresses my hair and nodded.
"What do you want to eat?" He asked.
"Manga at Nutella." His brows immediately met.
"W-what?" Napanguso ako at hindi siya pinansin. Narinig ko siyang bumuntong hininga at tumayo.
"Daddy, where are you going?" Tanong ni Rhino.
"Buying mangoes, son." Sagot niya. Agad naman akong napangiti sa sinabi niya.
"I want to come."
"Me too."
Sabi ni Rosso at Reido. Tumango si Hades at hinawakan ang dalawang bata. Ang dalawa naman ay lumapit sakin at niyakap ako.
Nagpaalam sila na bibili ng manga in eight in the evening. Nainip ako kakahintay sa kanilang tatlo kaya pumunta muna ako sa kusina para maghanap ng pagkain.
Siguro nagutom ako kakaiyak.
Binuksan ko ang ref at ang unang naamoy ko ay ang juice, napangiwi ako at agad na bumalik ang sikmura ako. Tumakbo ako papunta sa sink at sumuka.
Puta ang baho non ah, expired na ba'yon. Tapon ko nga iyan bukas, ilang araw lang gustong-gusto ko pa non.
Kumuha na lang ako ng nutella sa itaas na kabinet at kinain. Ilang minuto rin ay dumating si Hades na may dalang manga. Masaya kong binalatan ang manga at sa kusina na kumain dahil tinatamad akong pumunta sa sala.
Sinawsaw ko sa nutella ang manga at shet ang sarap. Bakit ngayon ko lang na discover 'to? Badtrip! Joke, masaya ako ngayon.
Matapos kong kumain ay nakita ko agad si Rosso na tulog na sa balikat ni Hades. Pinatulog ko na sila at pumasok narin kami sa kwarto.
Agad pinulupot ni Hades ang braso sa bewang ko at siniksik ang mukha sa leeg ko.
"Are you feeling better now?" tanong niya.
Tumango ako at pinalaruan ang buhok niya.
"How's the mangoes?"
"Masarap at maasim."
"You dip it in the nutella?" Nakangiti akong tumango. Pero agad din iyon nawala.
"It's weird." Naiinis ko siyang tinulak pero mahigpit ang pagkakayakap niya.
"Anong sabi mo?"
"You have great taste." Panguuto niya sakin. Akala ata niya magpapauto ako. Tsk pero okay lang. Hehehehe. Niyakap ko ulit ito kaya natawa naman siya.
BINABASA MO ANG
THE BEAST ONLY LOVE
RandomBILLIONAIRE SERIES #3 [ Former title: Hello, Beasty ] [ C O M P L E T E D ] The Queen of poisons, Aconitum. Sania, never wanted to feel love like her friends loves their men. Because for her love will fade, reality is a cruel. But one man will chang...